KABANATA 01

191 1 0
                                    

"O, MAUNA ka nang umakyat, ha??

" bakit ho? Maang na tanong ni JR.

"Dadaan pa kasi ako kay Aling Viring mo, ibibigay ko itong pinatira niyang kalamay at suman"

"Ako na lang ho, umakyat na kayo at nang makapagpahinga na kayo"

"Ah. Hindi anak mauna ka na at isalin mo na iyang binili nating pagkain para makakain ka na...

" Hindi bat may pasok ka pa ng alas-dos? Baka mahuli ka."

"Ha? Naku, oo nga pala Sige ho, mauuna na ako. Akina na iyang bilao at basket"

"Sige. Kumain ka nang mag-isa at huwag mo akong hintayin."

"Ay, hindi ho, hihintayin ko kayo para may kasalo ako"

"Naku, alam mo naman ang Aling Viring mo, masyadong matsika. Siguradong magtatanong pa iyon kung anong magandang balita sa palengke, o kung anong tsismis dito sa tenement"

"Naku naman, hindi na nga makalabas ng unit niya kung walang wheelchair, tsismosa pa rin siya"

"Ganoon talaga, doon lang sumasaya iyong tao.

"Ikaw na nga nagsabi na hindi na siya nakakalakad dahil putol na ang kanyang isang paa kaya hayaan na natin siyang maging masaya"

"Sabagay sige na nga, hatiran na ninyo ng sariwang tsismis si Aling Viring"

Natatawa na lang na humiwalay na siya sa ina at nauna nang umakyat at ikasampung palapag ng tenement kung saan naroroon ang maliit nilang unit na may sukat lang na 5by4 meter lang ang laki kung saan naroon na ang sala, ang kusina, ang banyo, at siyempre pa, ang kwarto.

"Oy, JR tanghali ka na yata ahh" bati sa kanya ng isang babaeng kaumpok ng iba pang babaeng nagkakatuwaang maghingutuhan sa naraanang pasilyo habang ang kalong na mga anak ay nag-iiyakan..

"Ah, oho! Matumal ho, eh, hindi agad kami nakaubos ng tinda namin."

"Abay baka mahuli ka na!" Wika ng isa pang may edad na.

"Oho nga! Pero bibilisan ko na lang! Sige ho! Malalaki na lang ang hakbang na iniwanan na niya ang mga ito at dumaretso na siya sa unit nilang mag-ina.

Nang mabuksan na ang pinto ng unit ay tumambad sa kanya ang isang papag na higaan nilang mag ina, dalawang bangko at isang mesa, sa gawing kanang dingding ay isang aparador at maliit na salaming nakasabit.

May maliit na lababo, kalan-de-gaas, at lalagyan ng pinggan na ilang pirasong baso at pinggan lang ang laman.

Maliban doon, wala na silang mahalagang gamit na mag-ina maliban sa lumang tv at gigiray-giray ng bentilador.

Naiiling na iniiwas na lang ni Ibyang ang paningin sa napakapayak na tanawing bumubungad sa kanya, sanay na siyang makita ang kasimplihan ng buhay nila at hindi siya nagrereklamo kailanman...

Dahil kahit ang mga payak na gamit ns iyon ay hindi pa rin maituturing na kanila, kundi pahiram sa kanila ng talagang may-ari ng maliit na unit na inuupahan lang nila.

Dahil silang mag-ina ay walang sariling tahanan at walang sariling gamit

Napadpad lang sila sa tenement ba iyon may tatlong taon pa lang ang nakakaraan at hindi nila alam kung hanggang kailan sila magtatagal doon, o tatagal pa nga ba sila.

Napapabuntong hininga na lang na nagmamadali nang inayos ni ibyang sa pinggan ang lutong kanin at ulam sa mangkok para pagdating ng ina ay sabay na silang kakain.

Hindi na dapat paapekto sa mga alalahaning pumapaloob sa kanyang dibdib sa tuwing maaalala ang kalagayan nila sa buhay

Sanay na talaga siya, dahil kailangan niyang masanay, or else, hindi sila makaka survive sa mundong kanyang kinagisnan...

At habang hinihintay ang kanyang ina ay pumasok muna siya sa banyo para maglinis ng katawan at makapagbihis na ng school uniform...

"O, bakit hindi ka pa nauna kumain?" Tanong ni Aling Mely na dumating na ito at makitang nagbibihis ng uniform, ang anak.

"Hinihintay ko kayo. Tara na hong kumain"

"Ikaw talaga, sige na nga, dumulog ka na at magguhugas lang ako ng kamay."

''Oho."

Ilang sandi pa ay paalis na siya.

"Ingat ka, ha? Lagi kang alisto."

Bahagyang natigilan si JR, alam niya na malalim ang pakahulugan ng pabaong bilin ng ina.

"Oho, huwag kayong mag-alala. Sige ho," masuyo siyang humalik sa pisngi ni Aling Mely at humakbang na palabas. "Magpahinga na muna kayo, matulog, ako na lang maghahanda ng paninda nating kakanin mamaya pagdating ko.'

"Kuh, ikaw naman, kaya ko na iyon."

"Inay, binawalan na kayo ng doctor na huwag masyadong magpapagod, hindi ba?"

"Pero-----"

"Inay...."

"Oo na, sige na, lumakad ka na..."

"Oho."

Tuluyan na siyang lumabas ng unit nila.

"O, papasok ka na?" Muli ay usisa kay JR ng mga kababaihang nag-uumpukan sa pasilyo na tila mas dumami pa ngayon, habang may dalawang lalaking naglatag ng dalawang mahabang mesa kung saan mayamaya lang ay magsisimula na ang pabingo.

Bandang alas-dos na ng hapin, hanggang alas-singko ay karaniwan ng tanawin sa bawat pasilyo at palapag ng tenement na iyon ang pabingo.

Minsan pa nga ay may nagto-tong-its o nagpu-pusoy na nagsisilbing libangan ng mahihirap na pamilyang nakatira sa tenement na iyon.

Kumbaga, halos wala na ngang makain ang karamihan ng naroroon na galing sa iba't ibang squater's area na ipina-demolish ng pamahalaan at doon ipinapatapon, naiiraos pa ang bisyo sa katawan.

"Oho."

"Kailan ka ba ga-graduate sa kolehiyo?''

"Sa isang taon pa ho."

"Ah, buti naman. Kuh, magkakaroon na rin ng college graduate dito sa lugar natin, ano?

"Ano ka ba? Siyempre, kapag nakatapos na si JR, hindi na iyan dito titira. Lilipat na silang mag-ina sa condo unit."

"Kuh! Ipaparis mo naman sa iyo! Palibhasa ikaw iyong tipo ng tao na kapag nagkapera, sobrang yabang. Akala yata ay hindi nauubos ang pera kaya makaasta palagi ay one-day millionaire."

Naiiling na lang humakbang na siya palayo sa mga nagtatalong kapit-unit.

Kahit na makatapos ako, baka hindi pa rin ako aalis sa tenement na ito. Kahit paano ay ligtas ang pakiramdam ko sa lugar na ito. Dito lang kami nagtagal ng tatlong taon. Sa ibang lugar na tinitirhan namin ni Inay ay isang taon o mahigit lang ang inilalagi namin dahil kailangan tumakas... sa mga taong naghahangad na mapatay ako.

Lumambong ang lungkot sa mukha ni JR habang pababa ng hagdan mula sa ikasampung palapag ng tenement.

Pero hindi ako papayag na mapatay nila kapag nakita pa nila kami rito. Lalaban ako, lalabanan ko sila! Dalawampu't tatlong taon na kaming tumatakas ni Inay, dalawamg taon na lang ang ipaghihintay ko at matatapos na ang lahat ng ito. Hindi kami nagtago at tumakas ng ganoong katagal para lang mauwi sa wala ang lahat! Hindi!

Nakuyom ni JR ang kamao sa mga isiping iyon, pero mayamaya lang ay pilit niyang hinamig ang sarili.

Hindi siya dapat padala sa galit o takot, ang kailangan lang niya ay maging matatag...

I T U T U L O Y . . . .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

INCOMPARABLE LOVERBy: HazuellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon