Four

202 19 12
                                    

A/n:  Yiikes! Tulad ng dati super thanks sa mgaNAGVOTE at COMMENT.  *kailangan na ka Capslock? hahaha*  Hindi ako nakapag upload kahapon kasi Busy busy han ang peg ko haha.

 Dedicated ko naman to kay Ate Alyloony :D 

Vote and comment…

BLAINE------------------------------------------------------------------------------------> 

                                                                      CHAPTER FOUR

 NAOMI POV

Pero hindi pa man din ako tuluyang nakakababa nung maabutan nya ko. “Got yah, akala mu ba makakatakas ka?” nakasmirk na sabi nya. Sabay hila sakin pababa.

“lampas na tayo sa room” nagpapanic na dagdag ko. Pero hindi siya sumagot.  Tiningnan nya lang ako at ngumiti ng isang devil smile.

“mapapagalitan tayo!” parang naiiyak kong sabi. ‘Never akong nagcutting. As in never talaga.’

“screw them” sabi nya lang. Sabay hila ulit sakin  napahinto lang kami sa corridor nung may nakasalubong kaming estudyante.

“Ate Naomi san kayo pupunta?” tanung nila pero kay Blaine naman nakatingin.

“Anu kasi-“

“Ms. Albert bat nasa labas kayo ng gantong oras? Wala ba kayong klase?” dagdag pa na tanung nung guidance counselor naming na si Mam. Mellissa. ‘hala na’

“Anu po kasi ehh anu..-“

Hinintay nila yung sagot ko. Hindi ako magaling magsinungaling kaya napapikit pa muna ko saglit at nagtuluyan  na yun nung biglang maramdaman ko yung pagtuhod sakin ni Blaine kaya muntik na kong matumba sa harap nila Mam. Mel kungdi nya ko bigla ring inalalayan.

“nahihilo kasi siya Diba Naomi? Masakit yung ulo mu” nangchacharm na sabi ni Blaine sa kanila. ‘pero syempre ako lang ang nakapansin nun.Ni walang ngang nakapansin nung kaninang ginawang stant ni Blaine!’

At ganun ganun lang din napayagan na kaming umuwi..

-=-=-

Pagkadating namin sa bahay nya. Nagdidirediretso kagad sya sa loob. Binaba nya sa sofa yung bag nya at nagpunta sa kusina. Bubuksan pa lang sana nya yung ref nung Makita nya ako na pinapanuod siya

“what?” tanung nya.

“nasan yung magulang mu?” Tanung ko. Kahapon ko pa kasi napansin na wala man lang siyang kasama dito bukod sa dalawang katulong nya.

“nasa korea” teka galit ba siya? Bat parang galit yung tono nya sa sagot nya.

“Pareho? Kaya ba hindi ka natatakot na gumawa ng kalokohan kasi nasa ibang lugar sila?.” Dirediretsong tanung ko. ‘nakakacurious naman  talaga kasi diba?’ Padabog nyang binaba yung mineral at nag glare sakin.

“You don’t know the SHIT that happened to me..!!” Lumapit siya sakin saka ako sinandal sa pinto na kinatatayuan ko. Napapikit ako nung itaas nya yung kamay nya. Akala ko susuntukin nya ko pero hindi,yung pinto yung sinuntok nya ng malakas

“I’m sick of everyone..”galit pa din na sabi nya. Kasabay ng malalim na paghinga. Dinilat  ko yung mata ko at tumingin sa mukha nya. ‘he looks so broken’.  Pero nung magkatitigan na kami agad din nagbago yung expression nya at tumalikod.

I'm the Heartthrob Slave! *note the sarcasm*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon