It's been 4 days mula nung nakausap ko ang istrangherong lalaki na iyon sa labas ng bar. I was so shocked sa sinabi nya at nakita ko na lang ang sarili ko na nagmamadaling sumakay sa taxi. Narinig ko pa nga ang iilang mura nya bago tuluyang makaalis ang taxi na sinasakyan ko. I am not scared at all, it was just a little bit odd for me. Nakakagulat lg talaga. Sa loob rin ng apat na araw na iyon ay madalas ko ng nakakapalitan ng text message si Troy.
"Hoy Queen Anaiz Monticello andyan ka pa ba? Hello!" sigaw ng kaibigan kong si Summer.
Tiningnan ko lamang sya at inirapan. Sa aming magkakaibigan ay sya ang pinakamaingay at pinakajolly. Kung sa lalaki ay may tinatawag na playboy, si Vien naman ay playgirl. At ako ang pinakamaayos sa lahat, no kidding. Hindi masyadong maingay at di rin tahimik, I am into relationship pero hindi ganun kabaliw sa pag-ibig.
"Yang mata mo ha? Tara na kasi sa canteen, kanina ka pa tulala dyan e, gutom na kaya ako." ngumuso sya bago ako hilahin kaya nagpatianod na lamang ako.
Nang makarating sa canteen ay agad syang nag-order ng pizza, spaghetti, sandwich at dalawang soft drinks. Late na naman yata si Vien kaya't wala pa sya hanggang ngayon.
"Do you heard about the transferee?" tanong ni Summer habang kumakain ng pizza.
"Yup, ka-year natin sya hindi ba? I didn't saw her yet, though naririnig ko na maganda raw."
I've heard about the transferee at katulad namin ay 2nd year college din. Kung isang linggo pa iyon usap-usapan ay nakakapagtakang hanggang ngayon ay hindi pa iyon tapos.
"Hindi yon, yong bago. Senior." excited na saad ni Summer. May bago? Kaya pala.
Akmang magsasalita pa lang ako ng biglang lumakas ang bulungan sa loob ng canteen at ang ilan pa nga sa mga babae ay tumitili.
"Speaking..." kinikilig na sambit ni Summer habang nakatingin sa bandang likuran ko kung nasaan ang pintuan ng canteen.
Nilingon ko kung sino ang dumating na akala mo'y superstar kung pagbulungan at tilian ng mga babaeng istudyante. Lakas makateleserye ah, ano ka heartthrob? Ngunit pag lingon ko ay isang pares ng mga mata ang tumambad sa akin. Sht! Those eyes.
"Glad to see you again Queen." sambit nito.
Napalunok ako nang maamoy ang mabango nyang hininga dahil sa sobrang lapit ng mukha namin. Bahagya syang nakaliyad upang magpantay kami ang mukha naming dalawa. Ang matangos nyang ilong ay halos dumikit sa ilong ko. Fvck!
Marahan ko syang itinulak upang lumayo sa akin, napakaraming mata ang nanunuod sa amin. This will going to be an issue, lalo na't transferee sya at gumawa agad ng eksena.
"M-magkakilala kayo Anaiz?" napabaling ako kay Summer.
"Hindi ah! Nagkamali lang siguro sya, hindi ko sya kilala." bahagya pa akong tumawa para matabunan ang kaba.
"Pe-pero kilala ka nya, tinawag ka nya sa—"
"Dude nandito ka lang pala." isang panibagong boses mula sa pintuan ng canteen.
Naglakad ito patungo sa kinatatayuan namin at mariin akong pumikit. Ugh! What a scene...
"Anaiz? Oh great!" it's Troy. Agad nya akong niyakap, ngunit agad ding bumitaw.
Kahit hindi ko tingnan ay ramdam ko ang matalim na titig sa aking gilid. Bahagyang umubo si Summer dahilan kung bakit napatingin kami sa kanya.