Chapter 1

12 1 0
                                    

Chapter 1

Alfhea's Point of View:

Pinunasan ko ang luha na tumulo sa aking mga mata. Nakakaiyak ang nangyare sa kwentong binabasa ko. Di ko mapigilan malungkot.

Nakakainis bakit kailangan may mamatay! Bakit kailangan meron magsakripisyo?! Napasinghap ako at sinarado na ng tuluyan ang libro.

Isang araw na naman ang natapos. Isang kwento na naman ang natapos ko. Tumayo na ako sa pagkakaupo ko dito sa tabing dagat at pinagmasdan muna ang sunset bago umuwi.

Napakaganda. Napamaang ako sa aking nakikita. Pula ang langit animo'y naglalaban ang liwanag at dilim. Pero sa huli, nanaig parin ang kadiliman, tulad ng kwento na nabasa ko.

Still a happy ending for the vallain.

Nakasanayan na palaging bida ang palaging bida. Palaging panalo, palaging happy ending. Pano naman ang kontrabida? Deserve din siguro nila sumaya?

Hays masyado na akong nahumaling sa pagbabasa. Siguradong hinahanap na ako ngayun dahil madilim na. Kailangan ko ng umuwi. Maliwanag ang buwan kaya walang pangamba kong tinahak ang masukal na gubat pauwi samin. Malamig pero walang hangin. Wala akong sapin sa paa kaya ramdam ko ang paninigas ng aking binti dahil sa lamig.

Umakyat ako sa isang sanga ng puno at naupo muna. Mataas ang puno kaya kita ko dito ang liwanag mula sa bayan. Nasa labas ako ng bayan dahil gusto ko tumambay sa tabing dagat buong araw at magbasa. Madalas akong lumalabas ng bayan kapag gusto ko mapag isa at malagay sa tahimik. Sa tabing dagat palagi ang punta ko.

Maraming tao ang nakapaligid ngayun at may daladalang mga sulo. Sa palagay ko mga opisyal sila ng bayan dahil mabibilis ang pagkilos nila parang hindi normal na tao. May iilan sa kanila na nakatayu sa mga bubungan ng kabahayan.

Anong nangyayare? Parang may hinahanap sila. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng takot.
Mas tumindi ang lamig. Umuusok na ngayun ang aking paghinga.

"Anong ginagawa mo diyan binibini?"

Napatingin ako sa paanan ko. Kahit madilim naaninag ko ang lalakeng nagsalita. Nakasandal lang siya sa puno at malayo ang tingin. Hindi ko alam kung ako ba talaga kinakausap niya. Baka di niya lang ako nakikita at may iba siyang tinutukoy.

"Nakikita kita at ikaw ang tinutukoy ko." Tumingala siya sakin at ngumiti.

Narinig niya ba ako?! Hindi naman ako nagsalita? Imposibleng mabasa niya ang isipan ko.

"Narinig man kita o hindi sagutin mo ang tanong ko."

Hindi ko alam gagawin ko at sasabihin sa kanya. Una hindi ko siya kilala, pangalawa anong ginagawa niya dito sa labas ng bayan eh' gabi na, at pangatlo aswang ba siya! Baka nga aswang siya! Nababasa niya isipan ko, parang yung sa mga kwentong nabasa ko.

"Hindi ako aswang! Masyadong halata sa mukha mo ang iyong iniisip. Wala akong balak na masama sayo. Hindi ka kaibig ibig." Sigaw niya. Ano daw?

"Bumaba kana diyan. Delikado kapag nagtagal kapa dito sa labas ng bayan."

Sinunod ko na lamang siya chaka wala naman daw siyang balak na masama sakin kaya bumababa na ako. Kapanipaniwala naman ang seryoso niyang mukha.

Pero isa talaga akong tanga! Literal na tanga. Napakatanga.

"WAHHHHH!" Dumulas ang kamay ko kaya deretso akong bumagsak sa lupa. Hindi tulad ng mga nabasa ko, walang prinsipe na sumalo sakin. "Aray!" Nauna pwet ko.

Buti nalang madamo kaya hindi sobrang masakit ang pagkakabagsak ko. Pero parang binalutan ng yelo ang damo. Parang dinaanan ng kung ano...

"Sabi ko bumaba hindi magpakamatay." Ganon parin ang pwesto niya nakasandal sa puno at nakatingin sakin. May suot pala siya na puting maskara kaya tanging ngiti niya lang ang makikita. Mahaba ang kulay abo niyang buhok. Puti din ang kasuotan niya, pati sapatos. Sa palagay ko kasing edad ko lamang siya dahil mahahalata sa boses niya.

Chasing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon