CHAPTER 4: Firsts

151 1 1
                                    

MARA's POV

Ang bilis ng araw. Malapit na magsembreak at dahil doon haharapin muna namin ang mala bagyong finals. Hirap muna bago saya ika nga ng iba. Malapit na mag birthday si KC.

Plans. Plans. Plans. Di ako makapag isip ng matino ngayon. Gumagawa ako ng summary para sa marketing, 18 chapters to be summarized tapos deadline na bukas. Ganito nga pala buhay ng isang estudyante ng Commerce na nasa 2nd year na, mararanasan mo na ang hagupit ng bawat major. Paano ko pagkakasiyahin ang oras ko para sa 20 chapters na exam ko bukas? Pero. Buti nalang may nagawa na akong reviewer a week ahead.

(KINABUKASAN)

Nagising ako ng 3.30am. May exam ako ng 7am. Marketing at Theology ang exam ko ngayon. Last day of finals na namin today. Kaunting kembot nalang talaga. Hindi ko nga pala natapos aralin yung Marketing kaya aaralin ko nalang yun habang nasa biyahe tutal 2 hours naman ang biyahe ko. Kaso lang habang nasa biyahe nakatulog ako. Idlip idlip hangga't sa may pumara sa UST.

Nagulat ako. Napalingon, UST 1st gate na pala. Oh noooo. Di na ako nakapag aral. Naglakad na ako mula 2nd gate sa Espana hanggang sa Commerce-AB Building, umakyat ng 4th floor. Doon kasi room ko since 1st year. Nakakapagod umakyat kaya punta muna ng comfort room para mag retouch retouch at mag pee kasi mahirap na baka sa sobrang kaba sa exam eh maihi ako habang nag eexam. 

Pumasok ako ng cubicle. Pinatong ang reviewer ko sa marketing sa parang maliit na table na mounted sa wall at sa itaas ng reviewer ay ipinatong ang bag ko. After ko gawin ang dapat kong gawin at paalis na ng cubicle, kinuha ko syempre ang bag ko.

BOOOOOOOOOOOOOOOM. BOOOOOOOOOSHHHHHH.

Napanganga akooooo. Napatingin sa inidoro. Nakakaiyak. Nakakadepress. Halos malaglag pati puso ko.

Bakit?

Yung reviewer ko. Oo, yung reviewer ko nahulog sa inidoro. Makulay pa naman yun at detalyado kahit summarized. Ang pinagpuyatan ko ng ilang gabi nawala parang bula. Wala pa naman akong dalang libro, hindi ko inaasahan ang ganitong mga pangyayari. </3

Pero wala na akong magagawa, andun na yun eh. Di ko naman na pwede pulutin yun. Pumunta na ako ng classroom, kaunti palang ang tao at mukhang pati sila naloloka dahil sa finals pero sa sobrang pagkaloka nagawa nalang namin na magkwentuhan kasi baka mas lalong ma mental block kung iisipin pa namin mga bagay bagay. Nakita ko ang dalawa kong barkada si KC at si Say.

"SAAAAAAAAAAAAAYYYYY, MARAAAAAAAAAAAAAAAAA... May ikkwento ako sa inyo. Grabe girls, kinikilig akooooooooooo." sabi ni KC

Sa isip isip ko panigurado lalaki nanaman yan. Yung Jeric lang naman bukambibig nun eh.

"Ano yun? Kwento daliiiii" sabi ni Say

"Wait. Hinga muna ako.... (Inhale) (Exhale)... Si Jeric Fortuna ang gwapo niya. Buff kung buff mga girls. Tignan niyo yung video nasa cellphone ko sumasayaw ng Teach me How to Dougie. Yung smile niya ehhhh nakakatunaw. Ta - ta  " nauutal na sabi ni KC

confirmed ang naiisip ko.

"TAPOS???????" Sabay naming sabi ni Say

"Tapos nakasabay ko siyang umakyat kanina. Ang bango bango niyaaaaaaaaa. I almost died." sabi ni KC

"OH EM. What a day for you girl. Sana ako rin. Papanood nga ulit nung video sa cellphone mo." sabi ni Say

Sabay nga namin na pinanood yung video. Naka isang nood lang ako pero sila paulit ulit hanggang  sa pumasok na yung prof namin sa marketing. Kilig to the max mga kaibigan ko to the point na hindi nila halos namalayan na pumasok si Sir. Iba na kasi mga tama nila doon sa Jeric na yun. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My FORTressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon