P R O L O G U E

21 3 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

- - -


"Good morning po doctora," bati sakin ng isa sa mga nurse dito sa ospital.

"Good morning" I smiled.

Napaaga ang dating ko ng ospital dahil urgent meeting daw ito.

Ang natural na oras ko talaga sa ospital ay 1 pm to 4 pm every Monday to Friday.

Dapat tatlong araw lang kada linggo ang pasok ko katulad ng ibang mga doctor dito sa ospital na pag mamay ari ng daddy ko, ang kaso ayoko ng routine na patay sindi ang trabaho ko, ngayon may pasok tapos bukas wala tapos bukas meron ulit. Mas gusto ko na lang pumasok araw-araw kesa ganon ang maging routine ko, para lagi kong naccheck ang mga pasyente ko kesa manatili sa condo ko o magliwaliw sa labas pag wala kong pasok. Ayaw ni daddy pumayag noong una na limang araw ako papasok ng ospital dahil wala na daw ako pahinga pero napapayag ko naman din siya dahil sabi ko may two days off naman ako at never ko pababayaan ang sarili ko.

"Good morning Alma," bati ko sa assistant ko pagkapasok ko ng office ko "Pasensya ka na, at pati tuloy ikaw e napaaga ng pasok."

"Good morning din po Doc," masayang bati niya sakin "Nako, okay lang po iyon. Di naman na kayo iba sakin at wala naman din po akong masyadong ginagawa sa bahay."

Mas bata siya sakin ng slight. Slight lang naman. Baka kase isipin niyo sobrang tanda ko na e.

"Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya pagkalapag ko ng bag ko sa desk ko sabay suot ng white coat at stethoscope ko.

"Hindi pa nga po e, per-" di na niya natuloy ang sasabihin niya dahil nagsalita na ko agad

"Let's go to cafeteria muna habang di pa kami pinapatawag sa meeting room." sabi ko sa kanya pagkalabas ko ng office ko.

"Nakakahiya naman po doc." nahihiyang niyang tugon sakin

"Don't be shy, di ka na iba sakin. My treat." I chuckled.

Ako na ang nag prisintang umorder ng breakfast namin. Nagtatalo pa kami kanina ni Alma dahil siya na daw ang oorder pero wala din naman siyang nagawa kaya pinauna ko na siya sa table kung san kami kakain.

"Doc, pinapapunta na po ang mga doctors in-charge sa meeting." my assistant said nang maibaba na niya ang telepono.

"Okay." I said while putting mask on my face. I have cold and namumula ang ilong ko. Nakakahiya naman sa mga ibang doctors pag nakita nilang ganon ang ilong ko.

Naglakad na ko patungong elevator at pinindot ang 4th floor dahil doon naka locate ang meeting room. Pasara na sana ang elevator nang mag open ulit to at pumasok si Doctora Reyes. Sa 2nd floor kase naka locate ang office ko at kanya kaya need pa namin talaga ang mag elevator.

"Good morning Doctora Aquino." bati niya sa akin

"Good morning din Doctora Reyes, kamusta ang mga pasyente?" I smiled

"Nakakaya pa naman ihandle, nakakapagod nga lang minsan dahil ang kukulit at ang titigas ng ulo ng iba kong pasyente." pagmamaktol na sabi niya

"It's okay, ganon talaga. Sumumpa tayo e. Di naman natin maiiwasan ang ganyang pasyente. May ganyan at ganyan talaga. Kaya habaan pa natin lalo ang pasensya." sabi ko sa  kanya at ngumiti kahit alam kong di naman niya makikita ang pag ngiti ko.

"Malaking check ka jan." sabi niya habang nag drawing ng check sa hangin.

Huminto ang elevator sa 3rd floor at alam kong may papasok, kaya naman umayos ako. At pagkabukas na pagkabukas ng elevator laking gulat ko ng makita ko ang isang pamilyar na mukha na masayang nakikipag usap sa kapwa niya doctor.

"Elijah!?" mahinang bigkas ko sa pangalan ng taong minahal ko ng lubos.

---------------------------------------------------------------------------

Reach High and Touch the Stars [On-hold] Where stories live. Discover now