Terrence's Point Of View
Madilim, tanging ang ilaw lamang na nanggagaling sa buwan ang paraan para makakita ako sa dilim. Hatinggabi na ngunit hindi pa rin ako makatulog kakaisip sa kung papaanong paraan ako makakaalis sa lugar na ito. I don't want to be here. I don't want them.
Dala si Mister Psycho ay lumabas ako ng silid ko at dahan-dahang naglakad sa may pasilyo. Pinatay nila Miss Kathery ang mga ilaw kaya napilitan akong humawak at kumapa sa may dingding para makita ang dinaraananan ko.
Hindi pa rin kasi mapalagay ang isip ko sa ideyang gusto kong gawin. Napabuntong-hininga ako at saka patuloy na naglakad sa pasilyo. Tanging ang mabibigat na hininga ko lamang ang maririnig sa buong paligid. Tahimik. Napakatahimik.
Bumaba ako ng malakaing hagdanan at bumungad sa akin ang napakalaking sala. May iisang ilaw ito sa gitna at ang ibang parte nito ay madilim. Kaagad kong nakita ang main door ngunit nang papalapit na ako doon ay humarang sa akin ang isang aso. Tahol ito ng tahol at naririndi na ako dito.
Nakakita ako ng ballpen sa may lamesa kaya kaagad ko itong kinuha. Akmang isasaksak ko na ito sa aso ngunit bigla na lamang lumiwanag ang paligid at narinig ko ang boses ni Miss Kathery. "Terrence? Anong ginagawa mo? Matulog ka na sa kwarto mo. Dali na." ang malambing na boses nito.
Kaagad kong ibinalik ang ballpen na nakita ko sa may lamesa lumapit kay Miss Kathery. "Dodge. Ikaw rin. Sleep. Sleep, Dodge." ang sabi naman ni Miss Kathery sa aso at kaagad itong bumalik sa higaan nito. Sinundan at hinatid naman ako ni Miss Kathery sa kwarto ko at siniguradong matutulog na ako.
"Kapag hindi ka makatulog, just sing your lullaby." ang sabi nito sa akin nang mapansing kumu-kurap na ako at handa nang matulog. Dahan-dahan niyang inalis ang katawan sa kama at lumabas ng kwarto. "Good night, Terrence." ang sabi nito.
"Hoy! Bata! Ikaw si Terrence 'di ba? Iyong baguhan?!" ang sabi ng batang lalaki na mas malaki pa sa akin kung tutuusin. "Alam mo bang ako ang pinakamatagal dito? Akin na iyang hawak mong laruan!" ang sabi nito tsaka hinablot ang teddy bear ko.
Nawala ang ngiti ko sa labi ko nang makarating ako dito sa playground habang natatanaw ang maraming bata. Nainis ako sa ginawa niya kaya naikuyom ko na lamang ang kamay ko sa galit. Ayokong makapatay ng kaawa-awang nilalang sa ngayon. "Deon, stop it. Sabi ni Miss Kathery alagaan daw natin siya at ituring na kapatid." ang sabi naman noong batang babae na si Arginna.
"Wala naman si Miss Kathery. At saka hindi naman niya ako kilala, hindi niya alam ang kaya kong gawin sa kaniya. Ako ang boss dito kaya lahat ng gusto ko, susundin niya!" ang sabi noong overweight na batang si Deon. Nakatingin lamang ako sa kanila at wala akong ginagawa.
"Tignan mo, mukhang masaya naman siya eh. Huwag kang mag-alala, Arginna. Walang makakaalam nito." ang sabi noong Deon. Tila hindi ko na natantiya ang pasensya ko at natagpuan ko na lamang ang sarili ko na inaawat ng ibang bata sa pagkakadagan ko doon kay Deon.
"So, you want to fight, huh? You want to fight, little kid?" ang sabi noong Deon habang hawak ang may sugat niyang labi. Kitang kita ko sa mukha niya kung gaano siya kagalit sa ginawa ko sa kaniya.
Yeah. I want to fight. Unless he gives me back Mister Psycho.
Mabilis niyang sinunggaban ang mukha ko dahilan para mawalan ako ng balanse. "Mahina ka naman pala eh. Lampa!" ang sabi nito sa akin. Ginaya naman ng iba pang bata ang nandodoon ang huli niyang sinabi.
"Lampa! Lampa! Lampa!" ang sabay sabay nilang sinisigaw habang nakabilog sa kinahihigaan kong lugar.
I am not weak. I just don't want to fight him.
BINABASA MO ANG
Myles
Tajemnica / ThrillerNot all child is innocent. Sometimes, violence is hiding in them. Cover: Triciaaa20 ( Thank you!) Date Started: April 02, 2020 Date Finished: --