Chapter Three (3)

48 2 0
                                    

CHAPTER 3

Are we really happy with this lonely game we play?

Looking for the right words to say,

Searching but not finding, understanding anyway,

We’re lost in this masquerade……

            From the song “This Masquerade”



Naka-upo sa sofa ang bisita ni Lynne nang pumasok siya sa lounge. Kasunod niya si Gem dahil gusto rin nitong makita at makipag kaibigan






Mag-isa lang siyang pumunta. Guwapo, disenteng manamit, matangkad atsaka mukhang maykaya.





“So, your Mr. Francisco?” tanong na inumpisahan ng kanilang pag-uusap





“Ako nga,” sagot nito at sabay abot ng kanyang kamay rito upang aluking makipagkamay.





Agresibong tinanggap naman ito ni Lynne.





Mahigpit ang hawak ni Eric sa kamay nito, na parang walang planong bitawan ito.






Kailangan pa niya talagang hatakin ang kanyang kamay para mabitawan lang siya.




“So, kukunin mo na ba sa akin yung libro at yung letter mo? Tanong ni Lynne




“Kung ibibigay mo sakin, oo.” sagot ng lalaking kaharap niya





Bahagyang natawa ito at sumagot





“Siyempre, ibibigay ko. That’s what I’ve been saying in my show. Besides, sayo yun,”





“Gemmy, pakikuha nga yung libro sa booth” utos ni Lynne






Kaagad namang umalis si Gemmy upang kunin ito.






“Okay lang naman siguro kung hanapan ka ng katibayan na ikaw nga si Eric Francisco?”





“Okay lang naman”





“May dala ka bang ID?”






“Meron,” at sabay binunot ang wallet sa likurang bulsa ng pantalon nito. Naglabas ito ng dalawang IDs, isang driver’s license at isang office ID, at inabot it okay Lynne.






“Eric Francisco” nga ang pangalan niya at kamukha ng kaharap niya ang litratong ipinakita nya.







Naisip nya agad na hindi nga ito nagpapanggap






“Kamusta ka na, Eric?”tanong niya habang ibibalik ang mga IDs nito.






Masaya siya dahil nakaharap na nya sa wakas ang lalaking sa hula niya ay wagas kung magmahal







Mabuti  naman” nakingiting sagot nito. Puno ng kumpyansa ang ngiti nito na nagsisimulang magpaasiwa sa kanya.







Napansin naman ni Lynne andlg pagtitig ng lalaki sakanya. Iniisip pa niya kung may dumi na nga siya sa mukha niya o kung iinisip man niyang malisyoso siya aba eh! Susunggaban niya ang mukha niya para papakin






“Kumusta si Sarah?”  hindi pa nagpahalata nang tinanong nya ang tungkol dito.







Gusto niyang isipin baka dahil lamang sa kanyang matinding kasiyahan ngayong napasakamay na uli nito ang libro at ang sulat ang nakikta niyang maluwang na ngiti sa mga labi nito







A Song For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon