Chapter VI

12 2 0
                                    

Remson's POV

"Dre tara baba muna tayo, vacant yung unang sub eh, canteen muna tayo hindi ako nakapag-almusal sa bahay kanina" yaya ko kay Ein na kasalukuyang may isinusulat sa notebook niya.. Assignment yata.

"Mukhang badtrip yata Rem" usal ni Kai na bahagya pang tumingin kay Ein.

Sinipat ko ang kabuuan ng mukha niya at mukhang badtrip nga ang Mr. Nemo namin..

Anong nangyari diyan? Ok naman kanina yan ah?

Napatigil ako sa pagsipat sakanya nung bigla siyang tumayo at tiyaka nagyaya..

"Tara gutom na din ako"

usal niya kaya sumunod nalang kami ni Kai..

Hindi kami nag-iimikan hanggang sa marating namin yung hagdanan.. Bahagya pa akong napaurong dahil sa nakita kong makakasalubong namin..

YUNG KAAWAY NI EIN!

"Oh ow" usal ko nang biglang mag-angat ng tingin sa kanila si Ein, bahagya din na umangat ng tingin yung babae na kaaway niya samin..

Tensyon ang namumuntawi sakanilang dalawa... TITIGAN palang yan!

"Tara na Ein, baka magka-war nanaman dito" singit ni Kai dahil alam kong nararamdaman niya din yung tensyon..

Akala ko pa ay susunggaban na din yung babae pero iniwas niya ang matalas niyang tingin dito at tiyaka nilampasan lang niya ito kaya kami naman ay sumunod lang din sakanya..

Kabadtrip lang dahil mukhang kaibigan sa kaibigan ang magaganap na away pag nagkataon dahil kasama din ng babaeng kaaway ni Ein ang babaeng mala-Vegeta kung manghamon ng away kanina don sa labas.

'Inaasar ko lang naman siya eh at aatras naman talaga ako pero bakit ganon nalang kung makapaghamon siya ng away?, napaka-brutal, and weird'

Nakaabot kami pare-pareho sa canteen ng walang imikan.. Ewan ko ba dito kay Eirecson ang panget-panget ng araw ngayon para sakanya..

Puwesto kami sa dati naming table at tiyaka agad na lumapit si Kai sa counter para umorder ng kakainin namin.. 'He know's what our favorites ^_^'

Pagkaalis ni Kai ay agad kong tinignan si Ein pero wala talagang nag bago sa emosyon ng mukha niya... BADTRIP talaga!

"E-Ein what's goin' on?, bat parang pinagsakluban ka ng langit at lupa?" lakas loob ko ng tanong sakanya kaya nilingon niya ako tinignan sa mata."Si Kuya"

Kuya? Eh nasa US kuya niya nag-aaral ah? Anong meron? Ohh baka..

"Naaksidente ba? Namatay ba? ha dre?" pasigaw ko ng tanong sakanya kaya medyo nag tinginan na din ang ibang students samin..

"Sana nga Rem.. pero hindi eh... BUMALIK pa yung gunggong dito! At dito pa nag-enroll ang kupal!" gulat naman ako sa isiniwalat niya.. "Ha, e di ba nasa US na mag-aaral yun? eh bat naisipang bumalik?" tanong ko pa ulit.. "Yun nga din ang ipinagtataka nila Mom, Dad and even Lolo settled na siya sa US pero bumalik-balik pa talaga dito yung gunggong!" inis na wika niya pa at tiyaka tumingin sa ibang direksyon..

Maya-maya pa ay nandiyan na si Kai kasunod ang order niya para samin..

"Nice Kai! ansarap talaga pag libre" ngingiti-ngiti ko pang usal habang kumakain..

"Diyan ka naman magaling eh diba?"

"Eto di mabiro, babayaran kita wag kang ano diyan"

"Laklakin mo nalang yung pang bayad mo Remson"

Tss. Sarcastic.

Natapos ang almusal na yun na kahit isang salita kay Ein ay wala kaming naririnig.. Tssk! ayaw niya talaga sa kuya niya.. Palagi kasing nalalamangan eh.. Palaging sa kuya ang papuri kaya ayaw na ayaw niya sa kuya Eiaptos niya..

Beautiful DisasterWhere stories live. Discover now