Simula

46 12 3
                                    

April, 01

Dear diary,
           Madaling araw na ngunit dilat na dilat pa ang aking mga mata. Paniguradong tila humithit ako ng druga kinabukasan. Sana ay tama ang aking desisyon at hindi na ulit pumalpak. Gusto ko nang lisanin ang lugar na ito kung saan tila bangungot ang mga nangyari. Nais ko na sa panahon na makabalik ako sa lugar na ito, mabibigyan ko ng hustisya ang lahat. Pakiramdam ko ay may masamang mangyayari sa araw na ito kaya siguro walang humpay ang pagtaas ng aking mga balahibo sa tuwing umuungol ang aso sa hindi kalayuan.

Buong buhay ko ay 'di ko naranasang sumaya magmula ng mawala si Mama. Napakasakit ng pangyayaring iyon. Sariwa pa ang lahat at patuloy na bumabalik sa aking isipan. Alam kong sa mga sandaling ito ay mahimbing pa ang tulog ni Aunt Phanie. Nakapagsulat na rin ako ng liham at ilalagay ko nalang iyon sa itaas ng aking tokador.

Pinag iisipan ko rin kung makikipagkita pa ba ako kina Finn at Israel. Natatakot ako na kapag makita ko sila ay hindi ko na matutuloy ang aking mga plano. Bahala na.

Itinigil ko ang pagsusulat at itiniklop ang kuwadernong aking sinusulatan. Agad kong kinuha ang aking jacket sa upuan at isinuot iyon. Malapit nang lumabas ang araw kaya minadali ko ang aking kilos. Marahan akong lumabas sa kuwarto at sa huling pagkakataon inilibot ko ang aking paningin sa kabuoan ng bahay. I will not say goodbye for now. Balang araw babalik ako dito at pinapangako ko maayos na ang lahat.

Marahan kong minulat ang aking mga mata nang maalimpungatan kong bumosena ang bus na sinasakyan ko.
Napasulyap ako sa kulay rosas na relo para tingnan kung ilang oras akong natulog at kung gaano kahaba ang biyahe ko. I let a heavy sigh. Dalawang minuto na lang bago mag-alas kwatro ng hapon.

Napakahaba ng aking tulog. Anim na oras talaga ang ginugol ko sa biyahe.
Ilang sandali lang ay tumigil na ang bus na sinasakyan ko. Ako nalang pala ang  pasahero na nandito sa loob. Hinablot ko ang maliit na maleta at bumaba na. Sinalubong ako ng malamig at preskang hangin pagkababa ko palang ng bus.

Hindi ako pamilyar sa lugar na ito at wala akong alam kung may natitira pa ba akong pamilya at naiisip ko rin kung may nakakaalala pa ba sa akin. Kailangan kong patatagin ang aking sarili. Saan ako matutulog ngayon? Naglakad-lakad ako at sinuri ang lugar. Napakatahimik ng lugar na ito. May nakikita akong tao pero mga magsasaka sa palayan at ang iba ay nakasakay sa kalabaw patungo kung saan.

Ilang saglit lang ay may narinig akong sumisipol sa 'di kalayuan. Hinintay ko iyon na dumaan sa aking harapan para makapagtanong.
"Manong, malayo pa ba ang Baryo Natividad?"

"Nandito kana Ma'am. May hinahanap po ba ka'yo? Parang bago ka palang dito ah." Nakatingin lamang ito sa akin at nakatuon ang mga mata na pilit inaalala kung nakita niya na ba ako.

"Maraming salamat, Manong. Pasensya na po sa abala." Tumango lamang ito at ngumiti. Nang umalis siya ay kaagad din akong pumunta sa bangko sa ilalim ng puno. Mukhang dito ako magpapalipas ng gabi.

"Balita ko'y buhay pa ang anak ni Prixellah, Gov. Magiging balakid pa siya sa mga plano mo. At 'di natin alam kung saan siya nakatago."
Nagulat ako nang marinig ang pangalan ni Mama. Nagtago ako sa likod ng puno at sinilip kung sino ang mga taong iyon. My eyes widened when I saw Damon. Ang demonyong gobernador sa aming probinsya. Ang kampon ni Satanas na pumaslang sa aking ina. Bakit siya nandito?
Ngumisi si Damon na tila natawa sa sinabi ng kaniyang kasama.
"Huwag kang mag-alala. Mahahanap din ang dagang iyon. Malakas ang mga pusa natin at kahit saan man siya magtago, mahahanap din siya. Kung gusto niya, gagawin ko rin sa kaniya ang ginawa ko sa kaniyang ina." Humalakhak ito.

Hayop siya! Magbabayad siya sa ginawa niya sa pamilya ko. Lalong lalo na kay Mama. "Nakakaawa naman ang Prixellah na iyon. Ni hindi man lang minahal ng kapatid ko. Ginamit lang at pinagsawaan. Ayan ang napapala ng sobrang pagmamahal. Ibibigay ang lahat kahit magmukhang tanga na sa huli."

Sinungaling! Hindi ganiyan si Papa. Minahal niya si Mama at kitang kita ko iyon. Uminit ang gilid ng mga mata ko. Hindi ako puweding umiyak, pinangako ko iyon sa kaniya bago siya nawala.
"Alam kong masaya na ngayon si Dominic kung nasaan man siya ngayon. Masunurin talaga ang kapatid kong iyon."
Walang kapatid si Papa na katulad mong halang ang bituka. Gahaman at demonyo!

Nang umatras ako ay lumikha ng ingay ang mga tuyong dahon at kahoy sa aking paanan. Lagot! Mahuhuli ako ng lalaking 'yon.
"Gov, mukhang may nakarinig sa atin!" Wika ng isa niya pang body guard. Dahan-dahan akong gumapang patungo sa mayabong na mga damo doon. Malakas ang dagundong ng dibdib ko. Tila hinahanap nila kung saan nanggaling ang tunog na iyon.

Nang makalayo ako ay kumaripas ako ng takbo ngunit nakita ako ng kaniyang kasamahan.
"Ang anak ni Prixellah!"
Sh*t! Hinahabol na nila ako. Maraming bagay ang tumatakbo sa aking isipan kasabay ng aking pagtakbo. Ang nakaraan na gusto kong kalimutan ngunit gusto kong gumanti. Natatakot ako na hindi ko mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Mama. Ang pagkawala ni Papa. Walang hiya ang kapatid niyang iyon!
Ang tanging naririnig ko lang ngayon ay ang boses ni Mama habang humahagulgol.

"A-anak! Takbo!"

Habang tumatagal ay nakakaramdam ako ng panghihina at gusto kong tumigil sa pagtakbo ngunit hindi puwede dahil kahit saan man ako magpunta patuloy akong

...hinahabol ng nakaraan.

#

Chased by MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon