2 : FRIENDS OR LOVERS? ♡

4 0 0
                                    


FRANCINE'S POV

HINDI talaga ako pinatulog ng L viuo e na yan! Ang lalim tuloy ng eyebags ko!

Bumaba na ako at nadatnan ko naman na kumakain na si Maycee ng breakfast.

"Morning Ate."

"Morning."

"Wala ka bang beauty rest Ate? Tingnan mo ang mukha mo! Mas lalo na ang mata mo! Eww."

"I know right."

Umupo na ako kung saan ako palaging umuupo.

"Where's Mom and Dad?"

"As usual? Hindi sila makakauwi dahil may kailangan daw silang asikasuhin na papeles sa Canada."

Ganito kami palagi. Iiwan ng magulang sa mga maid at wala na.

"Kamusta'ng grades mo?" Pagiiba ko ng usapan

"Good. Sumali din ako sa extra curricular kaya medyo maganda ang grades ko. Why did you ask?"

"Wala lang."

Hindi sabay ang oras ng pagaaral namin sa pagpasok nila. Nagumpisa na ang 1st Grading nila noong April, habang kami? Eto naguumpisa pa lamang, at alam mo ba kung anong month na? June! Mag-se-second quarter na sila habang kami naman ay magsisimula pa lang! Yep, Unfair.

"Btw, magkakaroon ng family day sa school, makakapunta ka ba?"

"I'll try."

Pagkatapos kong kumain ay nagpahatid na agad ako sa driver upang pumunta sa mall. May bibilhin lang ako.

"Manong Greg, hintayin nyo na lang ako."

Umalis na ako sa kotse at agad na akong dumiretso sa bilihan ng Relo.

"Ma'am anong style ang gusto nyo?" Inilibot ko ang paningin ko sa estante na puno ng magagarang Relo's.

"I need some watch na color black, yung may diamond sa gitna. Yung parang binili ko lately?"

Agad na tumango ang saleslady at kinuha nito ang isang kahon.

"Ito na po Ma'am. Last stock na po namin to kaya talagang ine-reserved namin ito para sa inyo."

Inabot nito sa akin ang relo, nang mabuksan ko na iyon ay tumambad sa akin ang in-order kong relo. Color black na may diamond sa gitna. Arabic rin ang numero nito pero maganda.

"I'll buy it."

Inabot ko sa counter ang bayad at umalis na. Dumiretso naman ako sa school. Kahit na maaga pa ay kailangan ko ng pumasok dahil may taong gustong gusto kong makita.

That should be you.

"Manong, uwi muna kayo. Itetext ko na lang po kayo kapag uwian na namin."

Iniwan ko ang driver ko na inaayos ang kotse.

Pagpasok ko pa lang ay bati na agad ng mga kalalakihan ang bumungad sa akin.

"Hi Ms. Rivera! Good Morning"

"Good Morning Francine, mas maganda ka pa sa umaga."

"Hi Francine, notice me! Senpai!"

Iilan lamang yan sa mga sinasabi nila sa akin tuwing umaga. At tuwing hapon naman? Naabutan ko lang na marami ng love letters ang locker ko! Chocolates,Love Letters, Flowers, at marami pang iba.

"Hoy Fanzey!"

"Morning Fanzey!"

"Fanzey, still cute huh!"

MADE IN LOVE (Rivera Series 1 Complete) PUBLISHEDWhere stories live. Discover now