Chapter 01:

10 2 0
                                    


Chapter 01:

Halos mag tatatlong araw na kaming nandito ni Doppler sa planetang earth at hanggang ngayon hindi parin namin nahahanap ang kwintas ko.

Paniguradong nag aalala na ang mahal na reyna samin.

"Prinsesa hanggang kailan ba tayo dito, hindi nako na sisiyahan sa itsura ko, ang akala ko ay makakabalik agad tayo pero mukang matatagalan pa ako sa itsura kong ganito wahhhhhh"

" Bakit? bagay naman sayo ang itsura mo Doppler hindi ka nila mapagkakamalang ibang nilalang Hahahaha"

Simula nang mangyari ang aksidente nung nakaraang araw ay nagbabakasakali kami ni Doppler na bumalik ang lalaking tinulungan ko, maaaring nasa kanya yung kwintas ko.

Kung naandito lamang iyon sa pinangyarihan ng aksidente mararamdaman ko agad, pero wala akong maramdamang kahit ano kaya nasisiguro kong nasa lalaking iyon ang aking kwintas.

Naglakad-lakad kami ni doppler ng mapadpad kami sa isang malaking gusali.

Mabuti na lamang ay may kapangyarihan ako at nakapasok kami, malamang sa itsura namin ay hindi kami papapasukan ng mga tao.

Napatigil ako sa isang pwesto ng may nakita akong isang magandang kasuotan, purong puti lamang ito na kung tatansyahin ay hanggang tuhod lamang simple ang kasuotan pero iba ang ganda.

nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid at napansing wala namang masyadong tao ang maaaring makapansin sakin kung sakaling gagamit ako nang kapangyarihan.

"⚌ ⚍ ⚎ " Bulong ko sa sarili at tinapat ang aking daliri sa kung saan nakapwesto ang kasuotan.

( 1 2 3 )

"Hihihi ang ganda, napaka ganda talaga ng kasuotan sa plenatang ito hindi ko mawari kung bakit walang ganito saamin"


" Tara na mahal na prinsesa, baka may makakita pa saatin dito"

" Palagi kana lamang panira Doppler, habang hindi natin nakikita ang kwintas kailangan ay mag enjoy din tayo kahit papano. "

Habang nagiikot ikot kami ay hindi ko napansin na may naka bunggo pala ako.

"Im sorry miss okay ka lang ba?"

Ang sakit ng pwetan ko, napalakas ata ang pagkaka bunggo ko sa nilalang na ito.

Nilahad nya ang kamay nya sakin para tulungan akong tumayo.

Nang hinawakan ko ito ay kasabay ang pag lapat ng mata ko sa kanyang muka.

Napaka gandang nilalang ang kanyang labi ay maninipis at mapupula, ang kanyang ilong ay matangos, ang mga pilik mata ay mahahaba at makakapal, napaka kinis din ng kanyang muka waring hindi nadudumihan.

Hindi ko maalis ang mga tingin ko sa kanya hanggang sa tuluyan akong makatayo mula sa pagkakahulog.

'Mukang hindi lamang sa pagkakahulog sakin sa sahig ang nagawa ng lalaking ito mukang pati sa kanya ay nahulog ako Hahahaha'  Bulong ko sa aking sarili at napapailing na lamang ako sa kung ano ang aking naiisip.

"Ah miss ano okay ka lang ba? sorry ha nagmamadali kasi ako e, nasaktan kaba? may masakit ba sayo?"

"Ha? Hindi! wala ayos lamang ako maraming salamat sa iyong pagtulong sakin nilalang"

Lost From AboveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon