Naglalakad ako sa may hallway ng school nakapamulsa pa ako at papasok ako sa classroom ko ng biglang may sumalubong sakin na isang babae na may mahabang buhok na itim hindi s'ya si sadako may singkit s'yang mata at mapupulang labi.
"Hi Cloud!" sabi n'ya at nakangiti sya sa'kin. Naglakad ako at mas nilapitan ko pa s'ya.
"Hello!" bati ko sakanya at tsaka s'ya nginitian. Halatang namula s'ya sa ginawa ko. Grabe naman 'yon ngumiti lang naman ako,e.
"Bye Cloud!" sabi n'ya at mabilis na umalis. Anong nangyari do'n?
Tumakbo lang s'ya papalayo tapos nakasalubong n'ya 'yung mga kaibigan n'ya at nagiirit do'n. Iba na talaga nagagawa ng ka-gwapuhan ko shit.Dumiretso ako sa paglalakad at narating ko na din ang classroon namin. Nasa may pintuan palang ako narinig ko na ang bulungan ng mga babaeng classmate ko.
"Oh my gosh ang gwapo talaga ni Cloud"
"Sana pansinin na n'ya 'yung pm ko sakanya sa facebook"
"Sana i-heart n'ya yung DP ko"
Syempre 'di rin mawawala 'yung mga ...
"Sus! Malandi naman 'yan"Hay nako nga naman masyado kasing nag-aasume sa'kin gwapo lang ako pero 'di ako nagse-seryoso sa babae.
Umupo ako sa dulo kung saan ako naka-pwesto pinagigitnaan ako ng dalwa kong kaklase 'yung isa nerd na ang pangalan ay Juice ata ay hindi Jusa basta malapit na do'n kakaiba pangalan n'yang kakalase kong 'yan,e alien ata at yung isa naman pagkaarte kong kaklase na ang pangalan ay Kathlyn kung 'di lang 'yan maganda 'di ko 'yan lalandiin.
Nagsimula na ang magdiscuss ang teacher namin kung ano ano kinukwento tungkol sa buhay n'ya as if naman may pake ako sa mga kwento n'yan.
Lagi akong inaantok sa teacher na 'to. Yumuko ako at natulog wala akong pake kung mapagalitan ako galing ako sa party kahapon at 4 am na 'ko nakatulog.
-
*After two hours*"Cloud Byron Stevenson!!!" nagising ako sa sigaw ng isang familiar na boses.
Tumingala ako at bumungad sa'kin ang pagmumuka ng president namin na mukang ulupong at galit na galit."Oh Bakit?" patay malisya na pagtatanong 'ko.
"Ikaw nalang lagi nirereklamo ng mga teachers isu-sumbong na talaga kita sa principal!!" nanggagalaiti na sabi n'ya. Bwisit 'tong bakla naming president e. Mamaya nasa guidance na naman ako may gusto lang sa'kin 'yan at gusto lang n'yan magpapansin sa'kin kaya 'yan gan'yan,e.
"Okay" sagot ko.
Nagulat ako kasi bigla n'ya akong hinigit palabas ng classroom at papunta sa Guidance Office. Gusto lang ata nito mahawakan kamay ko ah. Ang bagal pa ng lakad.
Tumigil ako at napatingin sya sa'kin.
"Could you please stop holding my hand? Kaya kong pumunta sa Guidance Office nang hindi mo hinakawan kamay ko" sabi ko. Inirapan n'ya lang ako tsaka dumiretso sa paglalakad.-
Nakarating kami sa Guidance office at kaharap ko na ngayon ang principal ng school na 'to."How old are you Mr. Stevenson?" tanong sa'kin ng principal. Wow gawin pa kong bobo alam naman n'ya ang age ko ilang beses n'ya na tinanong sa'kin 'yan at paulit ulit lang.
"Seventeen Ma'am!" nakangisi kong sabi.
"You're already sixteen but you're
acting like a ten year old boy..blah blah blah"Hindi ko na pinakinggan 'yung sinasabi n'ya. Paulit-ulit lang 'yan na naman sasabihin n'ya sa'kin. Naka-drugs ata 'tong principal namin tapos papatawag na naman parents ko.
After thirty minutes natapos na din s'ya sa mga sinasabi n'ya.
"Okay Ma'am!" sabi ko. Tumayo na ako at lumabas sa Guidance office.Nakita kong nag aabang sa may pinto 'yung bakla naming president at nilagpasan ko lang s'ya. Hinintay n'ya pa 'ko wala naman akong pake sakanya gwapo ako 'di ako napatol sa bakla.
Dumiretso ako sa classroon namin at uwian na pala sila. Aba't ang aga pala ngayon o masyado lang talaga matagal nag sona yung principal namin sa'kin.
Pumasok ako sa loob ng room at kinuha ko ang bag ko makikipaglandian pa sana ako ako kay Kathlyn kaso wala na 'kong time kailangan ko na umuwi dahil tinawagan na si Dad ng principal kahit naman gan'to ako takot din naman ako kay Dad. Lumabas na ako ng room at as usual pinagtitinginan na naman ako ng mga chikababes.
Dumiretso ako sa parking lot ng school namin. Oo, mayayaman tao dito e mga muka namang pera. Pinaharurot ko na agad 'yon para makauwi ako agad.
Si Dad lagi ang tinatawagan ng principal namin 'di nalang 'yung Step mom ko hindi kasi ako natatakot do'n. Simula no'ng umalis si Mom sa bahay no'ng 11 years old ako naging gan'to na 'ko. Hindi ko alam pero gustong gusto ko s'ya hanapin kaso ayaw ipahanap ni Dad dahil may galit din s'ya kay Mom. I miss her. May step mom naman ako, pero 'di parin sapat 'yon mas gusto ko parin 'yung pag aalaga sa'kin ni Mom noon. Oo mayaman kami may mansion kami pero 'di 'yon sapat para maibalik si Mom. Napapatunayan ko hindi talaga kaya bilhin ng pera ang happiness na hinahanap-hanap ko.
Maya maya nakarating na din ako sa mansion namin at nakaabang na agad 'yung mga body guard ni Dad sa may gate dadalhin na naman nila ako sa office ni Dad dito sa mansion. Pinark ko na 'yung kotse at lumabas na ako. Hinawakan ako no'ng dalwang body guard ni Dad at dinala na nga sa office ni Dad.
Nakaupo si Dad sa may table n'ya habang may hawak na dyaryo. Umupo ako sa upuan sa harap n'ya.
"Bryon. Ilang beses ko na sinabi sayo na magbago ka na?" seryosong tanong n'ya sa'kin pero 'di ako sumagot. Aba baka masabihan ako na nasagot na ko alam n'yo naman mga magulang natin pag sumagot lalo ka papagalitan.
"Nakailang lipat ka na ng school Byron? Kailan ka ba matututo ha?"
Oo, nakakalima na 'kong lipat ng school ngayong year buti nalang at may mga connection si Dad sa mga schools na nililipatan ko kaya nakakalipat ako."I'll send you to your Tita Allison you'll stay on Cavite starting tomorrow ita-transfer na din kita do'n"
"But Dad..."
"Inubos mo pasenya ko wala ng chance. Pag 'di ka pa magbago hindi na kita papabalikin dito sa Manila" Hindi ko inaasahang tototohanin ni Dad 'yung sinabi n'ya dati. Ayoko mag-stay do'n hindi na 'ko makaka-party do'n.
Lumabas ako sa Office ni Dad na nanlulumo. Wala na 'kong magagawa si Dad na may sabi,e.
-
A/N: PAREHAS LANG PO NUNG ISANG STORY KO NA PA-FALL INIBA KO LANG NAWALAN NA KASI AKO NG FEELS DO'N. SANA SUPORTAHAN N'YO DIN 'TO. 10 VOTES BAGO AKOAG UPDATE ULI 😂😂
BINABASA MO ANG
PINAGLANDI NG TADHANA
HumorHindi natin inaasahan ang mga taong dadating sa buhay natin may dadating para pasayahin tayo, may dadating para sirain tayo at may dadating para magdulot sa'tin ng matinding lungkot.