7: Rhythm

1.4K 75 15
                                    

Hindi ko aakalaing si Artemis ngayon ang magiging guro namin.

Woah! Kahit nakatayo lamang ito sa harapan namin ngayon ay hindi talaga matatawaran ang ganda niya.

She's hell gorgeous! Nakakapagtaka at magkakambal sila ni Apollo.

"Welcome to eonian citadel! This place will be your new home!" masiglang bati nito sa aming lima.

"Yey!" sabik na hiyaw ng isa sa amin.

Nakakabagabag naman, halos walang reaksyon ang iba rito.

"Before you introduce yourselves I will be giving a task for each of you."

Isa-isa kaming binigyan ni Artemis ng instax polaroid.

"Magnificent, I have no idea that they also have this thing here," rinig kong bulong ng babaeng katabi ko.

Oo nga. Akala ko nga rin naman ang mga tao lang ang gumagamit ng bagay na ito.

"Now that you all have that thing. I want you to room around the whole citadel for 6 hours and take photos to all the things that catches your attention. You can go together or go with a partner or do it alone. It's your choice."

Hindi pa kami nakakapagbigay ng tanong o reaksyon sa unang bagay na gagawin namin ay bigla nalamang nawala sa harap namin na parang bula si Artemis.

Napatingin ako sa apat kong mga kaklase. Ni isa ay walang nagsasalita.

Magkakaroon kaya ako ng kaibigan sa lagay na ito? They don't look so approachable. Nakakainis!

Mayamaya lang ay isa-isa na nga silang nagsi-alis. Aba! Wala nga talaga silang balak makipagkaibigan man lang sa isa't-isa habang ako naman ay naiwang nakatayo.

"Hey, do the task. Artemis instructed us to do this before we introduce ourselves."

Napatingin ako sa matangkad na lalaking may hawak ring instax polaroid. Siguro ay kaklase ko siya.

Matapos niyang sabihin iyon ay dinaanan niya lang ako. Tama nga siya, ako lang ba ang hindi naisip kaagad ang bilin ni Artemis?

Gaya nila ay nagsimula narin akong maglakad at nagmasid sa paligid ng citadel.

Hmm. Maganda naman itong citadel na ito ah, maraming mga nilalang ang nandito. Ano kayang pwede kong kunan ng litrato rito?

Anything that catches your attention

Patuloy lang ako sa paglalakad nang may makita akong mga batang masayang naglalaro sa daan. Bakas sa kanilang mukha ang tuwa.

Wala akong alaala noong bata pa ako na nakapaglaro ng masaya kasama ang mga kaibigan. Sobrang saya nila at hindi alintana ang init ng araw.

Ang kakaiba pa rito ay hindi lamang sila simpleng bata dahil iba-iba sila ng lahi. They may be vampire, witch, wolfman, sorcerer or demigod.

Napangiti ako nang tignan ang nakuha kong larawan.

"Beautiful."

Patuloy lang ako sa pagtingin sa paligid nang may isang bagay ang bigla nalang umagaw ng aking buong atensyon.

"Woah! Saan kaya nanggagaling ang tugtog na ito?"

Isang napakagandang tugtog ng musika ang naririnig ko ngayon. Ang ritmo nito'y nakakagaan ng loob.

Patuloy lang ako sa paglalakad upang sundan ang musikang iyon. Nais kong makita kung sino ang nagpapatugtog ng napakagantang musikang ito at kunan siya ng litrato.

Napatigil ako nang makita ko na kung saan nanggagaling ang musikang iyon.

Napangiti ako at kinunan ang lalaking iyon ng litrato habang nakatalikod. Hindi ko alam kung anong klaseng instrumento ang ginagamit niya ngayon pero gusto kong malaman kung ano ito.

Myth 4- Apollo: The Sun (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon