Chapter 2

5 0 0
                                    

Hello guys this is my update. Thank you for reading my story. Don't forget to vote and comment guys.
__________________________________________________________

Huling araw ko na dito sa Azure kaya naisipan kong sa Resto na lang kumain at wag ng magluto. Medyo masakit din ang aking ulo dahil sa uminom ulit ako kagabi. Hindi ko naman nakita ang estranghero na nakilala ko. Hindi pa din mawaglit sa akin ang tamis ng aming nakaw na halik. Napangiti na lang ako sa isiping yun.

"Good morning sir" bati sa akin ng staff and crew.

"Hello" sabay ngiting bati ko sa kanila.

"Your order sir?" Sabi ng waiter.

"Coffee. Ang breakfast meal ninyo. Thank you"

"Ok sir"

May hinahanap akong pamilyar na tao sa loob ng resto nagbabakasakali na andun siya. Hindi ko din alam kung bakit ko siya hinahanap. Basta ang alam ko lang gusto ko siyang makita.

"Here's your order sir" ng bumalik ang waiter dala na ang aking pagkain.

"Thank you. Can i request a glass of water. No ice please"

"Ok sir"

"Thank you"

At nagsimula na akong kumain.

"May i join?" Isang pamilyar na mukha na napangiti naman ako ng makita siya.

"Sure" na parang medyo natuwa ang boses.

"Andito ka pa din pala"

"Yes. Nagtatagalog ka?"

"Syempre naman, pinoy ako eh"

"Ah akala ko naman kano ka" sabay tawa.

"Haha. Madalas naman mapagkamalan. Lalo na ito" sabay turo sa ibang babhagi ng mesa.

Maloko talaga. Hindi ko din naman nakita ang kanyang tinutukoy kasi nakaharap siya sa akin sa kabilang gilid ng mesa siya nakaupo.

"Loko" sabi ko.

"Here's your water sir" ng bumalik ang waiter.

"Thank you" sabi ko ng nakangiti.

"How about you sir, can i have your order" sabi ng waiter kay Jaime.

"Just a cup of coffee please"

"Ok sir"

At muli kaming naiwan. Nagusap kami ni Jaime na para bang matagal na kaming magkakilala.

"So, what time ang check out mo?" Panimula ni Jaime ng kami na lang dalawa.

"2pm pa naman. I still have 4 hours bago ako magcheck out"

"Nice" sabi nito.

"Ikaw ba?"

"Nah. I live here. May unit ako sa Hawaii"

Pinagtagpo Pero Hindi TinadhanaWhere stories live. Discover now