PART A - ABANDON

27 8 0
                                    

TRAIL OF A JET PLANE
PART A - ABANDON

HUMUGOT ako ng isang malalim paghinga, habang ang co-pilot na katabi ko naman ay nag aayos na rin sa sarili nitong seat belt. Bahagya kong in-adjust ang aviation headsets ko at saka muling nagsalita. "This is Flight Leiutenant Robert Alfonso Santos. Driving Airfight 1397. Roger! In 5 minutes we are about to take off, going to Philippines, Manila." Bumilis naman ang tibok ng puso ko sa pagbanggit ko ng bansang aming pupuntahan, --ang aking sarili bansa.

Sinimulan ko na ngang pagpipindutin ang mga buttons ng eroplano upang umandar ang engines nito. "You looks excited, huh.. going home?" I smirk. Nahalata pala niya.. pero nagkakamali siya. Hindi ako excited lang, kundi sobrang excited ako!

This moment is my first time na ako ang pilot at hindi co-pilot lang na magpapalipad ng Jetplane from America to Philippines. Maraming beses na akong nakapagpalipad ng eroplano, lalo na 'yung nasa pilipinas pa lang ako pero sa malalapit na lugar lang naman. Ngunit 'yung flight na ito na halos kalahati ng mundo ang lalakbayin ko, is a first time.

Muli ay nagsalita ako sa intercom ng eroplano ko, "This is Flight Lieutenant Robert Alfonso Santos. Airfight 1397. Ready to take off!"

Mahigpit na hinawakan ko na ang manibela kasabay ng pagpwersa ko sa gas nito, kung bakit kaagad na umangat ang eroplano at kaagad agad itong bumulusok ng napakataas. "Woooohhh" kabadong sigaw ni Commander Froilan Esfir Nikolaichev. "Eassy men! That's a great blast!"

"Wooohhooohhh!!" Pagsigaw ko naman, habang patuloy pa rin kami sa napakabilis na pagtaas.. grabe kasi ang excitement na nararamdaman ko, dahil sa wakas ay makakauwi na din ako.

"What's wrong men?!" At tumawa na lang ako sa sinabi niya.

Hahanapin ko kayo Michelle at Angelo.. mga kapatid ko. Miss na miss ko na kayo. Uuwi na si kuya.

Limang taon na ang nakakalipas. Ngunit magpasahanggang ngayon, ay parang kahapon lang sa tuwing bumabalik muli sa aking alaala kung papaano kaming magkakapatid ay pinaghiwalay ng tadhana..

(5 YEARS AGO)

Gabi at umuulan ng malakas.. pero hindi tulad ng lahat, na sa mga ka-orasan na iyon, ay balot na ng kumot at nakahiga na sa mga kani-kaniyang mga higaan habang natutulog katabi ang mga mahal sa buhay. Ay heto ako.. basang basa sa ulan at naglalakad sa kawalan.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Paulit ulit na sumasagi sa isipan ko ang huling mga sandali bago ako napahiwala'y sa mga kapatid ko.

"Kuya, please! Huwag mo kaming iwan!"

"Michelle, makinig ka!" Pigil pigil ko ang pag iyak,habang tumititig ako sa mga mata niya na punong puno ng takot. Pinilit kong ngumiti.. at kumanta..

'All my bags are packed, im ready to go..
Standing here outside your door..' At sa pagkakataong iyon ay hindi ko na nga napigilan pa ang hindi umiyak.

"No, hindi ka aalis. Huwag mo kaming iwan dito." At sa halip na mga salita ang marinig niya ay nagpatuloy pa rin akong kumanta.

'I hate to wake you up.. to say, goodbye..' Hinawi ko ang mga buhok na tumatabing sa mukha niya.

"Kailangan mong magpakatatag Michelle. Ikaw na ang bahala sa kapatid natin ha.."

"Nooo..." Pagmamatigas pa rin niya na umiling iling pa. Pero parang nang aasar pa ako na ngumiti lang sa kanya. Kilala ko kasi ang kapatid ko.. kahit nagpapakita siya ng kahinaan niya, but deep inside her, is a tough person. Hindi siya marunong sumuko.

"That's an order captain!" Biro ngunit totoo ko itong sinabi sa kanya na may pagsaludo pa.

"Ano ba?! Mga p**¥€** naman kayo oh! Anong oras na, inaantok na ako sa ka-drama-han niyo. Kung ayaw niyong maghiwa-hiwalay aba'y sige, lumayas kayong lahat dito. Hindi iyong iniistorbo niyo ako." Sabat naman ng masungit naming tita. At saka ito umirap at nagpaypay sa sarili niya.

"Nope tita. Aalis ako. At maiiwan po dito ang mga kapatid ko. Pero huwag po kayong mag alala, babalik din po ako.. maghahanap po ako ng trabaho at magpapadala din po ako ng pera sa inyo, para hindi na po kayo masyadong mahirapan sa gastusin sa kanila."

"Aba'y dapat lang 'no!" Malakas niyang sagot at umirap na naman sa akin, habang patuloy ito sa pagpaypay. Hinarap ko naman ang mga kapatid ko.

"Bunso.. huwag kang magpapasaway kay ate ha. Makikinig ka lagi sa kanya." Patuloy pa rin sila sa pag iyak.

"Kuya.. wa-wa-wagg mo n-na p-po k-kami.. i-iwan.. ahuhuhuhu" Humihikbi na pakiusap ng bunso namin na si Angelo.

"Kailangan bunso eh." Niyakap ko siya, at pagkatapos ay humarap naman na ako kay Michelle. At katulad ng kinanta ko kanina.. i hate to say, goodbye. Just a few words is enough.

"I shall return, captain!" Muli ko siyang sinaluduhan and I wait for her to salute me back. But instead of salute she gave me a hug.

(KASALUKUYAN)

Kasalukuyan ng mapayapa ang paglipad namin sa kalangitan habang hawak ko pa rin ang controling grip ng eroplano. Then we recieved a signal request, it's Steve Franck Erowswind. He is one of the admin base on Radar Cummunication System. And of course I accept his call.

"How was the fly, Leiutenant?" He ask.

"It's all perfect sir."

"Okay, there is a thick cloud ahead that you are about to through in approximately 15 to 20 minutes. But stay calm, and slowly increase your speed."

"Copy sir."

"Hello Franck!" Agaw atensiyon naman ng kasama kong si Froilan.

"Yes, Esfir?"

"Do we have any foods here? Im so hungryy mennn" Opo, mahilig talaga siyang mag 'meeeennnnn' -_-

Natawa naman si Steve mula sa kabilang linya. "Commander Esfir, Im affraid for you to be heavy there. Leiutenant Robert might have struggle to control his jet."

At ako naman ang kinausap niya. "Leiutenant.. enjoy your trip to philippines. Your siblings must be proud of you."

"Copy sir! To God be the glory!" At sa muli kong pagtuon ng aking atensiyon sa mga kaulapan na aming dadaanan, ay muli na namang nagsimula ang aking pagbabalik tanaw mula sa nakaraan..

( 5 YEARS AGO)

Halos hindi na ako makalakad ng maayos. Nanginginig na kasi ang mga binti ko sa magkahalong gutom, lamig at pagod. Patuloy pa rin sa pagragasa ang malakas na ulan. Nagdagdag pa sa hirap ng paglalakad ko ang unti unting pagtaas ng baha.. saan nga ba ako pupunta? Ang totoo niyan, ay hindi ko alam. Para akong naglalakad sa kawalan. Hanggang sa ang katawan ko na rin ang bumigay at wala na akong nagawa pa ng kusa na akong bumagsak at mawalan ng malay.

Bumalik na ang pakiramdam ko sa paligid. Hindi pa man ako dumidilat ay alam kong nasa maayos na lugar na ako. Malambot ang hinihigaan ko, may unan at kumot rin. Hindi rin ako nakatiis ay dumilat na ako at bumangon na rin.

Pinagmasdan ko ang lugar na kinaroroonan ko. Nasa isang kwarto ako na may aircon. At ng sumilip ako sa bintana ay laking gulat ko dahil nasa mataas na palapag din pala ako ng gusali.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko ang isang lalaking nakatalikod sa gawi ko. Ngunit kaagad din akong nagtago dahil may hawak pala itong baril na kanyang kinasa. At siguro ay naramdaman niya ang presensya ko kaya kahit hindi pa siya lumilingon ay kusa na din siyang nagsalita.

"Kumusta? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya habang patuloy pa rin ito sa ginagawang paglilinis ng kanyang malaking baril.

Tumikhim muna ako bago nagsalita.. "Sino po kayo?"

"Nakita kita kagabi sa daan na walang malay. Kaya binuhat kita at dito na lang kita sa condo ko dinala." At saka siya tumingin sa akin. "Im Ishmael Hamu Sarai. Ikaw, anong pangalan mo?"

"Robert po."

"Robert?.."

"Robert Alfonso Santos."

JP CAVALLER WRIGHT

TRAIL OF A JETPLANE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon