1

15 1 0
                                    

"Kringgggg! Kringgggg! Kringgggg!" tunog ng phone ko.

"H-hello? Why Xana?" wala kong ganang sambit, antok pa kase ako, aga aga.

"Kyline!!! Naistorbo ko ba tulog mo? Sorry, hehe. Shopping us later ng mga gagamitin natin sa school for next week?" masiglang sabi niya.

"Okay, papaalam muna ako. Mga after lunch." sabi ko habang kinukusot kusot ang mata ko.

"Okay, see you later. mwa!" sabi niya sabay end ng call.

Chelseah Xana Fuentabella, ang nag iisang best friend ko in life. Same kami ng course na kinukuha, Psychology. Parehas kase namin goal na maging isang ganap na doctor and maging successful soon to save many people lives.

Mahilig yan siya mag shopping, pinagsasabihan ko nga yan na hinay hinay lang sa pag gasta pero wala epek, ganon pa din, labas pasok lang naman sa magkabilang tenga. Lagi katwiran sakin, mayaman naman daw sila.

She's kind, loving, sweet and caring girl, kaya sa magiging boyfriend nya, ang swerte mo. Hahaha, charoughts! Wala parehas sa vocabulary namin yon.

After ng pag uusap namin ni Xana ay bumangon na ko. Nag hilamos, nag toothbrush and bumaba na for breakfast.  Pagkababa ko nakita ko si kuya, mom and dad na kumakain na sa dining area.

"Good morning sweetie!" sambit ni mom habang si dad e bihis na at busy sa pagbabasa ng newspaper.

"Good morning kuya, mom and dad!" sabi ko habang nabeso sa kanila.

"Sit down and eat." utos na sabi ni mom

"Okay po." agad naman nilagyan ni mom ng food ang plato ko at ibinigay naman sakin ni Manang Ester ang gatas ko.

Malapit lapit na graduation ko sa pre-med ko pero baby na baby pa din nila ko. Sinasabihan ko yan si mom na wag na niya ko i-baby pero ang lagi niyang dahilan sakin wala pa naman daw akong boyfriend kaya baby niya pa din ako. Hays. Kesa magtalo pa kami, hinahayaan ko na lang siya. Happy naman siya e.

"Thank you po!" nakangiti kong sabi kay mom and Manang Ester.

"Alis na kami honey, ky. Love you." sambit ni Dad sabay kiss sa amin ni Mom.

"Bye mom and ky!" kaway ni kuya na nasa sala na palabas.

"Okay, ingat kayo ni Zach. Love you." sabi ni mom kina kuya and dad.

"Take care dad and kuya, love you." sabi ko naman.

Si kuya Zach ang katulong ni dad sa pagpapatakbo ng ospital, kaya patuloy na nagiging successful ito. Thanks to kuya kase hindi nahihirapan si daddy sa trabaho niya. Ewan ko ba kay kuya bat di pa siya nag aasawa, hahaha. Nasa legal age naman na. Siguro parehas kami ni kuya ng isip, na pag successful ka na madali na lang humanap ng loveones.

After namin kumain ni mom ay nagpaalam ako sa kanya na mag sshopping kami ni Xana ng mga school supplies for next week kase pasukan na. Pumayag naman ito at magpahatid daw ako kay Mang Jun para daw di sya mag worry. Banned pa rin ako until now sa pag ddrive ng sasakyan kase baka daw totoong makasagasa na ko. 2 years ago nang muntikan na akong makasagasa ng tao. Aba, di ko naman kasalanan na bigla bigla na lang susulpot yung bata e. Jusme. Kahit anong pagmamakaawa ko kay daddy na payagan na niya ko ulit, ayaw talaga.

Nandito ako ngayon sa Starbucks, inaantay si Xana dumating. Dito lagi ang tagpuan namin kung san man kami pupunta.

"Kyline!" sigaw ni Xana, kaya naman napalingon ako sa gawi niya na papunta na sakin.

"Let's go shopping na, tapos shopping din tayo outfits. Alam mo na. Hahaha" sabi nya, kaya naman dali dali nya kong hinatak para maglakad na.

Una naming pinuntahan is National Book Store para bumili ng mga gagamitin namin sa pasukan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Reach High and Touch the Stars [On-hold] Where stories live. Discover now