~San Rafael~
》》》
"DOC Mica, nandito na po si Nanay Ising" paalam sa akin ni Diane mula sa labas ng kwartong pinaglalagian ko.
Isa si Diane sa matagal ng mga attending Nurse na nagtatrabaho dito sa Arc Medical Hospital dito sa San Rafael. Isang ospital na ipinatayo para matugunan ang mga pangangailangan ng mga naninirahan dito sa San Rafael. Masasabing private hospital ang ArcMed, ngunit may department ito na tumutulong sa mga walang kakayahang magbayad para sa pagpapagamot.
"Sige Diane, Maraming Salamat" sabi ko ng makitang pumasok siya kasama si Nanay Ising.
Si Nanay Ising ay isa sa mga regular na pasyente na dumadalaw dito para sa lingguhang check-up dahil na rin sa katandaan ay marami nang nararamdaman na kailangan magamot o tugunan kung kinakailangan.
"Kamusta na po kayo Nay Ising?" Tanong ko sa matanda ng maupo sa harapan ng aking mesa.
"Maayos na rin naman ang pakiramdam ko Doc. kaya nga sabi ko kay Nurse Diane ay magpaliban muna ako ngayong linggo. Tutal ay wala namang problema" nakangiti nitong baling sa akin.
"Pero alam niyo naman po na hindi pwede, dahil schedule niyo po ito sa isang linggo." Napapa buntong hininga kong sagot sa kanya.
"At saka po, ngayon lang po naman ito napadalas ng dahil sa biglaang nangyari sa inyo nakaraang buwan. Huwag po kayo mag alala Nay Ising, pag nakita ko pong wala na talagang problema ay babalik na po tayo sa buwanang check up niyo. Okay po ba yon?" Paliwanag ko pa dito na ikina ngiti nito
"Abay maraming salamat naman kung ganon, ikaw talagang bata ka. Maalala ko nga ang sabi naman sa akin ni Nurse Diane ay lagi ka nalang pagod, sinasabi ko sayo 'wag mong pabayaan ang sarili mong bata ka. Puro ka alaga sa amin, pero sarili mo naman ang pinapabayaan mo." Litanya pa nito na ikinangiwi ko.
Siguradong may mga kakampi na ito na mga kaibigan nya.
Napailing nalang ako sa aking naisip.
---
"O, Nay alalahanin ang bilin sa inyo ha. Wag niyo pong kakalimutan ang gamot na kailangan niyong inumin matapos kumain. At iwasan mapasobra sa mga kinakain natin. Kung ayaw niyo pa akong makita agad okay po ba?" Paalala ko pa na may may kasamang biro na ikinatawa naman ng matanda maging ang iba pang naka rinig.
Tapos na ang check up nila at mga paalala na lang ang ginagawa na hinaluhan ng kwentuhan. Sa ganitong paraan ko kasi sila pinapaalalahanan para mas madalas nilang maalala ang mga bagay bagay lalo na kung tungkol sa kalusugan nila.
"Ikaw talaga, Doc Mica may taglay ka talagang kapilyahan."
"Hay naku po, Mang Isko may bilin din po ako sayo. Bawal ka din po sa sobra ha? Sige ka makita mo rin ako agad" biro ko pa sa isang matanda. Na tinawanan na ng lahat.
"O sya at kami ay mauna at ako ay dadaan pa sa palengke nang maka pamili ng lulutuin para sa hapunan." Paalam ni Manang Ising
"Sige ho Nay, mag iingat po kayo" sagot naman ni Diane matapos alalayan ito sa pag tayo.
Tinanguan ko naman ito ng may ngiti maging ang iba pang mga pasyente ng araw na iyon.
"Ikaw Doc hindi ka pa po ba uuwi?" Bing sakin ni Diane
Napatingin naman ako sa orasan, 5:30 na rin pala ng hapon. Nginitian ko nalang si Diane.
"Mayang 6:00 nalang siguro may aayusin pa rin kasi ako bago umuwi." Sagot ko dito at sumenyas na babalik na sa opisina.
Napatingin ako sa pinto ng may biglang kumatok habang nag che-check ng mga chart ng mga hawak kong pasyente.
"Doc una na po ako kung okay lang po sana. Tumawag kasi yung kaibigan ko na darating sya galing Maynila. Ang hilig sa biglaan." Paalam ni Diane na nakasimangot man ay makikitaan ng excitement sa mukha.
BINABASA MO ANG
Mask of Reality
RandomMichaela "Mica" Fontello who chose to work as a volunteer doctor in San Rafael, a small city in the province of Milagros kung saan matatagpuan ang mga Gonzaga isa sa mga influential na tao hindi lang sa buong Probinsya ng Milagros maging sa Buong Ba...