CHAPTER 31 - Moments

3 1 0
                                    

A/N: Another chapter everyone. ENJOY.

Don't forget to vote and comment. ❤️

============================

(RIAN'S POV)

Ang ganda ng panahon ngayon. Napakaaliwalas.. Napakasarap sa pakiramdam.

*deep breath*

Masaya na ang lahat ngayon. Naging successful ang pag-cecelebrate ng 1st monthsary nina Kyu at Eli. Nagkausap na sina Arvin at Kate. Ewan ko lang kung anong nangyari sa dalawang yun basta ang sigurado e nagkaintindihan na sila at masaya ako dahil dun.

"O bakit ngingiti-ngiti ka diyan? Dahil kasama mo ko n0h.."

Sinimangutan ko naman ang isang yun. Nakakapagpawala ng good vibes e. Kita ng ang ganda ganda ng gising ko, babanat agad?.Tsk.

"Hay naku Dan. Huwag mo nga akong simulan."

"Ito naman. Galit agad ang Rin ko?." Yan ang tawag niya sa akin Rin. Bakit?. Kasi mas madali daw bigkasin kasi one syllable lang. Tsk.

"Dun ka na nga sa table niyo. Darating din naman sina Eli eh. Kaya alis. shu..Shu..shu.." sabi ko habang pinapaalis siya. Yung parang nagpapaalis ng aso?. Hehehe.

Nalungkot naman bigla ang mukha niya. Cute. "Wala kang kasama dito Rin kapag umalis na ako. At baka sa pag-alis ko e biglang may lumapit sayo at purmahan ka pa." Seryoso niyang sabi. Natuwa naman ako dahil dun. :)) Actually ilang linggo na din na nanliligaw 'tong si Dan sa akin and aaminin ko na masaya ako kapag kasama at kausap ko siya. Yung feeling na safe ako kapag nasa tabi ko siya?.

"Ok lang ako n0h..Ako pa. Tska.."

"Tsaka?." Tsaka sino bang maglalakas ng loob na kalabanin ang isa sa mga miyembro ng KDJAK Prince?. At tsaka papayag ba ko na may iba pang manligaw sa akin maliban sa'yo?.

Siyempre hindi ko sinabi yun. Hahaha. Sa akin na lang yun.

"Tsaka hindi nila ko kaya n0h." dugtong ko na lang. Pero sa halip na dugtungan pa niya ung sinabi niya, e bigla na lang niyang hinawakan yung pisngi ko at kinurot ito. "Ang ganda talaga ng soon-to-be-girlfriend ko." nakangiti niyang sabi which makes me blush. >//////<


"Ahem... Ahem..."

"Oi kayong dalawa. Tama na muna ang ligawan at kailangan na muna nating kumain."

Nabitawan naman kaagad ni Dan yung pisngi ko. "Ah.. sige Rin punta na ko dun sa table namin ah. See you later." Nginitian ko naman siya bilang tugon.

"Sis may tanong ako.. Kelan mo sasagutin si Dan?."

Napatingin naman ako bigla kay Kate pagkaupo niya.

"Oo nga Sis.. Halata naman kasing gusto mo din siya." sabi ni Sam. T-teka.. Halata ba yun?. Sa tingin ko hindi naman ah. Hmmm...

"Halata ba?." Tiningnan ko naman sila isa-isa. Nandito pala kami ngayon sa canteen. As usual magkakasabay kaming mag-lunch. Group rule 'di ba nga. Tapos na din yung midterm exams kaya free na kami ngayon. Hoooraaayyy!!!!!

"Halatang-halata." sabay na sabi nilang tatlo.

Nawalan naman ako ng lakas nun. Hehe. Hindi pala ako marunong magtago ng emosyon.

So ayun kumain na kami ng lunch. Ang dami ngang binili nitong mga kapatid ko. Gutom daw sila eh. Hehe. Hinayaan ko na lang. Habang nagkukwentuhan kami about dun sa mga midterm exams, may pinakita naman sa amin si Sam.

SARANGHAETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon