Bago kami nagtungo sa loob ng cinema ay bumili muna sila ng popcorns at drinks. Sa bandang likod kami umupo upang hindi masyadong masakit sa mata ang liwanang mula sa screen ng sinehan. Si Nika ay nasa kaliwa ni Kenezi at ako naman sa kanan, si Troy ay sa kanan ko. Napaggigitnaan nila akong dalawa.
"So how's school Anaiz? Noon pa lang naisip ko ng hindi malabong magkita tayo dahil nga iisang university lang ang pinapasukan natin" ani Troy sa kanan ko. Hindi pa nagsisimula ang Movie.
"Okay lang, actually medyo nagulat pa nga ako kanina. Masyado kasing malawak ang university kaya hindi ko inaasahan."
Kahit nakabaling ako kay Troy ay ramdam na ramdam ko parin ang matalim at malamig na titig sa aking kaliwa.
"Mukang hindi ako mahihirapang hanapin ka to ask you a date." tumawa sya at natawa na rin ako. He's so straightforward.
"Will you two stop talking? We're here too watch." inis na saway ng nag mamay-ari ng mga matang nakatitig sa akin.
"Chill dude, hindi pa naman nagsisimula."
"I don't care, just shut your mouth." walang pakealam na saad ni Kenezi.
Itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa palabas nang magsimula na ito. Ngunit kahit nakatitig ako sa screen ay hindi ko maintindihan ang pinapanuod ko, idiniin ko ang sarili sa upuan at marahang pumikit. Sa pagmulat ko ay hindi na ako nag-atubiling lingunin si Kenezi, I know he's staring. Yon ang dahilan kung bat hindi ako makapagfocus sa palabas, natutunaw ako sa mga titig nya.
Nakapatong ang ulo ng nakapikit na si Nika sa kanyang balikat, sa tingin ko ay natutulog ito. Ganoon ba karami ang naging lakad nila after school at ganon sya kapagod upang makatulog? If they went on a date then why do they have Troy with them?
"Wag mo 'kong titigan ng ganyan, baka makalimutan kong nasa sinehan tayo" mahinang sambit nya. Fvck!
Hindi ako umimik at muling itinuon ang atensyon sa palabas. Ilang beses pa akong napalunok dahil alam kung nakatitig na naman sya sa akin. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko ng maramdaman ang palad nya sa palad ako. Nagtataka akong tumingin sa kanyang ngunit nakatuon na ang tingin nya sa palabas habang hawak-hawak ang kamay ko. Hell! What is he doing?
Hihikitin ko na sana ang kamay ko nang tumunog ang cellphone kung saan. Nakita ko ang pagkuha ni Troy noon sa kanyang bulsa, tumingin sya amin saglit at nagpaalam na sasagutin ang tawag. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko, natatakot akong makita nya ang mga palad namin ngunit laking pasasalamat ko ng dumiretso na sya sa labas at hindi na muling bumaling sa amin.
"So you two, texting huh?"
Hindi ako nakakibo at hindi rin nakasagot agad. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at humanap ng mga salita upang may maibato sa kanya.
"So what? Wala akong nakikitang masama doon..." saad ko at nilingon sya.
"And you don't even care whoever I texted" dagdag ko.
Kitang-kita ko ang pagtagis ng kanyang bagang. He probably mad because of the way I talk, as if I care! Tiningnan nya ako gamit ang matatalim na titig at mtapang ko naman iyong sinalubong.
"I will accept your last fvcking sentence miss. And what did you say? Walang masama? Really Queen? He's hitting on you for God's sake!" tumaas ang tono ng boses nya dahilan kung bat napatingin ang ilang tao sa amin. Hindi ko inaasahan iyon.
Napalunok ako at tiningnan ang maamong mukha ni Nika sa balikat nya, natatakot na magising ito. I look like a damn third party here! A damn mistress!