Sa bawat pagpatak ng ulan
Ay ang pagbuhos ng luha ng pusong iniwan
Labi na dati'y nagtataglay ng ngiti
Ngayon mundo'y nabalot na ng pighati
Mga hikbi na pinipilit ikinubli
Dahil sa mga salitang sa puso mananatili
Kalimutan ka man ay mahirap gawin
Pero alam kong ito'y makakabuti sakin
Bakas ng sugat mahirap man pagalingin
Pagkawala mo'y dapat nang tanggapin.
Hanggang sa muli,
- M.S.J.
YOU ARE READING
Quill and Spilled Ink
PoetryCollection of poems that I've made. // Koleksyon ito ng mga tulang isinulat ko.