Gabi na naman Simula na naman ng puyatan, Pangungulit kay crush ay di maiwasan salitang matatamis ay hindi na makapaghintay na mabitawan, Mga labi ko ay unti unting nabuhayan nung makitang nag seen ka, Pintig ng puso ay di maiwasan sa tuwing litrarato mo ang sumasagi saaking isipan na sa tuwing aking titigan ako ay pasimpleng nabubuhayan, Ngunit kahit minsan hindi ba ito sumagi saking isipan kung bakit ko to ginagawa?, Oo mukha akong tanga pilit na pinapahaba ang usapan na hindi naman na dapat dugtungan, Usapan na kahit gusto ko man pahabain mga letra at salita na nais ko mang sambitin ay wala rin namang patutunguhan, Paganahin ko man ang aking imahinasyon isipin na tayong dalawa ay magkasama sa isang magandang atraksyon, Kahit sa totoo ay mag kaiba ang ating destinasyon, Pilit ko mang isulat sa mga pahina ang pangalan nating dalawa ubusin ko man ang tinta ng mamahalin kong ballpen hindi ko parin mababago ang kasalukuyan
kasalukuyan na pilit ko mang iwasan ay hindi mababago taga hanga mo lang ako at wala ng hihigit pa don pilit ko mang pilitin, asarin man nila ako sayo ay hindi yon magbabago taga hanga lamang ako, Na nag hahangad na minsan ay mapansin mo pilit ko mang diktahan isulat saking mga listahan na ako ang gusto mo aanhin ko pa yon kung sa pagmulat ng aking mata ay nasa iba ang atensyon mo?, Salamat kape dahil ipinaintindi mo sakin na di lahat ng aking gusto ay aking makukuha pangarapin ko man ito ngunit imposible talaga, Wala mang taling namamagitan sating dalawa basta chat mo lang ako kung may problema ka😆🖤Rupokkk bes no parang ikaw, FEEL FREE TO REQUESTTT THANKS FOR READING MY SHORT PIECE ^_^ Vote ka na rin beh para daw dag inspiration Chourrr🖤
BINABASA MO ANG
KAPE A SHORT POETRY
PoetryDISCLAIMER DONT COPY OR PLAGIARIZED MY WORK, COZ I REALLY PUT MY EFFORT TO CREATE THIS PEACE HAPPY READING ^_^