Daiyte XXVII

113 58 73
                                    

Chapter 27

Tahimik ako na nakahiga sa kama ko habang nakatulala sa kisame ng aking silid. Ano man ang itawag sa akin dahil sa  ginagawa ko: Bullsheez, Fudge up or whatever, wala na akong pake.

I really don't know bakit ko ginawa ang sitwasyong ito. Yung parang di na matauhan sa mga nangyayari dahil sa mga bagay na minsan e iniisip mo na lang na sana... maadjust ko man ang mga bagay na dapat i-fix.

Minamasdan ko lang ang ceiling ko, kulay puti. They say na white is associated with light, goodness, innocence, purity, safety, and cleanliness and virginity. It usually has a positive connotation which can represent a successful beginning.

Buti pa ang puti,  may nirerepresent na maganda, samantala ako... walang kaputi-puti sa akin.

Weird di ba ng pagkakainterpret ko sa white patungkol sa sarili ko? Ganito kase iyon, it means that I lack some of it. Did you get what I mean?

Yes I have light in my family's darkness. Yung panahong nahihirapan ang pamilya ko kaya ito ako, tumutulong sa pangangailangan by working as a fake girlfriend in any other people whom I just met and spend with them for a whole day.

Innocence, safety, and cleanliness and virginity? Syempre meron ako non! Hindi naman ako yung taong basta basta na lang mag-iiba! Nakadepende sa mangyayari.

But goodness, purity, positive connotation, successful beginning? I can't explain it na!

Alam kong nasa taong nakakasalamuha mo ang desisyon kung gagawin mo ang ganitong klase. Yung pagkakaroon ng kabutihan, kadalisayan o positibong konotasyon sa kanila.

I get it to myself that this statement was true. Lalo na sa mga taong, minsan ko nang kinamuhian. Gaya na lang NIYA o NIYON. Kilala niyo naman sila di ba?

But this is different. Kung pag-uusapan ang matagumpay na simula? I don't think so. Napakaraming naganap sa loob lamang ng maikling panahon. After half of the month pass, I thought there will be an another great start, or a chapter in my life... But I was wrong.

Unti-unti silang dumadagdag. Bumabalik sa mga panahong di mo inaakala. Ewan ko kung bakit ganon but one thing for sure, di ako lulubayan nito hangga't di ko pa naayos ang ganito.

Hindi pa rin ako tuluyang makarecover sa nangyari yesterday dahil kagabi lang, ilang oras ang nakalilipas naganap iyon. Sa tingin niyo ba, makakatake-away ako agad agad?

Napaupo na lang ako sa sarili ko na para bang tamad na tamad kumilos. Ugghh! I hate this feeling right now! Ano na lang gagawin ko pag nagkita ulit kami ng taong iyon?

Girl, makikita mo talaga siya! Parehas kayo ng paaralang pinapasukan e. Lucky you na lang dahil magkaibang strand ang kinukuha niya.

But malas naman rin dahil last night iyon. Inaasahan niya yung pakiusap niya sa'yo. Ano ba iyon? I'm trying to forget it okay!

"Kailangan kong kumain..." Sabi ko na lang. Yes, baka food pa ang stress reliever ko. Minsan lang ito, di naman ako tataba di ba? Snack lang.

Lumabas na ako sa kwarto ko at nagpasyang maghanap ng makakain sa ref. Baka mawala pa ang problema ko dahil dito.

Ikaw lang ang namomoblema. Sinong may saltik sa utak at masyadong pinapahirapan ang sarili sa sitwasyon? Edi ako na!

Napakamot na lang ako dahil rito. Bwisit kase e! Dapat pala di ko na lang pinakinggan siya! I know it's a very small offer, but it's problem to me did you know that?

Sa kada baba ng hagdan ay parang unti unti ko na naman naaalala ang mga sandaling iyon. Sheez. May gamot ba para rito? Para akong na trauma e! What the freaking hedge! Sawang sawa na ako na laging nagkakaganito ang buhay ko! Full of... effing happenings! Gash!

DaiyteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon