2

526 19 9
                                    

Pagkagaling ko sa Office ni Dad wala akong nagawa kundi magmukmok sa kwarto ko. Ayoko. Ayoko mapunta do'n hindi na 'ko makaka-party do'n. Hindi 'to pwede gagawa ako ng paraan.

Humiga ako sa kama ko at nag isip isip kung anong pwede kong gawin para hindi ituloy ni Dad. Kinuha ko ang phone ko at tinignan ko yung inbox andaming message galing kay mahal, babe,baby,beb,babe 2,babe 3 at babe 4. Bilang ko sila binreak ko na kasi 'yung iba masyado akong nalilito sakanila. Tinext ko sila isa-isa syempre copy paste lang ginawa ko Haha. Habang sinesend ko 'yung mga message may naisip ako bigla.

"Ah! Oo nga! Tama"

Tatawagan ko si Tita at papakiusapan n'ya si Dad.

"Hello?" sabi sa kabilang linya.
"Tita!" sabi ko at umupo ako sa kama.
"Oh Cloud bakit napatawag ka?" tanong n'ya.
"Papadala daw ako ni Dad d'yan. I can't.  Hindi ko kaya 'di ako makakaparty d'yan" sabi ko. Close kami ni Tita Allison s'ya pinaka-cool kong Tita at parang barkada lang kami kung mag-usap.
"Kaya ka pala tumawag gawa n'yan hindi ko na mapipigilan Dad mo Cloud alam mo naman 'yon ilang beses ko na 'yun pinakiusapan no'ng tumawag s'ya sa'kin kanina pero buo na daw desisyon n'ya." nanlumo ako sa sinabi ni Tita. Hindi ko na talaga mapipigilan si Dad.
"Okay po Tita. I'll talk to Dad" sabi ko at pinutol ko na 'yung tawag.

Ako na kakausap kay Dad. Hindi ko kaya do'n ayoko. Tumayo ako sa kama ko at dumiretso sa office ni Dad. Pumasok ako at nakaupo lang s'ya do'n.

"Are you ready? It's too early. Bukas pa ang alis mo" sarkastikong sabi n'ya. Alam kong natutuwa s'ya dahil wala nang magpapasakit ng ulo n'ya.

"Why are you doing this to me Dad?'' tanong 'ko.

"Beacause you're hard headed. I give you chances over and over but still you do the same so, why are you asking a question like that?" he said.

"You know what Dad? Kaya umalis si Mom dahil sa ugali mong yan!" I blurted out my anger. Kaya kami iniwan ni Mom dahil sakanya dahil pinaghihinalaan n'ya si Mom na may kabit kahit wala naman. Sinaktan n'ya no'n si Mom at 'di manlang hinyaan mag-explain kaya kahit ayaw ako iwan ni Mom umalis s'ya alam ni Mom na mas makakabuti pag nandito ako sa puder ni Dad dahil mayaman si Dad. Hindi ako nagtanim ng galit kay Mom kahit konti dahil alam ko ang dahilan ng pag-iwan n'ya sa'min. Kahit gusto kong hanapin si Mom 'di ko magawa dahil sa mga connections ni Dad malalaman n'ya agad na pinapahanap ko si Mom nagtitiis ako dito sa puder ni Dad kahit wala s'yang pakialam sa'kin pinapaubaya n'ya lang ako sa mga maids dito sa bahay. Mabuti pa nga sila inaalagaan ako,e s'ya wala s'yang ginawa kundi ang palipatin ako nang palipatin ng school.

"Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko Dad! Hindi mo alam!" pagkasabi ko no'n ay umalis na 'ko sa harapan n'ya. Hahanapin ko si Mom kahit anong mangyari kahit magalit sa'kin si Dad.

Lumabas ako sa office ni Dad at bumungad sa'kin ang step mom ko.
Nilagpasan ko lang s'ya at dumiretso sa kwarto ko. Pinagsusuntok ko 'yung pader dahil galit na galit talaga ako kay Dad kaya naman ako nagrerbelde dahil rin sakanya,e.

*
Kinabukasan

Nakahanda na lahat ng gamit ko at paalis nalang ako. Napagdesisyunan ko na sumang ayon sa desisyon ni Dad. May plano ako, hahanapin ko si Mom. Alam kong si Tita lang ang magbabantay sa'kin do'n at kakampi n'ya 'ko hindi 'yun nagsusumbong alam naman n'yang hindi rin si Mom 'yung tipong ganon. Si Dad kasi 'yung tipong kung anong una n'yang narinig 'yun ang papaniwalaan n'ya at hindi na 'yon magbabago pa.

Mamimiss ko 'tong kwarto ko kahit malaki din 'yung bahay nila Tita mas gusto ko parin tumira dito sa Manila pero kailangan ko 'to para mahanap ko si Mom at babalik din ako dito.

Maya maya kumatok na 'yung maid.
"Sir paalis na daw po kayo" sabi n'ya galing sa labas.

"Okay po" sagot ko at binuksan ko na ang pinto bumungad sa'kin ang mga body guards ni Dad at pumasok sila sa kwarto ko kinuha nila 'yung mga gamit ko. Dumiretso na ako palabas at naghihintay si Dad doon at 'yung Step Mom ko nandoon na din 'yung kotse na sasakyan ko.

"H'wag na 'wag mo gagawin 'yung mga gawain mo dito sa bahay ng Tita mo" sabi ni Dad.

"Is this your way of saying goodbye?" sarkastikong sabi ko sakanya.

Hindi n'ya iyon sinagot. Sumakay na ako sa kotse at katabi ko 'yung isang body guard ni Dad tapos 'yung isa nagda-drive. Akala ba nila hindi ako di-diretso do'n? At dalwang body guard pa ang kasama ko. Kayang kaya kong pumunta sa Manila anytime dahil ilang oras lang naman ang byahe pag galing Cavite but still, malayo parin medyo dulo na kasi ng Cavite 'yung kila Tita.

Alam kong si Tita lang ang magbabantay sa'kin do'n at lagi s'yang tatawagan ni Dad para paimbestigahan ako kung pinapahanap ko si Mom pero sorry nalang s'ya dahil kakampi ko si Tita. Hindi n'ya kasi alam na close kami kasi wala naman s'yang pake sa'kin at minsan n'ya lang makausap si Tita.

Maya maya biglang nag-ring 'yung phone ko bungad sa screen ko "Babe 3"
Iba na talaga pag gwapo. Sinagot ko 'yung tawag.

"Babe?" sagot ko.
"I miss you babe! Nasa'n ka?" tanong n'ya sa kabilang linya natawa ako dahil wala manlang akong pinagsabihan na pupunta akong Cavite. Wala din naman kasi akong permanente na kaibigan since palipat lipat nga ako ng school.
"Nasa Bahay. Wait babe may gagawin pa kasi ako,e. I'll call you later" sabi ko at pinatay ko na 'yung tawag pati na din 'yung cellphone ko at mamaya magtatawagan na naman sila. Puro nakikilala ko 'yang mga 'yan sa school at 'di nila alam na marami silang 'babe' ko gan'to talaga ako,e hindi ko na maiiwasan 'yon at kahit sino pang babae walang makakapagpabago sa'kin siguro pag nakita ko 'yung Mom ko magbabago na 'ko pero alam kong matagal pa 'yon kaya enjoy muna sila. Napatingin sa'kin 'yung body guard ni Dad na parang 'di nila naranasang magkalovelife samantalang 'yung iba sakanila may asawa na. Marami lang akong "babe" pero mabait ako at gwapo pa.

Ilang minuto na ang lumipas at nandito parin ako sa kotse saglit kong pinatigil sa isang convenient store dahil nagugutom ako. Bumaba ako at pumasok ako sa loob nagtinginan sa'kin 'yung mga chikababes gwapong gwapo na naman sila sa'kin kaya nginitian ko sila. Bumili na ako at dumiretso sa cashier pati 'yung cashier nakatingin lang din sakin.

*ehem*
Nagising sa katotohanan 'yung cashier at inayos na 'yung binili ko nginitian ko pa s'ya bago ako umalis. Iba na talaga ang ka-gwapuhan ko daig ko pa artista nito.

Lumabas na ako at paglabas ko wala na 'yung kotse. Huh? Nasaan na 'yun?!
-
A/N: AT DAHIL MOTIVATED AKO AYAN HAHAHA. COMMENTS PLEASE PARA GANAHAN AKO SA NEXT UPDATE 😭.

PINAGLANDI NG TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon