KRYZZEL P.O.VKay tagal kong sinusuyod
Ang buong mundo...
Para hanapin
Para hanapin ka.Nilibot ang distrito
Nang iyong lumbay
Pupulutin, pupulutin ka...Sinusundo kita~~~
Sinusundo~~~---
"Booyah!" Biglang sulpot ng isang abnormal na nilalang sa harapan ko.
"Shit!!" Gulat kong sabi habang hawak ko ang dibdib ko.
"Nagulat ba kita?" Natatawang tanong nito.
"Gago lang? Napahawak ako sa dibdib ko kasi akala ko lalabas na sa gulat yung puso ko! Tapos tatanungin mo ko kung nagulat ako?! Gago lang?" Inis na sagot ko.
"Luh? May dibdib ka?" Maang na tanong nito na mas lalong kinainis ko.
"Tang ina mo Ara!" Inis na sigaw ko ngunit tinawanan lamang ako.
"Lutong! Penge suka." Sabi nito at tumawa ng malakas, tinignan ko naman siya ng sobrang sama ngunit mas lalo lamang itong tumawa.
Abnormal
"Lintek na! Porket malaman yan pisti! Puro hangin lang naman laman niyan!" Inis na sigaw ko sakanya.
"Sus eto, hangin ang laman? Ipahawak ko pa sayo eh!" Mayabang na sabi niya na inismiran ko na lang.
Umupo siya sa tabi ko. Andito kami ngayon sa ilalim ng puno na kung saan tahimik at sariwa ang hangin kung saan palagi kaming natambay kapag libreng oras.
"Ano ba ginagawa mo dito at ng bwibwisit ka na naman? Akala ko ba natutulog ka don?" Tanong ko sakanya.
"Wala maingay don sa room, tsaka ba't di mo ko tinawag o ginising? Ikaw ah ayaw mo na ba akong kasama?" Ngusong tanong nito
"Sira tulog na tulog ka kanina mukha kang pagod kaya dina kita ginising, ba't ka andito?" Tanong ko ulit.
"Wala lang, namiss kita eh." Ngiting sabi nito na halos makita na ang pantay at maputi niyang ngipin.
"Sira ulo ka kamo! Ba't ba absent ka kahapon anyare?" Tanong ko sa kanya.
Oo nga ba't absent 'to kahapon?
Kung tutuusin first time niyang umabsent."Sinamahan ko si Tita Nikki mag pacheck up." Sagot niya.
"Ba't anyare sa Mama ni Bebe?" Tanong ko.
"Sa tingin mo, Ba't magpapacheck up ang isang tao Kryzzel?" Taas kilay nitong tanong sakin.
"King ina nag tatanong lang eh!" Inis na sagot ko na bahagya niyang ikinatawa.
"Wag kang mag alala okay naman ang future manugang mo di lang maganda pakiramdam niya" Sabi nito at humiga sa kadungan ko.
"Ahh ganun ba? Asan na si bebe ba't di siya ang sumama?" Takang tanong ko.
"Tss, iyon sasama? mas importante pa ata mga babae non kaysa sa mama niya. Ano ba nagustuhan mo sa pinsan kong si Gio? Eh gago yon." Sambit nito.
"Ewan ko basta na lang tumibok eh." Ngiting sabi ko na siyang ikinasimangot niya.
"Ayokong dumating ang araw na masaktan ka dahil sa gagong yon Kryzzel, kaibigan kita at pinsan ko siya." Seryosong sabi niya
"Alam ko." Sabi ko
"Alam mo naman pala eh bakit sa dinamirami ng lalaki d'yan ba't yung taong manloloko pa at mahilig manakit ng babae? Ba't pinsan ko pa?" Inis na sabi niya.