it's been three months since noong nagbreak kami ni Adrian at masasabi ko naman na bahagyang nababawasan na ang sakit na iniwan ni Adrian.
May 23 exactly 1 week before my birthday.At nagprepare na kami nila Mommy para sa parating kong birthday party sa 30.Napag-isipan namin nila Mommy na mag pool party naman this year para maiba naman ang party ko.Btw sa 30 ay 19th birthday ko.And expected na dumating yung mga relatives namin from Manila and from Bicol na inimvite namin.Bale ang mangyayare ay sabay sabay kaming maglalunch ng mga relatives namin From Manila and Bicol.Then doon na din sila magsstay sa bahay namin for three days.Then sa gabi pa mismo ang pool party ko.
Unica hija kaya lahat binibigay sa akin nila Mommy at Daddy.Pero minsan nga nakakalungkot din eh kase wala man lang akong kapatid na nakakalaro noon,wala akong kapatid na nasasabihan ko ng problema ngayon.Minsan napapa-isip na lang talaga ako kung anong feeling ng may kapatid.
Fast forward⏩⏩
Today is my birthday!.At ngayon ay nandito na din ang mga Tito's and Tita's ko na nagbigay sa akin ng mga regalo na sobrang nagustuhan ko naman.So maglalunch na kami ngayon at nagpaluto lang si Mommy ng ilang putahe kay Ate Jean kase bukod sa sobrang bait ni Ate Jean sobrang sarap din niya magluto.We're about to eat nang biglang may tumawag sa akin na unknown number before answering it nagpaalam muna ako kila Mommy.
"Mommy sasagutin ko lang po itong tawag" sabi ko."Go ahead anak"tugon naman ni mommy sa akin.
"Hello,who's this?" pabingad kong sabi.Ngunit hindi agad ito sumagot kaya muli akong nagsalita "Hello?"
Saka naman ito sumagot."Hello Chantile,ka-kamusta na?Happy Birthday nga p-pala!".
Pagkasabi niya nang mga salitang iyon ay parang pakiramdam ko na biglang nanghina ang katawan ko at para nanaman akong di makapagsalita.
"A-a-adrian?ikaw ba yan?"nauutal kong sagot.
"Oo ako to'!Nabanggit kase sa akin ni Joanna na may party ka raw mamaya."
Pakiramdam ko kahit anong oras ay papatak na ang luha ko kaya sinigurado kong hindi ito tuluyang tutulo.Saka ako huminga nang malalim at saka sumagot sa kanya.
"Uhm oo meron nga pool party" sagot ko.
"Can i come?para makapag usap rin tayo ng matino?!"
Pagkasabing pagkasabi niya noon ay parang bigla na lang automatic na pa sagot ako sa kanya ng oo.Kase may part pa rin naman sa akin na guto ko siyang makausap kaya't pumayag na rin ako.
Pagkatapos naming magusap ay agad din naman akong bumalik sa lamesa para kumain.
Nahalata yata ni Mommy na malungkot ang expression ko kaya naman agad niya akong tinanong.
"Anak,may problema ba?sino ba yung tumawag sayo ha?" nag aalala niyang tanong sa akin.
"Mommy si Adrian po yung tumawag.Tinanong niya po kung pwedeng pumunta sa party ko mamaya."
"Pumayag ka?" bakas sa tono ni Mommy na medyo galit siya.
"Opo,kase Mommy po gusto niyang makipag-usap."
"Chantile mag usap tayo doon" ngayon ang galit na expression ni Mommy ay napalitan na ng lungkot.
"Anak seriously!Bakit ka pumayag?Bakit hahayaan mo siyang bumalik?"
tanong niya."Mommy hindi po sa hinahayaan ko siyang bumalik sa akin.Ang gusto ko lang naman po ay magka-usap kami ng maayos para malaman ko kung anong dahilan niya para saktan ako dati.Yun lang Mommy gusto ko lang ng klaro."paliwanag ko.
"Sige anak, if that's what you want,wala na akong magagawa diyan."
"Thank's Mommy sana maintindihan niyo po".sabi ko naman at sinuklian ko lang sya ng pilit na mga ngiti.
Pero sa totoo lang talagang hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko.Sinabi ko na gusto ko lang makausap si Adrian pero...Pero ang totoo gusto ko na lang ulit siyang maka-usap,gusto ko siyang makita,at gusto ko lang na magkaintindihan kami talaga ni Adrian.Dahil sa totoo lang hindi pa rin talaga malinaw sa akin kung bakit?.Kung bakit niya ako linoko,pinagpalit,sinaktan,at bigla na lang iniwan.
Pagkatapos namin mag-usap ni Mommy ay agad na rin kaming bumalik sa dining room para pag-usapan ang gagawin namin mamaya para sa party ko.
Good luck na lang sa akin mamaya
End Of Chapter 2
YOU ARE READING
Loving Him Secretly
RomanceDeserve ko bang masaktan? Deserve ko bang hindi mahaling pabalik? Deserve ko bang lagi na lang umasa ng umasa na maibabalik ang katumbas na pagmamahal na binibigay ko? Bakit ba lagi na lang ako ang nasakasaktan? Iyan ang mga katanungan na paulit uli...