Part 2

3.8K 133 15
                                    


MULA nang may mangyari sa kanila ni Mike ay palagi na siyang isinasama nito sa mansyon ng mga ito sa White Plains. Minsan ay ayaw niya dahil natatakot siyang matahin ni Mama Sylvia. Ayaw niyang isipin nitong oportunista siya. Pero kung tutuusin, wala naman siyang dapat ikahiya sa pamilya niya.

Head architect sa isang malaking architectural firm ang kanyang ama noong nabubuhay pa ito. Nang mamatay ito, sa kanilang mag-ina naiwan ang proceeds ng insurance nito na hindi rin biro ang halaga. Naka-time deposit iyon at mapapasakanya pagdating niya sa edad na beinte-sais. Ang mama naman niya ay manager ng isang commercial bank.

Sa standard ng iba, mayaman silang maituturing. Pero sa pamantayan ng yaman nina Mike, hindi man lang sila aabot sa twenty percent ng mga tinatangkilik nito.

"Please, Sienna. I hate hearing those words," seryosong wika ni Mike sa tuwing isasatinig niya rito ang mga insecurities niya sa agwat ng kabuhayan nila.

Para dito ay wala naman siyang dapat na ikahiya at ipagyabang. Nagkataon lang na sinuwerte sila, iyon ang palaging katwiran nito. Mama Sylvia was of Spanish descent, all right, pero ang papa nito, na nag-akyat ng pera sa pamilya nito, was a self-made man.

Nagtapos ng Komersyo sa Letran ang papa ni Mike sa pamamagitan ng scholarship. Isang kaklaseng mayaman ang nagyaya rito na magtayo ng sanglaan sa halip na mamasukan sa isang opisina.

Nang mag-migrate sa Amerika ang ka-partner nito ay unti-unti nitong binayaran ang puhunan sa sanglaan hanggang sa maging pag-aari na nito ang naturang negosyo.

Sinamantala nito ang oportunidad sa pag-aalahas, ginto at mamahaling bato. Kay Mama Sylvia ang kredito ng mga pag-contact sa mayayamang kliyente. At hayun nga, kasabay ng paglobo ng pagbebenta ng alahas ay ang pagsulpot ng mga branches ng pawnshop.

"Masisisi mo ba ako?" ganti ni Sienna. Natatanaw na niya ang magarang mansyon nina Mike. At tuwina ay may bumubundol na kaba sa kanyang dibdib.

"Tatanungin kita, Sienna. May pagkakataon bang nagpakita sa iyo ng magaspang ang mama?"

Wala nga. Pero kahit na, katwiran niya sa sarili. Hindi nga niya alam kung para saan ang insecurities na iyon. Kung mapipikon si Mike at iiwan siya, hindi rin niya kaya.

Napabunot siya ng malalim na paghinga. Dapat nga yata ay hayaan na lang niya si Mike. Tutal mas mainam ngang dinadala siya sa bahay ng mga ito. Ibig sabihin, seryoso nga ito sa kanya.


*****

"KAYONG dalawa, hindi ibig sabihing hindi ko kayo pinapansing masyado ay kinukunsinti ko kayo, ha?" Kasalo nila sa pagmemeryenda si Mama Sylvia. "Gusto ko, hindi ninyo pababayaan ang pag-aaral ninyo."

Iniliyad pa ni Mike ang dibdib. "Of course, Mama. Priority pa rin namin ang aming pag-aaral."

Umirap lang si Mama Sylvia at binalingan siya. "Ikaw, Sienna, medyo hihigpitan mo iyang anak ko. Alam mo naman ang mga lalaki, masyadong malikot 'pag may babae sa tabi. Kung anu-ano ang inuungot. Learn to say 'no'. Para na rin sa inyong pareho iyon. Mga bata pa kayo."

Wala siyang maisagot. Napayuko na lang siya. Hindi naman niya kayang aminin sa matandang babae na useless na rin kung tatanggihan niya ang advances ni Mike.

"Mama, naman," reklamo ni Mike, inakbayan siya nito.

"Heh!" Pinanlakihan nito ng mga mata ang anak. "Alam mo ang ibig kong sabihin. Iniiwas ko lang kayong pareho sa posibleng problema."

SECOND CHANCE AT LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon