Chapter 3

1.6K 53 1
                                    

"Yes po Mommy, sige po sabihin ko kay Shawn, pag uwi n'ya d'yan po kami mag di-dinner," sabi sa Mommy n'ya, nang tawagan ito at sabihin nasa mansyon na s'ya ng mga Alvarez.

Agad naman s'yang niyaya ng Ina na doon na daw sila mag dinner ni Shawn mamaya sa bahay nila, dahil wala naman alam ang mga ito sa estado ng pagsasama nila ni Shawn, kaya ganoon nalang ang pag-aakala ng mga ito na nasa mabuting kalagayan s'ya, na masaya s'ya sa piling ni Shawn, at normal ang pagsasama nila bilang mag-asawa.

Ang alam ng lahat maayos ang pagsasama nila bilang mag asawa ni Shawn, kung bakit nasa Canada s'ya ay dahil nais n'yang maipag patuloy ang pag-aaral n'ya, at sangayon naman si Shawn roon. 'Yan ang alam ng lahat, pero ang hindi nila alam, pinatapon s'ya ni Shawn sa Canada matapos ang kasal nila, sa mismong gabi ng kasal nila. Sinabi ni Shawn  na mas makakabuti sa kanya na lumayo muna s'ya, bago s'ya nito masaktan physically, sakit diba? Pero wala naman s'yang magagawa kasalanan n'ya ang lahat.

Sa pananatili n'ya sa Canada si Shawn lahat ang gumagastos. Bahay, pagkain, kotse, tuition sa eskwela pati na allowance. Walang pagkukulang sa kanya si Shawn pagdating sa pera, pero sa loob ng tatlong taon n'ya sa Canada ni minsan hindi s'ya pinuntahan doon ng asawa, at ni minsan hindi s'ya nito kinausap o kinamusta. Tanging Secretary lang nito ang nakakausap n'ya, atang Secreatary  din nito marahil ang nag-aasikaso sa mga pinasyal na pangangailangan n'ya, para s'yang pinaliliguan ni Shawn sa pera, para itong walang pakialam kung ano man ang gawin n'ya sa mga ibinibigay nitong pera, sa ganoong bagay wala s'yang mapipintas kay Shawn. Kung sa bagay barya lang naman rito ang mga ginagastos nito sa kanya, sa laki ng kayamanan ng pamilya Alvarez na tanging si Shawn lang ang mag mamana pagdating ng panahon.

"Paano ko kaya sasabihin kay Shawn?" Kagat labing tanong n'ya sa sarili. Bumuntong hininga s'ya at nagpalakad-lakad sa malawak na silid ni Shawn, na ngayon ay silid na nila bilang mag-asawa.

"Baka magalit sya? Ano ba yan Hainna?" Maktol n'ya at ginulo ang mahabang buhok. Napatingin sa salamin, lumapit s'ya sa malaking salamin at sinuri ang sarili. Nakasuot s'ya ng maong pants, white sando top at leather jacket na kulay biege, naka high heels pa s'ya. Masasabi n'yang maganda naman s'ya, pero bakit parang hindi man 'yon napapansin ni Shawn? Kanina ni hindi man s'ya nito tinignan o tila wala man lang dating sa kanya ang ganda n'ya. Gumanda pa nga s'ya lalo sa Canada, dahil maganda ang klima roon isa pa 21 years old na s'ya kaya nag iba na rin ang katawan n'ya. Mas maganda na ang katawan n'ya kesa noong 18 palang s'ya. Dahil nagkalaman na ng konti at nagkaroon na ng shape, isama pa ang magandang asset n'ya ang mga dibdib n'ya, na may magandang hubog.

Sa Canada maraming nanligaw sa kanya. Pero lagi n'yang sinasabi na kasal na s'ya at pinapakita ang wedding ring na suot. Maraming hindi naniniwala dahil napakabata pa daw n'ya, at ni minsan wala pa daw silang nakitang kasama n'ya. Sinasabi nalang n'yang isang businessman ang asawa n'ya at busy sa mga negosyo, 'yon naman ang totoo.

"Get Dress Hainna, ipakita mo sa asawa mo kung ano ang binabalewala n'ya," bulong n'ya sa sarili, at ngumiti.

Mabilis n'yang kinuha ang maleta at naghanap ng maisusuot sa bahay ng mga Alvarez. 'Yung ka akit-akit at lulutang ang ganda n'ya, para naman mapa isip si Shawn.

Matapos makapamili ng isusuot agad na s'yang nagtuloy sa banyo. Nagbabad muna s'ya sa bathtub para mawala ang tense sa buong katawan at ma relax sya, halos trenta minutos din s'ya sa banyo. Nang paglabas n'ya nagulat pa s'ya ng makita si Shawn sa loob ng silid.

"Oh god!" Bulalas n'ya sa gulat, nang makita si Shawn sa may tokador may hinahanap sa drawer. Liningon s'ya nito at muling binalik sa drawer ang mga mata.

"Kanina kapa d'yan?" Alanganing tanong n'ya, habang mahigpit ang hawak sa tuwalya na s'yang tanging tumatakip sa katawan n'ya, tmutulo rin ang basang buhok n'ya sa sahig.

"Ano naman ngayon kwarto ko to," malamig na sagot nito. Hind man s'ya linilingon nito. Napasimangot s'ya at hindi alam kung ano ang gagawin, kung babalik ba s'ya sa banyo at magbibihis na, o hayaan si Shawn na naroon. Napakagat labi s'ya, dahil tila hindi pa tapos ito sa kung ano mang hinahanap o ginagawa sa drawer.

Lumakad s'ya palapit sa kama kung saan nakalatag ang mga damit n'ya at undies na isusuot.  Naisip tuloy n'ya kung nakita ba ni Shawn ang undies n'ya sa kama kanina. Malamang nakita nito, may naramdaman kaya ito? Tanong n'ya sa sarili. Kinuha ang isang towel para ilagay sa basang buhok n'ya, habang ang isa ay nanatiling nakabalot sa katawan.

"Shawn tumawag pala si Mommy kanina, nagyayayang doon nalang daw tayo mag dinner," nakuha n'yang sabihin dahil hindi alam kung paano magbibihis.

"Why?" Tanong nito at naupo sa kama at liningon s'ya. Kinabahan s'ya ng mapatingin sa kanya si Shawn, humigpit ang hawak n'ya sa towel.

"They want to see us,"

"Sinabi mo na pumayag ako?" Nasa tono nito ang inis.

"Ah, yes," alanganing sagot n'ya. Napahawak s'ya sa dulo ng tuwalya, sa may dibdib n'ya. Napansin n'yang sinulyapan ni Shawn 'yon. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib n'ya.

"Do I really need to do this? Ang magpanggap sa pamilya mo?" Tanong nito sabay tayo sa kama. Humakbang palapit sa kanya.

"Kung ayaw mo magdadahilan nalang ako,"

"Anong idadahilan mo?"

"Na well- we're busy and- and- we want- to spent our time-together," nakuha n'yang sabihin kahit kinakabahan. Nakita n'yang ngumisi ito at lumapit pa lalo sa kanya.

"Spent time together eh," tuya nito. At huminto sa harapan n'ya. Lumakas ang kabog ng dibdib n'ya. Hiling n'yang sana huwag nitong marinig.

"Hainna, Dela Serna Princess eh," bulong nito, at hinawakan ang baba n'ya. Tinaas nito 'yon para magpang abot ang mga mata nila. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib n'ya. Pakiramdam n'ya  sasabog na. Lalong humigpit ang hawak n'ya sa tuwalya, dahil kahibla lang ang layo nila ni Shawn sa isat-isa. Amoy na amoy n'ya ang mabangong pabango nito.  Nakakalasing ang amoy, isama pa ang mainit na hininga nitong dumadampi sa mukha n'ya, mas lalong nakakalasing.

"The spoiled litte princess," nakangising dagdag pa nito.

"Shawn," nakasimangot na tawagn'ya. Dahil ayaw na ayaw n'yang sinasabihan s'ya ni Shawn na spoiled nasasaktan s'ya kahit papano.

"Umuwi ka ba dito sa San Miguel dahil na bored ka na sa mga nakikilala mong lalaki sa Canada?" May talim sa tono nito napakunot noo s'ya.

"Ano bang pinagsasasabi mo?" Inis na tanong n'ya, at inalis ang kamay nito na nakahawak sa baba n'ya.

"Why? Are they not satisfied you enough? Na bored kana ba sa kanila?" Tanong nito. Habang sinusuri s'ya mula ulo hangang paa. Nanginig ang buong katawan n'ya. Dahil sa kakaibang tingin nito sa katawan n'ya, tila ba nandidiri ito o ano man.

"Bumalik ako dahil gusto ko," inis na sagot n'ya, at nilagpasan n'ya ito. Hinila ang undies at damit sa kama.

"I see, bumalik ka para sa akin ka naman makipag laro?"

"What?" Inis na tanong n'ya, at liningon ito na nasa tabi na pala n'ya. Mabilis s'yang hinapit nito sa bewang, napatili s'ya.

"Shawn! What are you doing?" Tili n'ya, habang pilit kumakawala sa pagkakahawak nito. Nanlaki ang mga mata n'ya nang malaglag ang tuwalya na tumatakip sa katawan n-ya. Nanlalaki ang mga matang napatitig s-ya kay Shawn, na sa na exposed n'yang mga dibdib nakatingin, nakita n'yang napalunok ito, nakita n'yang gumalaw ang adams apple nito.

So ayon nga, hindi immune sa kanyan si Shawn. May pagnanasa rin sa kanya ang asawa. Lihim s'yang napangiti at kinasaya ang nangyari dahil nakuha n'ya ang atensyon ni Shawn. Hindi naman s'ya tututol kung nais ni Shawn na may mangyari sa kanila, handa n'yang ibigay ang sarili kay Shawn ng buong pagmamahal.

"Ano ba?" Kunwari'y inis na sabi n'ya, at tinulak ng bahagya si Shawn, habang titig na titig pa rin sa katawan n'yang hubad. Dinampot n'ya ang tuwalya at mabilis na tinakip sa katawan 'yon. Nakita n'ya ang pag hugot ng malalim na paghinga ni Shawn. Lihim nanaman s'yang natuwa, dahil alam n'yang may kakaiba ding naradamdaman si Shawn sa kanya.

"Magbihis ka na, pagkatapos bumaba ka," utos nito sa kanya, bago tumalikod. Naglakad patungo sa pinto at tuluyan ng lumabas ng silid.

 Mrs. Alvarez ( Available on Dreame ) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon