My name is Lia Allison Suzuki. I'm 16 years old at nag-aaral ako sa St. Augustine Academy as a 3rd year high school student.
"Liiiaaaaa! Pautang~" :)))
Yun ang best friend kong si Alexandria May Alcantara...
"Hala! Daya mo ah! Ano, ikaw lang???"
At iyon naman ang isa ko pang best friend na si Hannah Camille Garcia. Napakabait nila at usually tahimik sa school, pero....ako lang ang nakakaalam ng totoo nilang personality; Mga baliw at maiingay na witches. Diiii, joke lang, syempre! ^^
Pero kahit magkaiba sila ng pamilya, parang halos magkaparehas lang sila ng asal. Kaya naman binigyan ko silang dalawa ng iisang nickname: "Alexannah".....
Pero enough introductions na muna para sa ngayon...!
Ahh, siguro mamaya ulit kasi yung dalawang baliw na yun itinatakas na yung wallet ko! >_<"*****
Regular day lang sa school, at dismissal time na. As usual, kasabay ko nang umuwi sina Alex at Hannah. Magkakapit-bahay lang kasi kami; ang bahay ko ang nasa gitna, at yung kanila ay nasa magkabilang gilid ng akin. Dahil doon, mahilig silang mag-sleepover samin at kulang na lang hindi na sila umuwi sa sarili nilang bahay. Yun ulit ang ginawa nila ngayon, at dahil Friday naman, nag-aya sila na mag-bonding.
"Uyyyy, punta tayo sa mall~" sabi ni Alex.
"Oo nga, para may bonding moments naman tayo!" ^w^ sabi ni Hannah.
Pumayag na lang ako dahil gusto ko rin makipag-bonding sa kanila. So nagbihis kami at nagpunta na kami sa mall.
*****Nagsaya kami nila Alexannah sa mall. Pagkakain namin sa KFC, naglibot-libot na ulit kami. Nagpapatawa din si Alex habang naglalakad...
"...oo, nakita ko talaga yun! Pumasok yung matabang babae dun sa KFC, tapos nagtanong siya sa counter. Sabi niya, 'Ano po yung delivery number ng McDonalds?' Edi syempre nagulat yung nasa counter. Sabi niya, 'Hindi ko po alam, eh.' Kaya sabi ni fat girl, 'Aah ok. Magtatanong na lang ako sa Jollibee.'"
Tawa kami ng tawa ni Hannah. Kaso nga lang, sa kakatawa ko, hindi ko na napansin yung dinadaanan ko at nakabangga ako ng isang lalaki, at natumba ako.
"Ay sorry miss, ok ka lang??" tanong niya.
Tinignan ko siya ng mabuti. Mga 5'8" ang height niya, maputi, at kulay light-brown ang kanyang buhok. Napabilis ang tibok ng puso ko. Omg. Ang cute niya. *o*
"A-ah, ok lang ako..s-salamat..." bulong ko.
Napangiti lang siya at tinulungan niya 'kong tumayo. At pagkatapos noon, lumakad na siya paalis.
"Oooh. Sino yun, Li?" tanong sakin ni Hannah.
"H-Hindi ko rin alam, eh...pero ang bait niya..." ;w;
"Hahahah! 'Lika na nga, Juliet, mamaya mapaupo ka nanaman sa sahig niyan eh." biro ni Alex.
BINABASA MO ANG
A Long-Lost Love (DISCONTINUED)
RomanceSobrang pamilyar siya...hindi kaya nakita ko na siya noon pa...? //UPDATE// I will no longer be continuing this story. Hindi ko naman masyado sineryoso paggawa dito eh, so I won't update it anymore.