Chapter VII

11 1 0
                                    


Ein's POV

'Because she is my EX girlfriend'

'Because she is my EX girlfriend'

'Because she is my EX girlfriend'

'Because she is my EX girlfriend'

Parang sirang plakang nagpaulit-ulit sa tenga ko ang huling katagang yun na sinabi ni kuya..

All this time? ang kinaiinisan kong babae ang pinaka kinababaliwan ng kuya ko noon? Now this is a totally bullshit! Paano ako makakabawi nito sa Disaster na yan kung dito mag-aaral ang kuya ko?

"Ein? napatulala ka diyan?" biglang usal ni kuya pero hindi ko na siya pinansin at tumungo na ako sa table namin nina Kai... Kahit yung kambal ay parang natameme dahil hindi din nila alam na may relasyon pala noon ang kuya ko  at ang disaster na yun!

"Oh? Mukha mo nananaman bro!" si Remson

"Anong nangyari don?" biglang turo ni Kai sa table nong Disaster.. kaya tinignan din yun ni Rem.

"Si Kuya" sabat ko.

"Oh nandito ba sa school kuya mo?" takang tanong ni Kai..

"Yes Kai, and he is there..." tinuro ko ang table nong Either daw.. "At ang masama pa.. Ex niya ang kaaway ko!" nanlaki ang mga mata nila dahil sa isiniwalat ko..

"For real bro?!" hindi makapaniwalang tanong ni Rem.

"Yes bro, kaya mahihirapan ako na kantihin yang babaeng yan!"

"Tss yan kanananaman eh.. I said stop na diba Ein? Wala na dapat kasunod yung Syrup! Oh sige sabihin na nating kulang na kulang pa ang mga yun pero paano mo gagawin kung nandyan na ang kuya Eiaptus mo? Tell me Ein paano?" mahinahon pero seryusong usal ni Remson..

Paano nga ba?

"Tama na yan dre! Mag-sorry kana" bigla namang singit ni Kai kaya sinamaan ko siya ng tingin..

"Sorry? Wala yata sa bokabularyo ko yan Kai and you know it!" bulyaw ko sakanila at tiyaka tumayo at lumabas na ng canteen.

Nakakaasar. Nakakabanas. Bat si Kuya pa?

Nakakagulat lang dahil all this time? Yung Either na kinaiinisan ko ang siyang kinababaliwan at binalikan ni Kuya?!

Pakshet! Pano pag nagsumbong yun? Pero mukhang malabo dahil may nakakapit na kayabangan sa katawan non'...

"Recson!" biglang may tumawag sakin kaya nilingon ko ito..

SI KAI

"Bakit ka nandito? sasabihin mo nananamn bang humingi ak ng sorry dun sa DISASTER nayun?"

"Wait what did you say.. DISASTER? hmm mukhang magandang disaster ang nahanap mo!" sarkastiko pa niyng usal at nginiwian ko lang siya.

'Tss yun? maganda?  Eh kahit langgam hindi magugustuhan ang isang yun eh'

"Oh bakit ka ba kasi nandito?!" inis nang tanong ko... Gusto ko kasi talagang mapag-isa eh..

"About that.. hindi na namin sayo sasabihing manghingi ng sorry gusto lang namin na itigil mo na ang pangbubully mo kay Either lalo na ngayong nandyan na ang kuya mo"

"Oh e ano naman kung nandyan ang kuya ko? unless gusto kong saktan ang babaeng yun SASAKTAN ko siya and you can't do anything about it" inis pang usal ko pero sa totoo lang? hindi ko alam kong pano ulit sasaktan ang babaeng yun! Mas lalo lang ako naiinis sa'kanya.. "Ikaw ang bahala, binalaan na kita, MAY KAKAIBA kay Either, Ein, look hindi ka ba natakot sa banta niya nong nasa canteen tayo nong araw na binuhusan mo siya ng choco syrup?  Ein dun palang dapat ka nang matakot dahil ako? TAKOT na ako don, kaya kung ayaw mong may mangyari sa'yo o sa'tin TIGILAN mo na ang kahibangang to'!" mahinahon ngunit seryuso ang bawat katagang binibitawan niya.. I KNOW galit na siya pero hindi niya pinapakita sakin..

"I think Im done here" usal niya pa bago niya ako talikuran sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.. GOD HE's mad... and this is the first time na nagalit siya sakin..

'Either! tingnan mo ngayon ang ginawa mo!'

Tinignan ko ang relo ko at napagtanto kong ilang minuto nalang at mag-uumpisa na ang panghapon na subjects namin kaya dali-dali kong kinontak ang number ni Remson pero WALANG sumasagot! Fvck! baka pati siya ay galit sakin? Arrgh! Tinago ko na lang ang phone ko at tiyaka pumunta sa locker area..

Malapit na ako sa locker area ng bigla akong may narinig na parang may nag-aaway..

"Papansin ka rin eh no? Bat ba ang lakas ng loob mong ganonin si Eirecson huh?" mataray na usal nito sa kausap niya.. At tiyaka bakit AKO?

"Oh hindi ka na makasagot ngayon?! MAYABANG ka diba? ngayon mo ipakita ang yabang mo EITHER!" si Either! bakit sila nag-aaway dito?

"Gusto mong ipakita ko sayo ang yabang ko?" hindi ko nakikita ang ekspresyon ng mukha ni Either pero ramdam mo ang pagkasarkastiko ng tono niya.. Bahagya pa akong umusog para makita sila..

Nakatalikod sakin si Either at ang babaeng kasagutan niya ang nakaharap sakin.. na kung hindi ako nagkakamali ay Roxanne yun..

"Gusto mong ilabas ko ang demonyo sa loob ko?" lumapit pa ng bahagya sakanya si Either habang siya naman ay umatras na patalikod.. "Aabang-abang ka dito sakin nang hindi handa? tapos sasabihin mong ilabas ko ang yabang ko? sige pagbibigyan kita" hindi parin sila tumitigil umaabante si Either habang si Rox naman ay umaatras... konti nalang at pader na ang nasa likuran ni Roxanne at kung hindi pa to matitigil ay siguradong corner ang aabutin niya..

Seryuso ang mga katagang binibitawan ni Either.. Halata sa tono niyang nanggigigil siya sa ginawang pag-abang sakanya ni Rox..

'Napatulog ako ng babaeng yan sa isang suntok lang how much more si Rox?' 

God kinakabahan ako sa posibleng mangyare.. at wala akong magawa dahil kahit ako ay takot sa ginawa ni Either sakanyan..  Ni hindi ko nga magawang labanan ng titigan ang babaeng yan eh.. Nakakatakot!

"Ano bang gusto mong mangyari ngayon ha babae? at lakas ng loob mo para harangin ako dito?" hindi na talaga siya matigil .... nakakuyom na din ang kamai niya..

'Ein ano na tulong na!' 

sigaw ko sa isio ko pero kahit ako ay hindi na makagalaw sa kinatatayuan ko..

"I-itigil mo lang ang gi-ginawagawa mo k-kay E-Ein yun l-lang!" bat ba kasi ako? kaya ko naman sarili ko eh!

Napasandal na si Rox sa pader kakaatras niya...

"Punyetang dahilan yan!" sigaw niya na biglang sinuntok ang pader malapit sa mukha ni Roxanne... Whoa?! kahit ako ay nagulat sa ginawa niya! Ang lakas ng pagkakasuntok niyang yun at halatang naggigigil siya..

"Sa susunod na harangin mo ako at ganyan pa rin ang rason mo... hindi na ako magdadalawang isip na idikit sa mukha mo ang kamaong to'... Naiintindihan mo babae?" hindi na nakagalaw pa si Roxanne sa kinatatayuan niya habang si ang kamao ni Either ay nandon parin sa pader nakadikit...

DAPAT KO NA BA SIYANG katakutan?

Pero bakit ako matatakot?

Hindi! Lamang pa rin ako.. at mas lalamang pa rin ako...

_______________

CHAPTER 7 done..

Happy Reading Servanties!

Unti-unti nang nagpapakilala si Either kaya tutok lang kayo..

Vote and Comment are highly appreciated❤

Beautiful DisasterWhere stories live. Discover now