"Waaah!!"
"Ay, sorry...hindi ko sinadyang gulatin ka!"
"Ah...ok lang yun..." >_<
"Ano nga pala...yung pangalan mo...?"
"L-Lia...Lia Allison...."
"Lia? Hmm...ang cute naman ng pangalan mo. Kasing cute mo~" ^w^
"H-Ha?" O///O
"...."
"...."
"Alam mo, miss na kita..."
"Ehh? Paano mo'ko mami-miss eh...kung...kung hindi naman kita....s-sino ka ba? Teka lang, wag ka umalis!!"
"AHAHAHAHAHAH!!!!!"
"AYY BAKLA!!! Hala, ano ba yun?!?"
Nagising akong bigla....panaginip lang pala yun....O.O"
At napakagandang panaginip rin...kundi lang humalakhak sila Alex eh...edi sana nakuha ko man lang yung pangalan niya....>:'c
"A-Ano ba nakakatawa? Natutulog ako pinagtatawanan niyo ko....HALA, teka. Pinicturan niyo'ko no?? I-delete niyo yun! Ngayon na!! Kundi papalayasin ko kayo dito!"
Tawa pa rin ng tawa sila Alex.
"Hahahah! Good morning, too~!" sabi ni Hannah.
"Ahahahah!! Kakagising mo pa lang dami mo na agad salita!" sabi naman ni Alex.
"Hahaha, hindi mali ka. Kanina pa nagsasalita yan eh, bago magising...hahaha" bulong ni Hannah.
ANO DAW??!!? OnO
"Huy, anong mga pinagsasasabi niyo dyan ha??" demanda ko.
"Pinapakinggan kang bumulong. AY ESTE, wala naman~!" tumatawang sagot ni Hannah.
Nag puppy-dog eyes ako kay Alex. "A-Ano ba sinasabi niyo, ha...?"
Mukang gumana ang technique ko dahil sabi ni Alex, "Sige na nga. Hannah Banana, sasabihin ko na, ha?" :)))
"Hahahah, geh, kaw bahala." :)))
"Hehe. Sige. Li-Li, ganto kasi yun...."
At kinuwento niya sa akin kung paano sila nagising nang maaga, at narinig akong bumubulong na parang may kausap. Pinakinggan daw nila ako at....
"....basta narinig namin sinabi mo yung pangalan mo, tapos parang biglang nagulat...tapos..."
Pinipilit niya ang sarili niya na magpigil ng tawa.
"...pano ka nya ma...hahaha...mi-miss...HAHA....kung hindi mo naman siya....kilala....? Pero bigla kang....HAHAHAHAHAHAH!!! Iniwan!!!" x'DDD
At humalakhak nanaman silang dalawa na parang wala nang bukas.
"So. Sino ba talaga yung kausap mo, Li?" tanong ni Hannah.
"Umm, si ano...si ano..." hindi ko siya masagot...bakit kaya....
"Si...?"
"Si ano...."
"'Si ano' ka ng 'si ano', eh! Sino nga??" parang naiirita na tanong niya.
"...yung lalaki nga kahapon!!!" Ayan. Sinabi ko na. >///<
(o.o) - Si Hannah.
(>w<) - Si Alex.
"...h-hanggang sa panaginip ba naman..." sabi ni Hannah.
"....binibisita siya!!" tuloy ni Alex, na tumatawa pa rin. Luh. Lukring din tong babaeng to eh, no. Di na tumigil sa kakatawa. >.>
"Ano bang sinabi sayo nun at napasabi ka ng pangalan mo?""Malamang tinanong niya."
"Eh ba't ka nagulat??" tanong ni Hannah.
"Kasi...uh, kasi..." ayan na naman. Nahihirapan nanaman ako. "OTL
"Ayan nanaman siya..."
"Oo, basta ganun na yun." ^^;
"..." o.e
Hindi ko maintindihan ang mukha ni Hannah; may halong nakakatawa na nakakaawa.
Kaya sinabi ko na lang din...kaso hindi lang yung whole truth. :)))"O sige na. Sabihin ko na. Baka umiyak ka pa dyan eh." :P
"Hmp. Ano nga?"
Syempre, pinilit ko muna ang sarili kong kumalma bago ko siya sagutin.
"K-Kaya ako nagulat, kasi bigla siyang...NATISOD. Oo, yun na nga! N-Naglalakad kasi kami noon, tapos bigla na lang siyang natisod. Yun lang...!" ^^;
".....weh?" -__- Sabay nilang sinabi.
"Pssh. Ayaw maniwala."
"Ang lampa naman pala ng prince charming mo, eh..." sabi ni Alex.
"Prince charming?? Hinde, ah. Saka...ako pala yung nadapa, oo...hindi pala siya yon...ahahahah!!!!"
Lalo na lang napakunot si Hannah.
"....."
"....."
"Parang di kapani-paniwalang storya, eh. Ambilis magbago?" - Hannah
"Ha. Ganon talaga yon~" - me
"Naku, bahala ka na nga dyan." =.=
Hoho! Success!! ^w^
Pagkatapos noon, bumaba na kaming tatlo para kumain ng agahan. Dahil Sabado ngayon, halos wala nanaman kaming gagawin kundi tumambay buong araw at magtamad-tamaran. At dahil ayaw nila Alexannah ng ganoon, pagkatapos kumain ay nag-aya NANAMAN sila sa mall. As usual..."Hey, Lia. Mall ulit tayo, gusto mo~?" sabi ni Hannah na may angelic smile. O:)
"Oo nga, para may more bonding moments ulit tayo~" dagdag ni Alex.
....
Lagi namang ganoon ang mga dahilan nila para makapag-mall eh. =.=
"Ayoko. Tinatamad ako ngayon eh. Siguro next time na lang." sabi ko.
"Ay. Si Lia KJ." sabi ni Hannah na naka-pout.
"Geh Li-Li, bahala ka pag iniwan ka namin, ah." sabi naman ni Alex.
Alam kong di naman talaga nila yun gagawin, kaso parang naaawa din ako kasi gusto lang naman nila makipag-bonding sakin...waaah, ang bad ko talagang kaibigan....>_<"
"Oo naaa, sige na nga. Sasama na nga eh, diba? Ayan na o, maliligo na, o. Tapos magbibihis. Tapos aalis na!"
Papunta na ako sa banyo noon nung narinig ko silang naghahagikgikan ng mahina...as if hindi ko naman naririnig! o.e
BINABASA MO ANG
A Long-Lost Love (DISCONTINUED)
Roman d'amourSobrang pamilyar siya...hindi kaya nakita ko na siya noon pa...? //UPDATE// I will no longer be continuing this story. Hindi ko naman masyado sineryoso paggawa dito eh, so I won't update it anymore.