Part 1

7 0 0
                                    

"Good Morning Mama at Papa!!" Bati ko sa aking mga magulang pagkababa ko.

Nakapwesto na sila sa hapag kainan kasama yung bunso kong kapatid. First day of semester nga pala nila ngayon.

"Good Morning din Anak! Kain kana para hindi ka malipasan ng gutom. Mas magandang may laman ang sikmura ng pagkain kesa sa kape lang baka magka-acid reflux ka." Si mama parati akong pinapa-alalahanan.

Nasanay kasi ako na bago pumasok kape lang ang iniinom ko. Kapag umaga kasi alam mo yon hindi pa kaya ng sikmura kong kumain. Ewan ko ba bakit ganito ako.

"Opo naman mama kakain ako sarap kaya ng ulam hehe! favorite." Pritong tapa tsaka bacon yung niluto ni mama. Sino ba namang hindi gaganahan niyan? magbabaon pa ako neto haha.

Lunes na naman pala ngayon parang tatlong segundo lang talaga yung sabado tsaka linggo ayun lang kasi yung day-off ko.

Pagkatapos kong kumain at as usual makapag-ayos ng mga gamit. Nagpaalam na ako kay mama at papa para pumasok, nauna ng umalis yung kapatid ko excited lang ah! bago ba naman lahat ng gamit.

Nakalimutan ko pala magpakilala ako nga pala si Suzy rhane Vasco 22 years old. Tatlo lang kaming magkakapatid ako tsaka yung makulit na bunso namin na si Alex, 16 years old na siya. Yung isa kong kapatid bale kuya ko may sarili ng pamilya may dalawa na rin anak. Kaya ako ngayon ang tumatayong bread winner. Wala pa sa isip ko yung boyfriend tsaka na kapag financialy stable na family muna sa ngayon tsaka mapagtapos ko ng pag-aaral si Alex.

Mabalik tayo makikidigma na naman pala ako sa maraming tao neto. Sa araw-araw hindi na bago lalo na at nasa manila tayo no! una na jan yung maraming sasakyan kaya nagdudulot ng traffic na kinai-inisan ng karamihang commuter, yung mga usok na napupunta na lahat sa muka kaya kapag pasok mo sa office parang pauwi ka na din.

-

Nakasakay na ako ngayon sa jeep yung kaharap 'ko na dalawang babaeng estudyante kilig na kilig sa pinapanood nila sa cellphone na hawak nung isang babae na parang nasa edad trese lang. Hindi lang kilig mga naghahampasan pa.

"Ang pogi talaga niya no! Sana all nasasayaw ni Chi." Maingay din pala itong mga bagets na 'to. Hindi makapag- pigil sa nararamdaman. Yung ibang pasahero napapatingin na din sa kanila

"Hindi lang pogi hot pa." Nako! Aral muna mga ineng tsaka na kilig kilig na yan. Noong ganyang edad ko nagpo-pogs pa ako tsaka goma sa kalsada.

Nandito na pala ako sa tapat ng building ng pinapasukan 'ko, nag-para na ako at pagkababa ko sa baitang ng jeep.

"ahh sakit!!" Nauntog ako doon sa bakal my gosh parati na lang! suki na ata ako. Hirap din maging matangkad by the way 5'6 nga pala height ko kaya nasabi ko na mahirap maging matangkad misan kung hindi nauuntog, nakayuko ka na lang sa jeep lalo na kapag mababa yung pagkaka-gawa. Sakit sa batok tsaka likod pati na din sa tricycle ganoon din.

Pagkababa ko nagpatay malisya na lang ako dahil napansin ko nakatingin sakin si kuyang pasahero. Hindi ko alam sa expression ng muka niya kung naaawa o natutuwa na nauntog ako.

Nasa pintuan na ako ngayon ng opisina namin pagkabukas ko napansin ko na nagkukumpulan yung mga ka-trabaho ko sa isang table habang may pinapanood sa cellphone. Mga kilig na kilig na may kasamang hampas sa balikat.

Wala na palang bago ganyan sila kiligin kaya kawawa yung makakatabi, magkakapasa na sa kakahampas.

Hindi pa naman din oras para sa trabaho may natitira pang five minutes kaya may time pa sila sa panonood.

"Uy Claudette ano yang pinapanood niyo? Kulang na lang maihi kayo sa sobrang kilig niyo." Tanong ko pagkalagay ko ng gamit ko sa pwesto ko. Napalingon naman siya agad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Comments ReactionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon