◇◇◇
WARNING!
PLARGIARISM IS A CRIME!
READ AT YOUR OWN RISK!
GRAMMATICAL ERRORS AND TYPOS AHEAD!""Hoy Klein jowa mo yon diba? May bago ulit?" Turo ni Gwen na bahagya pang binangga ang balikat ko gamit rin ang balikat niya kaya natapon yung fishball na isususbo ko na sana.
'Badtip ang pota!'
"King ina yung fishball!" Mahinang bulong ko habang nakatingin sa Fishball na nahulog sa sahig.
"Tanga! Correction break na ho sila mataggal na, remember nung March 7 dalawang araw bago natapos 7 monthsary nila?" Sabi naman ni Krytal na bahagya pang nginunguya yung pearls sa Milktea niya.
Wala akong pake alam sa mga sinasabi nila dahil nakatuon ang buong atensyon ko sa fishball na nahulog.
"Sayang road to 1st year anniversary pa naman sis---"
"Mas sayang yung fishball na natapon! Kita mo yan!" Sabay turo don sa nahulog na fishball. "Kung di mo sana ako sinagi balikat ko di, Hindi sana natapon!"inis na sabi ko.
Napahawak naman si Gwen sa kanyang dibdib bago na para bang aping api. "Ba't ka galet!" Sabi niya.
"Nahulog yung fish ball ko sayang! Alam mo bang maraming nagugutom na tao sa buong mundo?! Ha? " Sabi ko sa kanya habang salubong ang mga kilay ko.
"Yung jowa mo kase! Ayun oh? May kasamang sisiw." Nguso ni Krystal sakin.
"Asan? Asan jowa ko jan? Nakakain bayan?!" Sabi ko naman.
"Ayun nga oh bulag ka!" Sabi naman ni Gwen na bahagya pang humawak sa ulo ko para makita ko si Kenjie na kasama ang bago niyang girlfriend na si Jamaica.
Bahagya namang kumunot ang noo ko. "Gago ka! asan yung jowa ko jan? Ex boypren ko lang nakikita ko." Sabi ko naman sakanya.
"Ayy sis move on na siya ang bilis mo namang mag move on?" Sabi naman ni Gwen na bahagya pang tinulak ulo ko bago bitawan.
"Ha? Bakit required ba na dapat isang taon bago makamove on?" Takang tanong ko.
"Hindi naman pero, diba mahal mo siya iniyakan mo pa nga non eh. Kitang kita namin ni Krystal yung pagngawa mo HAHAHAHA!" Tawang sabi.
"Paano ulit yung sinabi niya.
'Sis ang sakit wala na kami! Ang sakit sakit!' " pang gagaya naman ni Krystal sa mga sinabi ko noon. Bahagya naman akong napangiwi habang inaalala ko ang nangyari non.FLASHBACK
"Break na tayo." Mahinang sabi ko.
'Shit nasabi ko na. Eto na Klein wala ng bawian para rin sa inyong dalawa 'to.'
"B-bakit?" Takang tanong niya.
"Para rin naman 'to satin at isa pa hindi tayo pwede sa isa't isa. INC ka Born again ako." Pikit sabing paliwanag ko habang nakayuko.