⚘ Chapter 2
Alfhea's Point of View:
"Hindi siya maaaring manatili dito!"
Dinig ko ang sigaw ng isang matandang opisyal kay lola. Nandito ako ngayun sa loob ng isang karwahe katabi ang isang babaeng opisyal. Kahit anong pihit ang gawin ko sa pintuan ay hindi ko ito mabuksan. Nakalock ito mula sa labas.
"Palabasin niyo ako!"
Saan ba nila ako dadalhin?! Hindi ako makakapayag na ilayo nila ako sa lola ko!"Kumalma ka Alfhea." Napatingin ako sa babaeng opisyal. Hindi niya ako pinipigilan sa aking ginagawa. Normal lang siyang nakaupo sa tabi ko habang hawak ang isang puting kutsilyo. Nilaro laro niya ito sa mga kamay niya dahilan para mapatigil ako at manood sa ginagawa niya.
"Matututunan mo din ito sa ating pupuntahan. Wag kana mag alala pa, makakasama mo din ang lola mo balang araw."
Ilalayo nga talaga nila ako! Pero bakit? Hindi ko maintindihan— wala akong maalala sa mga nangyare kagabi. Ang huling naaalala ko ay magkausap kami ni lola kahapon, noong umaga bago ako lumabas ng bayan...Oo tama lumabas ako ng bayan tapos, tapos wala na akong ibang matandaan.
Nagising ako at nagulat sa aking nasaksihan kaninang umaga. Umuulan ng nyebe sa buong bayan at balot ng yelo ang mga taniman. Tila isang imposibleng panaginip na biglang nagkatotoo.
May dumating na mga opisyal ngayung hapon lulan ng tatlong puti na karwahe. Sinalubong ko sila at kinausap nila ako tungkol sa nakita ko daw na kung ano kagabi sa labas ng bayan. Pero wala akong maisagot sa mga katanungan nila dahil wala akong matandaan.
Yun bang nakita ko ang dahilan kung bakit nawala sa isip ko ang mga nangyare kagabi? Hindi ko alam. Walang may alam. Sumasakit lalo ang ulo ko kakaisip.
Hinarap sila ni lola dahil sapilitan nila akong isinakay sa karwaheng ito. Nandito ako sa loob, walang magawa. Naghihintay na sana bawiin ako ni lola. Ayokong sumama kung san man nila ako balak dalhin! Ayoko malayo sa lola ko! Siya na lang ang meron ako. Ayokong pati siya ay mapalayo sa akin.
"Palabasin niyo ako pakiusap gusto ko makasama ang lola ko!" Di ko mapigilan maluha. Umaandar na ngayun ang karwaheng kinasasadlakan ko. Sa huling pagkakataon nasilayan ko si lola na nakaluhod sa malamig na nyebe kasama ang mga opisyal na nakatayo lamang habang pinagmamasdan ang paglayo namin. "Pakiusap opisyal! Nagmamakaawa po ako sa inyo. Ibalik niyo ako sa lola ko."
Nginitian ako ng babaeng opisyal na katabi ko chaka umiwas ng tingin. Parang Wala siyang pakealam.
Patuloy lang sa pag agos ang luha ko. Nalilito ako sa mga nangyayare. Bakit nila kailangan ilayo ako sa nag iisa kong pamilya...si lola ko. Lumaki ako sa isang normal na pamilya kaya hindi ko maisip kung bakit naging ganeto. Bakit nila ako ilalayo sa bayan na kinagisnan ko...ang bayan ng Fllames.
"Patungo tayo sa academia. Dun ka muna tutuloy at mag-aaral. Magiging isang opisyal ka din tulad ko. Wala sana akong balak sabihin sayo ito Alfhea, pero gusto ko maging handa ka."
Wala akong maintindihan sa mga sinabi niya. Iyak nalang ang nagawa ko buong byahe, hanggang sa makapasok kami sa masukal na kakahuyan.
Sobrang dilim. Sobrang lamig. Ilang minuto akong walang makita bago biglang nagliwanag ang paligid.
Isang bayan?
Isang bayan ang nasa gitna ng kagubatan. Tulad ng bayan ng Fllames. Kaunti lamang ang mga tao sa paligid. Ang pinag kaiba ay ang kanilang mga kasuotan at porma ng kanilang mga tahanan at gusali. Hugis Kabute na may iba't ibang kulay ang kanilang kabahayan. Napanganga ako dahil sa pagkamangha.