QOL 08: REMINISCING

26 1 0
                                    

CHAPTER 08: REMINISCING

---
(CHESTER's POV)

Isa lang akong simpleng tao. Isang simpleng estudyante. Makulet, magulo, maingay at lahat na ata nang kinaiinisan nang teacher sa isang estudyante niya, yun na ata matatawag sakin. Eh sa tarantado ako eh. Anong magagawa niyo? Nagtataka pa nga ako eh. Bakit may nagkakagusto pa sakin sa kabila nang kagaspangan nang ugali ko. Ay onga pala! Gwapo kase ako at macho. Hahahaha! Hangin no? Chester Sarmiento ang may hatid niyan brad! Hahaha. Pero seryoso. Nagtataka ako bakit may nagkakagusto pa sakin. Eh lagi nga akong napapahiya dahil sa sobrang kadaldalan at kaingayan ko. Eh sa ganto ako eh. Eto ako. Pero sa kabila nang lahat nang yun. Sa kabila nang kagaspangan nang pag uugali ko, heto siya. Eto yung babaeng nag ngangalang Mary Mendez patuloy na nagmamahal sakin nang wagas.

Natatawa ako sa tuwing naaalala ko ang kabobohan ko at katamaran dahilan para mapalapit ako sakaniya.

May peste kase kaming activity sa English. Business letter. Eh anak nang tucha! Ano bang malay ko sa letter na yon!? Love letter nga di ako nagsusulat, iyon pa kayang pormal na business letter? Kaloko ah! Kaya ayun! Dahil siya ang top 1 sa room namin, ayun. Sakaniya ako lumapit at nagpaturo.  Tinulungan naman niya ako. Syempre, pogi ako. Anong connect? Tsk.

Tapos yun na yung simula. Araw-araw na kaming nagkukulitan at nag aasaran. Hanggang sa di ko napansin, unti-unti nakong nahuhulog sakaniya.

Nung una, hindi ko pinansin iyon. Yung pakiramdam ko na sobrang saya pag nasa saakin ang atensyon niya. Yung pakiramdam na gusto kong manapak at mambasag nang muka pag may kasama siyang iba. Yung pakiramdam na nagseselos, lalo na pag nahaharutan sila nang iba kong kaibigang kaklase. Yung pakiramdam na nasasaktan ka pag umiiyak siya. Yung pakiramdam na gusto mo siya laging masaya. Yung pakiramdam na gusto mo siyang protektahan...

Yung mga ganung pakiramdam hindi ko pinagtuunan nang pansin. Hanggang sa isang araw..

Magkatext kami ngayon. Wala lang. Nangungulet lang siya at medyo may tama. May okasyon kasi sakanila ngayon kaya ng iinom daw sila.

*bzzt*
From: Mendez
Sxy ko :( Hahahaha!

Napangiti ako nang mabasa ko ang text niya. Lagi niyang sinasabi yan samin. Nakakatawa. Ipagpilitan daw.ba? Dejk. Sexy naman siya. Matalino, mabait, maganda at madaming may gusto sakaniya. Sikat eh.

To: Mendez
Hahahaha! Asa naman! Taba mo kaya! >:)

---

From: Mendez
Bitter is you! :/ Ikaw ang tabachoy! Not me! Sxy ako! :P

---
Kung magkasama lang kami neto, baka siguro nasabunutan at nakurot nako neto. Hahaha!
---
To: Mendez
Hahahahaha! Oo na nga lang. Seksi kna :P
---

Ilang minuto siyang di nagreply. Minuto nga ba? Palagay ko oras. Lagi akong check nang check nang phone. Hinihintay ko yung text niya. Pero wala. Ngayon lang naman ako gumamit nang phone. Pero muka akong adik magtext kakacheck neto bawat oras at minuto.

*Bzzzt*
From: Mendez
Chester, may sasabihin ako.
---
May kung anong tumalon sa loob ko nang mabasa ko ang text niya. Ang lakas nang kabog nang puso ko. Hindi ko alam kung baket. Pero parang kinabahan din ako.
---
To: Mendez
Nu yun?
---
Napapikit ako nang mariin nang isend ko iyon. Para akong nanlamig. Sht! Ano ba to!
---
From: Mendez
Gusto kita. Okay lang ba yon sayo?
---
Gusto kong tumalon, sumigaw at magsasayaw sa tuwa. Gusto niya ako? Gusto ako nang taong gusto ko. Gusto din niya ako!

The Queen of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon