Jennifer's POV
Nandito ako ngayon sa Student Plaza ng aming university nagaantay na bumalik and dalawa kong kaibigan na bumili ng pagkain. May natanawan akong isang lalaking naglalakad sa itsura niya masasabi kong siya ang tipong magugustuhan ng karamihang babae. Matangkad, maputi, medyo singkit ang mata, itim at pinong buhok. Sinusundan ko siya ng tingin at patungo siya sa building ng mga engineer, dun ko lang napansin ang suot niya black slacks at maroon na polo na nagsasabing ito ay uniporme ng mga engineering students.
Pero bigla siyang napatingin sa gawi ko, ang titig niya na sobrang lamig na tila yelo. Kaya ako na mismo ang bumitaw sa kanyang titig at inarko sa ibang gawi ang aking tingin.Dumating ang dalawa kong kaibigan na dala na ang pagkain at nakita akong parang tulala.
"hoy anyera sa mukha mong tulala kunu". Sabi ni Badet. "hahaha gutom lang yan" sabad naman ni melody. Binalewala ko ang kanilang sinabi at inaya na lang silang kumain. Habang kumakain kami hindi mawala sa isipan ko ang nanyareng titigan kanina at dun umikot ang aking pagiisip.Pagkatapos naming kumain dumiretso kami sa pila para mag enroll. 2nd year college na ako sa kursong Business Administration. Isa akong scholar ng aming bayan kaya pinagiigihan kong mabuti ang pagaaral ko para makapag hanap ako ng magandang trabaho para may pang opera ako sa mama ko.
Bunso ako sa aming dalawa ng ate ko nag tratrabaho s isang mall bilang cashier. Ang mama ko naman ay may sakit sa kidney at kailangan niyang sumailalim sa kidney transplant upang magamot siya, yun nga lang kapos sa pera kaya nagtitiis muna siya sa libreng dialysis ng gobyerno. At ang papa ko naman isang construction worker.Habang nasa pila kami tulala nanaman ako kakaisip dun sa lalaking nakatitigan ko." siguro na guguwapuhan lang ako" wala sa sarili kong sabi. Sabay namang napalingon ang dalawa kong kaibagan sakin sabay tawa. "at sino naman ang maswerteng lalaking yan aber?" tanong sakin ni Melody. "oo nga mukhang may natitipuhan ka friend?". Sabi naman ni Badet. "Huh?" iyon lang ang nasabi ko.
" Alam mo friend okay lang yan normal lang naman na ma guwapuhan ka sa isang lalaki no judgement". Ika ni melody.
" So true ka dyan friend" pagsang ayon naman ni Badet. "Ah eh may engineer student lang akong nakitang dumaan sa harap ko kanina tapos yun na guwapuhan lang ako pero di ko siya type no, wala pa sa isip ko ang mga ganyang bagay" sabi ko sakanila. " egineer ba kamo?" tanong ni melody. "oo, diba pag maroon ang polo mga engineer?" tanong ko. "oo, baka si Dandreb ang tinutukoy mo? Maputi na matangkad at medyo singkit?" pagtatanong ulit niya. "ewan di ko alam name niya eh pero sa description mo ganun nga" sabi ko.
" Aaaaah " sabi nilang dalawa. Tapos biglang bumulong sakin si badet. "iyon bang tinutukoy mo eh yang nasa likod mo kasunod mo sa pila?". Tila binuhusan ako ng yelo sa kanyang sinabi at unti unting pumihit patalikod upang makita ang tinutukoy niya at ganun na lang ang gulat ko ng makitang nakatingin siya sakin gaya ng pagtingin niya kanina ng dumaan siya sa harap ko.Tila di ko alam ang gagawin ko kaya tumingin na lang ako ulit sa harap ng pila at tinalikudan siya. Parang sasabog sa kaba ang nararamdaman ko at napatingin ako sa mga kaibigan ko na nakangisi sakin tatawa tawa. Kinalma ko ang sarili ko at nagfocus na lang tumayo sa pila. Isat kalahating oras na kaming nakatayo at mahaba pa din ang pila.
Nasa ganun kaming sitwasyon ng may nagsalita sa likod ko kaya napatingin ako sa gawi niya.May kausap siya sa telepono kaya di ko mawari kung sino ang kausap. Siguro girlfriend niya. Nang tapos siya sa kausap niya tumingin uli siya sakin kaya ini iwas ko ang tingin at nagpanggap na nag mumuni muni.
Maya maya lang di ko na maayos ang pagkakatayo ko dahil sobrang ngalay na ng paa ko at ganun nalang ang gulat ko ng may nag abot sakin ng upuan. At nakita kong siya ang nag abot sabay sabing "upo ka muna at pag nakapahinga ka na ako naman ang susunod na uupo" sabi niya sakin. "Sige, salamat" iyon na lang ang nasabi ko at naupo na lang.
Nang umokay na ang paa ko binalik ko na ang upuan niya at naupo na din siya.
Ng naupo siya napatitig ako sa bawat kilos niya. Umupo siya na nakaharap sakanya ang sandalan ng upuan at yumuko. Siguro matutulog siya sabi ko s isip ko. Pero di man ganun katagal ang pagtitig ko sakanya ng bigla siyang magsalita. "Wag moko titigan umusog ka na sa pila " sabi niya. "sorry" sabi ko na natataranta naman ako kaya dali dali akong sumunod sa kaibigan ko na. malapit na registrar.Ng nakaupo ako sa harap ng counter. Nagtilian naman ang mga babae sa loob ng pumasok yung lalaking nasa likuran ko. At may babaeng lumapit sakanya na natataranta. "Sir sana hindi na kayo pumila at dumiretsong pasok na kayo, di niyo naman kailangan pumila para mag enroll" sabi ng babae. "ayos lang ako, pero sa susunod maglagay kayo ng upuan sa labas para sa mga estudyanteng nagpapaenroll." sabi naman neto. "sige po sir maglalagay kami" ani ng babae.
Ng matapos akong mag pa enroll tinignan ko ang schedule ng dalawa kong kaibigan at sa iisang subject lang kami mag ka-klase. " okay lang yan jennifer magkikita pa naman tayo araw-araw hahaha" sabi ni melody. " letse bat ganun kase di tayo mag ka block sa iba pang subject?" atungal ko sa dalawa. " sus kala mo naman mamatay ka, saka wag ka mag alala matalino ka kaya makakahanap ka makakaibigan mo hehehe" sabi naman ni badet. " sus tingin niyo ipagppalit ko kayong dalawa?" nakanguso kong sabi. "hahaha hindi, kaya nga magkikita pa tayo pag kauwian diba? Sabi ni badet. Hindi na ako sumagot kaya tinawanan lang ako ng dalawa hanggang sa makauwi kami.