CHAPTER 39 - Happy or Not

6 3 0
                                    

(KATE'S POV)

"Ok. class dismissed."

Sa wakas tapos na rin ang huling subject ngayong araw. Nakakapagod sobra. Tiningnan ko naman ang katabi ko na mukhang may iniisip na naman.

"Hey sis!"

"Ha? A-ano?" Ayun bumalik na siya sa katinuan niya.

"Ano na naman kasing iniisip mo?" Niligpit ko naman yung mga gamit ko. Siya din nagliligpit na.

"Wala." Aba't hindi magsasabi ng problema ang isang 'to?

"So hindi mo talaga sasabihin?" Umiling lang siya. Haixt. Sige na nga. Hahayaan ko na lang na siya ang mag-kwento. Mukhang mahirap ang pinagdadaanan niya ngayon ah. Hmm..

"Tsaka sisiw lang 'to kesa sa problema natin ngayon." That hits me. Totoo. And that makes me sad. Nakakalungkot kasi na may nalaman kaming hindi maganda tungkol sa mga kaibigan namin. At ang masaklap pa eh ang mga family nila ang business competitor ng mga pamilya namin ni Sam. Ang sakit lang sa ulo. Naku kapag nalaman 'to ni dad baka palipatin niya ako agad ng school at ayaw ko namang mangyari yun. Dito na ako nagsimula kaya gusto ko dito rin ako magtatapos. End of the story.

"Naalala mo ba sis yung kinuwento ko sa'yo dati? About dun sa bumagsak na negosyo ni daddy?" Lumabas na din pala kami ng room at naglalakad papuntang canteen. Nagugutom kasi ako. hehe. Hmmm.. Yes I remember. Grabe nga ang iyak nitong si Sam dati eh. T-teka....

"Ang pamilya ni Eli ang gumawa nun." MyGhad. Sabi na nga ba eh. Naku malaking gulo 'to pag nagkataon na nagkaharap na kaming apat ulit. Ngayon pa na masama ang loob namin sa kanila. Ikaw ba naman kasi ang lokohin ng dalawa mong close friends. Anong mararamdaman mo?

"But we'll listen to their explanations right?" Nag-aalala kasi ako na baka maging sarado ang utak nitong si Sam. "But not now. Siguro pag naging ok na tayo." Tumango naman siya nun. Thank God. Alam kong nahihirapan siya. Ako din naman.


Nakarating kami sa canteen na pinagtitinginan ng mga tao. Ano pa ba ang bago? Dati ganyan na sila, ngayon pa ba?

"Bumili muna tayo ng makakain." sabi niya

"Sige." Siguro ito na lang ang nagpapalakas sa amin ngayon. Ang pagkain. Stress kasi kami hindi lang sa pag-aaral kundi sa mga nalaman namin. Hindi ko lang kasi mahanap ang dahilan kung bakit nagawa nila kaming lokohin. Ang tanga tanga talaga siguro namin kasi hindi lang namin napansin na hindi pala totoo ang mga nakikita namin sa kanila. Tsk.

Nung makabili kami ng pagkain, agad naman kaming naupo sa usual spot namin. Pero ilang sandali lang may tumabi sa amin. Nung tiningnan ko kung sino, agad ko namang binalik ang atensyon ko sa pagkain. Nagkatinginan din kami ni Sam at alam kong parehas ang iniisip namin ngayon. Ang huwag silang pansinin at kausapin. Ayaw ko din kasing mas lumala pa ang sitwasyon kasi masakit pa rin.

"Mukhang masarap ang binili niyo ah." masiglang bati sa amin ni Eli. Hindi naman kami sumagot ni Sam at nagpatuloy lang sa pagkain. Hindi na rin sila nagsalita hanggang sa naubos ang pagkain namin.

"Hmm... Saan na kayo pagkatapos dito?" tanong naman ni Rian pagkatapos ng nakakabinging katahimikan.

"Sis may gagawin pa tayo di ba?" sabi ni Sam

"Oo nga pala." Alam kong nakatingin lang sa amin yung dalawa pero wala pa talaga kaming balak na kausapin at pakinggan kung ano man ang sasabihin nila.

SARANGHAETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon