LUNCH break at katulad ng dilemma ng lahat ng taong outcast, problema ni Penpen kung saan siya pupuwesto sa cafeteria. Hawak niya na ang tray ng pagkaing binili, eggpie at juice, at dahan-dahan siyang naglakad para maghanap ng upuan na available. Iyong malayo sa mapanglait na mga nilalang.
Sa bandang kaliwa, may mga bumubulong ng panget. Deadma lang. Darating ang araw na magi-guest siya kay Oprah at ikukuwento ang experience niya sa bullying bago mag-promote ng latest niyang Fall collection. And better yet, mapapanood iyon ng mga nanlalait sa kanya na by then ay mga losyang nang lahat, may isang dosenang gusgusing anak, babaerong asawa, landlord na nagpapalayas every other day at wala ni isang matinong duster.
She had to believe to endure. And yes, sasabihin niya rin iyon sa interview. Oprah, I had to believe to endure
In-scan niya ng mabilisan ang kabuuan ng cafeteria. Sa bandang dulo ang mga geeks-slash-fashion victims na hindi naman siya nilalait pero ini-snob siya. Malapit naman sa counter ang grupo ng mga ganda-gandahan. Permanente nang nakakiling ang ulo ng mga iyon sa side kung saan nakahawi din ang mga buhok. Something she never understood. Kailangan bang kapag feeling maganda eh bali din ang leeg? They didnt look pretty, they looked injured.Sa kabila naman ang mga feeling cool at astig, suki ng Prefect of Discipline at nag-uunahan ma-kick out. Ang Divine Light Academy ay semi-private school lang kaya walang ubod ng yaman na grupo ng mga estudyante doon----oooops, wait---meron pala. Si Will. Anak kasi ito ng governor lang naman kaya ewan niya kung bakit doon nag-aaral.
Speaking of Will, bigla itong sumulpot mula kung saan kasunod ang kung sinong grupo na kakuwentuhan nito. Everytime its a different group dahil iyon ito, isang natural-born charmer. Kahit yata ipis sa basurahan kaya nitong kaibiganin. Everybody wanted a piece of Will. She wanted a piece of Will. Malaking factor din siguro na single ito. Nasa college na daw ang ex ni Will na matanda dito ng isang taon, ayon na rin sa nasagap niyang tsismis.
Sana nga pareho sila ng section para kahit papaano maging ka-close niya ito. Pero na-late siyang mag-enrol kaya sa kabilang section siya nailagay.
Umupo na lang siya sa pinakamalapit na upuang bakante. Bahala na. Mas okay nang malait kaysa tuluyang manlambot ang tuhod niya at bumigay iyon dahil kay Will.He was like a male Medusa. But he doesn't turn her into stone. Instead, he turns her legs into marshmallow. And her brain into spaghetti. And her heart into a balloon, close to bursting. And her usual sensible self into this silly girl who can only sit because she might faint. Ni hindi siya nito kailangang titigan para magkaganoon siya, ang kailan lang gawin ni Will ay ang mag-exist.
“Excuse me, bakit dito ka nakaupo? Masungit na tanong sa kanya ng isa sa mga nasa lamesa. Nilibot niya saglit ang mata at natuklasang nasa grupo siya ng mga adik sa extra curricular activities, sports, theater, music, pagtulay sa kawad ng kuryente, pag-split sa bubog, pagkain ng alambre, pagsusungit sa nakikiupo sa puwesto nito sa cafeteria, among other things.
“Dahil bakante,” sabi niya at nginitian ito ng matamis.
May tumawa sa bandang likuran niya, tawang naaliw. Malutong. Parang tsitsaron. Si Will. Kahit hindi para sa kanya ang tawang iyon, gumaan pa rin ang pakiramdam niya. Sa Divine Light Academy, hindi lang pagkain ang meron, pati tawa ng pogi, meron sila. At nakakabusog iyon.
Yum-yum.**********
“BAKIT ka natatawa? tanong ng isa sa mga kausap ni Will na taga-student council, si Billy. As usual ay pinipilit siya ng mga itong sumali, kahit sa special committee lang daw na bubuuin para sa Foundation Day.
“May naalala lang ako, sagot niya at bahagyang sinulyapan si Penpen de Sarapen. Pati mga hirit nito, nakakaaliw din talaga.
Tumango-tango ito. "So, sama ka sa amin?"
BINABASA MO ANG
The Third Will
RomanceSecond book from the The Ex Files series. Unedited version, published under PHR. Can be read as standalone. An ugly duckling falls for the campus hottie. They were young, in love...and in trouble?