Sa susunod na habang buhay

146 2 0
                                    

Sa taong isang libo walong raan at syamnaput dalawa nagsimula ang istoryang ito

Sa di inaasahang oras at panahon, darating ang di inaasahang tao at isang kwento ang mabubuo

Namuhay ako sa makalumang panahon ng ilang buwan

Tinalikuran ang mundong nakasanayan

Dito ako labis nakadama ng labis na saya at tawa

Hindi ko lubos maisip na kalakip pala nito'y pagpatak ng luha

Kahit na sa nakaw na sandali lang kita nakasama

Pagkakataong ito'y sapat na upang mahalin kang tuwina

Lumipas man ang ilang mga dekada

Pagmamahalan nati'y sariwa pa rin sa ala-ala

Ala-ala mo'y mananatili parin sa puso ko
hanggang sa matapos ang istoryang ito

Sa mundong mapaglaro, nagkasalubong lang tayo pero hindi nagkasabay

Ngunit panalangin ko sa sana sa susunod na habang buhay
Mayroon ng ikaw at ako na magkahawak kamay.


AN:// Ang tulang ito ay isinulat ko hango sa mga karakter ni Binibining Mia na sina Carmela Isabella at Juanito Alfonso mula sa istoryang I love you since 1892.

Quill and Spilled InkWhere stories live. Discover now