SIMULA

3 0 0
                                    

"Why so kill joy Anaiz? Come on, enjoy!" napangiwi ako sa sinabi ng kaibigan kung si Vien na kasalukuyan akong niyayayang sumayaw.



"Sige lang Vien, wag mo 'kong pansinin"



Hindi na sumagot si Vien at niyaya na lamang na sumayaw ang isa pa naming kaibigan na si Summer. Naiwan akong mag-isa sa table dahil lahat ng mga kasama ko ay naroroon na sa dancefloor.



Well, I really want to enjoy this night dahil iyon naman talaga ang rason kung bakit kami nandito pero hindi ko alam kung bakit di ko magawa. Kung makikisali ako sa kanila sa pagsasayaw ay parang pinipilit ko lang na sumaya ang sarili ko. I don't know, I don't get myself, wala naman akong problema.



"Uh.. hi." inangat ko ang paningin ko at nakita doon ang isang matangkad na lalaki na bahagyang kinakamot ang ulo na tila ba'y nahihiya.


Mula sa mabilis at maingay na musika ay napalitan ito ng marahan at malambing na musika, ni hindi ko iyon napansin.



"May I have this dance?" ngumiti sya akin at inilahad ang kamay.



Tinanggap ko ito at sumama sa dance floor. Kitang-kita ko naman ang makahulugang ngiti ng mga kaibigan ko.



"Anaiz, right?" bahagya pa akong nagulat dahil sa pagkakaalam nya sa pangalan ko.



Hinapit nya ang baywang ko upang mas mailapit ang kanyang bibig sa aking tenga. Woah!


"Pano mo nalaman ang pangalan ko?"



"Sa ganda mong yan, hindi ka na dapat nagtataka kung maraming makaalam ng pangalan mo." kusang umikot ang mga mata ko, seems like some kind of playboy.


"Well I ask some of friends kung kilala ka, madalas kasi kitang nakikita dito. I'm Stevan Troy Sollestre by the way." tumango lamang ako, hindi ko na kailangang ipakilala pa ang aking sarili.



"You always here?" tanong nya ng marahil mapansin ang hindi ko pagsasalita.



"Kapag nagkayayaan lang"


"Do you and your friend have plan to go here tomorrow night, then?" tanong nyang muli.


I'm not dumb, I know his hitting on me. The way he talk and touch my waist, I know that.



Umiling lamang ako, mabuti na lamang at hindi na sya ulit nagsalita. Ganun parin ang posisyon naming dalawa, nakahawak ang kanyang kamay sa baywang ko at nakapatong ang palad ko sa balikat nya habang magkalapit ng sobra ang katawan namin.



Lumingon ako upang tingnan ang table namin ng mga kaibigan ko ngunit halip na doon matuon ang paningin ko ay nasalubong ko ang matalim na titig ng isang lalaki. Kahit malayo ay kita ko ang galit sa mga mata nito, nagtatagis rin ang kanyang mga panga na tila ba'y handang sumuntok kahit na anong oras.



"Anaiz?" nabalik ang atensyon ko kay Troy, siguro'y kanina nya pa ako kinakausap.



Masyado akong nalunod sa lalim ng titig ng lalaking iyon. Sino sya? Bakit parang nagagalit sya akin? Teka sa akin nga ba? Pero hindi ako pwedeng magkamali, sa akin sya nakatingin.



"Are you okay Anaiz?" tanong muli ni Troy


"Ah yes, sorry. Ano ulit yon?"


"Sabi ko kung okay lang bang makuha ang number mo, para ano... you know mas makilala natin ang isa't-isa."



"Ah yon ba, sure."



Tinanggal nya ang isa nyang kamay sa baywang ko upang kunin ang cellphone sa kanyang bulsa. Ngumiti sya bago ito ibigay sa akin. Akmang kukunin ko na ang cellphone nya para isave ang number ko nang may magsalita sa gilid namin.



A Priceless TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon