Chapter 1: The Continuation

1.6K 15 0
                                    

Emman's POV

(5 years after)

limang taon na ang nakaraan pero ang sakit sakit parin, andito kami ngayon sa park, gusto kong bumawi sa anak ko limang taon akong nangungulila pero hindi ko naisip na meron akong anak na ngungulila din sa magulang, wala na nga siyang nanay mawawala rin ba pati ang tatay niya? oo inaamin ko sinisisi ko siya, mas lalo ang sarili ko, sana hindi ko nalang ginustong magkaanak, sana masaya kami ngayon, hindi ko siya inalagaan dahil kapag nakikita ko siya bumabalik lang lahat ang sakit, and she really looks like her mom, sa tuwing nakikita ko siya naalala ko lang ang babaeng pinakmamahal ko, simula pagka-silang siya mommy na ni ten and nagbantay, dinadalaw ko lang siya minsan, at naiintindihan nila ako, pero sabi ng mga ate namin na dapat alagaan ko siya kasi siya daw magbibigay ngiti ulit saaking mga labi, kaya ginawa ko, nung una malayo ang loob ni rex saakin pero siguro sa araw-araw mamahalin din namin ang isa't-isa, tinutulungan din naman nila ako, naglalaro lang siya at ako naman ay palakad lakad, nag-iisip, nagreremenisce, naalala ko kasi dati dito din kami pumupunta kulitan at asaran. ng bigla kong narinig si rex

"dadddyyyyy!!!!!!" sigaw niya sa pangalan ko

"rex! where are you?" hanap ko sakanya pero hindi siya mahagilap ng mga mata ko.

"ouch!" sigaw niya ulit, that's the time I saw her, nadapa siya pero may biglang lumapit sakanya na babae, a stranger to my eyes, nakatalikod siya at tinayo at pinagpag niya tuhod ni rex.

"rex? are you okay?" narinig kong sabi niya, the voice seems so familiar, pero baka naghahallucinate nanaman ako

"yes thank you, who are you? why did you know my name?" tanong ni rex dun sa girl that's when the time na lumapit na ako.

"rex? are you okay? sabi ko naman kasi na wag kang lalayo diba? why so hard headed?" galit na sabi ko

"I'm okay daddy, she helped me naman" saad niya

"Miss, thanks for helping my daughter, emman nga pala, and I heard you know my daughter? who are you?" tumayo siya at humarap saakin.

"Hi!!!!" pagkaharap niya. :O ha? bakit? paano? hindi, hindi siya, hindi pwede

"Ha??? babe? pero paano? bakit?" gulat na tanong ko, hindi, hindi talaga namamalik mata lang ako, nakita ko siyang nawala, nandun ako nung nawala siya, nakita ko paghinto ng paghinga niya, tumakbo papunta saakin si rex, at niyakap ako, habang ako gulat parin na nakatingin sakanya.

"daddy! who is she?" tanong ni rex, pero hindi ko sinagot kasi hindi parin ako makapaniwala, maluluha na ako

"alam kong hindi mo maiintindihan, humihingi ako ng tawad sa lahat ng nagawa ko, patawarin mo ako emman" sabi niya at doon palang ako natauhan

"p-p-pero paano? bakit?" gulong gulong tanong ko.

"hindi ko maipapaliwanag sa'yo, pero sana patawarin mo ako"

"pinapatawad na kita, mas mahalaga nandito kana at magkakasama na tayo ulit" nakangiting sabi ko

"hindi, hindi na pwede, patawarin mo ako, kalimutan mo na ako" mariing sabi niya, ano daw? kalimutan ko na siya? sa limang taon niyang nawala napatawad ko siya tapos sasabihin niyang kalimutan ko siya? bakit?

"b-b-bakit? hindi ko maintindihan? gulong-gulo ako, ipaliwanag mo naman saakin" mangiyak-iyak na ako

"patawarin niyo ako, ipangako mo saakin na mamahalin mo ang anak natin higit pa sa pagmamahal na ibinigay mo saakin, please emman, mangako ka" umiiyak narin siya

This life is OURS ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon