1: The Cave

3.5K 123 19
                                    

"Maria Claraaaaa!" rinig kong sigaw ng kapatid kong si Victorina mula sa kabilang silid.

Ang nakakarinding sigaw ni Victorina na rinig na rinig sa buong bahay namin kahit gaano pa ito kalaki.

Nakakainis! Nagsusulat ako rito e!

Agad ko namang isinara ang laptop ko at itinago ito sa ilalim ng kama ko bago dalidaling lumabas ng aking silid. Mahirap na baka mahuli nila ako.

"What?!" kunot noo at inis kong tanong sa kapatid kong si Victorina na ngayon ay nakapameywang sa labas ng silid ko. Ako naman itong nakasandal sa may pintuan.

"Have you seen my red lipstick?" tanong nito.

I rolled my eyes. "Victorina, we're vampires! We don't wear lipstick! We have lips which is as red as blood for Pete's sake!"

"Psh!" padabog naman itong umalis sa harap ko saka bumaba para hanapin iyon sa iba pa naming kapatid.

Agad ko namang isinara ang pinto at kinuha ang laptop ko bago dumampa sa kama at muling nagsulat.

Hindi naman nila alam na nagsusulat ako. Ang laptop ko ay regalo sa akin ng kuya Demitri ko. Siya lang naman kasi ang nakakaintindi sa akin e, sa totoo lang si Kuya Demitri ang tanging nagbabasa sa mga gawa ko noon, noong nandito pa siya sa bahay namin.

Alam na alam niya rin na ang mga sulat ko ay tungkol lang kay Apollo at alam na alam niya rin kung gaano ko kagusto ang mga kwento ni Apollo.

Nakangiti ako ngayon habang nagsusulat nang may kumatok sa pinto. "Time for dinner lady," boses ng kapatid kong si Martinez mula sa labas.

Napabuntong hininga uli ako at muling binalik at tinago ang laptop ko sa ilalim ng kama.

Haysss, kung kailan talga ako nagkakaabala saka naman maraming nangungulit.

"Blood or flesh?!" rinig kong wika naman ng kapatid kong si Caureen habang pababa ako ng hagdan.

Malaki ang bahay namin, siguro mansyon na itong tinitirhan namin. May 55 na silid kaya naman sobrang laki nito. Sa gitnang bahagi nito ay isang pahabang mesa kung saan kami kumakain magkakapatid.

52 kaming magkakapatid at dahil narin sa haba ng panahon marami ang nangyari kaya naman ang mga panganay namin ay nagsialisan na sa mansyong ito at namuhay malayo sa amin, isa sa kanila si Demitiri na paborito kong kapatid.

"Both," walang gana kong sabi at agad na umupo sa upuan ko.

"It's good to see all of you in this table." nakangiting wika ng aming ama at agad na umupo sa pinakadulong bahagi ng mesa kung saan kita namin siya.

Dose nalang kaming natitira rito sa mansyon kasama ang ama namin. Seven girls namely, Victoria and Victorina (they are twins), Caureen, Antoinette, Margaritha, Cassidy and me, Maria Clara. We also have five boys namely, Lucas, Marcus, Martinez, Primo and Maximus.

I'm the youngest of all the children and it sucks.

"Blood or flesh?" yan ang tanong ng mga kapatid ko sa isa't-isa.

"Duhh, both of course!" inis na sabi ni Victorina at uminom.

"We eat flesh and we drink blood, why bother asking?" dagdag naman ni Victoria.

Sa totoo lang ang dalawang babaeng ito ang pinakamaldita sa aming magkakapatid. Naiinis nga ako sa kanila.

"Cut it ladies and start eating." sabi pa ni ama.

Tahimik kaming kumakain lahat sa pahabang mesa na ito tanging tunog lang ng mga kutsara at tinidor ang maririnig hanggang sa basagin ni Maximus ang katahimikan. "What if we don't live like this?"

Myth 4- Apollo: The Sun (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon