CHAPTER 2: Ignored calls and moving on moments

189 0 0
                                        

MARA's POV

Nagising ako. Gabi na pala. Naiyak lang pala ako buong maghapon sa kakaiyak. Naalala ko mga bandang 2pm nung tawagan ko siya ng tawagan pero isang beses lang niya sinagot ang tawag ko.

Naiyak nalang ako nung narinig ko ang boses niya. Bumilis ang tibok ng puso ko na puno ng kaba at takot, sakit at hinagpis. Gusto ko siyang sigawan pero puro tanong ang lumabas sa bibig ko habang humihikbi.

"Ano ba pagkukulang ko sa iyo? Kahapon lang sinabi mo na mahal mo ako. Pero ano? Ngayon hihiwalayan mo ako. Saan ba ako nagkulang? May iba ka na bang mahal? Sabihin mo kung meron para medyo gumaan naman itong naramramdaman ko. Ano ba dapat kong gawin ha?" sabi ko.

"Hindi ka naman nagkulang. Pero ganito ata talaga, naguguluhan ako eh. At wala na ata akong nararamdaman para sa iyo. I need to find myself and it would be better I start finding myself by breaking up with you. I'm useless and selfish Mara. I've come to realize na ang sama sama ko sa iyo. You don't deserve someone like me na lagi kang sinasabihan ng masasakit na salita. So i-end na natin ito, thank you for being such a loving girlfriend Mara." sabi ni Drew.

Hindi na ako nabigyan ng chance na magsalita pa. He ended the call. I guess that's it. He left without having a proper closure between the two of us, to think na sa call lang siya nakipag break. Duwag! Yun ang masasabi ko sa kanya. 

After a few days, bumalik kami ng Manila. Hindi naman ganun kadali na makalimot so I ended up calling him. Nag riring naman phone niya eh, pero hindi niya sinasagot. I begged for him to stay even just for a while para makapag celebrate man lang ako ng New Year ng kahit papaano masaya kahit dito sa puso ko alam kong hindi na talaga ako mahal ng taong pinakmamahal ko. 

Pumayag siya sa naging desisyon ko. We'll make it up and fix those things na mali sa aming dalawa. He agreed na I'll help him find himself. Araw-araw naiisip ko narin naman na ang mangyayari eh, na magwawakas din ito. Na tuluyan kami magbbreak talaga na wala na akong magagawa kung hindi tanggapin ito.

Nagbreak kami eh. Sakit! Wala na talaga akong nagawa! Mission failed. Kailangan ko nalang mag move on. Hayyy. Ang daling isipin pero ang hirap gawin. Tsk. Magpapaka busy nalang ako sa school. At... at...

At...

Kailangan kong MAGPA GANDA. 

I Shall Return lang ang Peg ko! 

2nd year college, block section kami hanggang ngayon. At guess what? Elected secretary ako ng class. Ang hirap pero okay narin ito para maging busy. Kung dati limited lang ang iniikot ng mundo ko, ngayon medyo lumalawak na. May obligasyon na kasi ako sa mga kaklase ko eh pati sa professors syempre. Maganda narin yung ganito, at least may makakatulong sa pag momove on. 

Dumaan ang June ng mabilis ng biglang dumating ang month ng July!

Wala naman masyadong event noon sa UST except for the much awaited UAAP season for some girls. Hindi naman kasi talaga ako mahilig mag basketball, manood ng basketball, at ni isang UST basketball player eh wala akong kilala kaya di talaga ako nanonood.

Nanonood lang naman ako pag required sa PE namin o kaya required ng ibang professors with grade incentives. Kaya ako na ang hindi updated sa lahat ng bagay!

My FORTressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon