MATIYAGANG nag-abang si Penpen sa pagdating ni Will. Nasa cafeteria siya pero wala nang masyado estudayante dahil maaga pa. Wala si Will dahil isinama ito ng student council sa meeting, magpapatulong yatang mag-solicit.Habang hinihintay ito ay nagi-sketch siya ng damit na gusto niyang gawing next project. It was a layered dress with leaf patterns. Halos matatapos na din ang sketch niya nang dumating ang boyfriend niya. Boyfriend niya---it's as unsettling as the first time she thought about it. And like always, she felt his presence first before she saw him. Felt his stare drilling holes on the back of her head. Felt the excitement bubbling up inside her like a Chemistry experiment about to explode.
"Nainip ka ba?" Naupo ito sa tabi niya, smelling wonderful as usual.
"Hindi naman." Espesyal na araw iyon, maghihintay siya kahit ilang oras pa. “Anong pinag-usapan ninyo?
“Nagpapatulong lang silang mag-solicit." Tiningnan nito ang sketch niya. “Ang suwerte ko talaga, ang talented ng girlfriend ko.
"Hindi lang talented, thoughtful din". May kinuha siya sa bag, a sweater she made for him. It was blue with more pockets than necessary. Actually, tinadtad niya iyon ng bulsa.
Niladlad nito iyon. “Wow naman."
"Amuyin mo."
Inamoy nga nito at napangiti. "Amoy-Penpen."
"Sinuot ko kasi yan sandali. Happy first monthsary."
"T-thanks. Happy monthsary din."
Hindi nakaligtas sa kanya ang pagbabago ng facial expression nito. He looked guilty. Nakalimutan ba nito na monthsary nila sa araw na iyon? Ang isang daang porsiyentong ngiti niya, naging ninety percent na lang.
“Will! May biglang tumawag dito. Isang payat na lalakeng matangkad na nasa bukana ng cafeteria. Ang alam niya ay iyon ang chairperson ng student council. Bahagya siya nitong nginitian. Mula nang maging sila ni Will, hindi lang tumigil ang bullying. Naging mas friendly din sa kanya ang lahat.
"Teka lang, ha? Bitbit ang sweater na tumayo si Will para lapitan ito. Saglit na nag-usap ang dalawa at pagbalik ni Will ay um-order na sila ng pagkain at kumain na sila. Silently---which was weird. Madalas kasi ay nagkukuwentuhan sila ng walang humpay tungkol sa maraming bagay. May tungkol sa homeworks, borloloy niya sa buhok, circus ng mga bakla na gusto nitong puntahan nila, borloloy niya ulit sa katawan, gagambang pinustahan nito at nanalo, pagpaplano nitong mag-cutting na mahigpit niyang tinututulan, wig ng teacher nila sa PE at kung anu-ano pa.
But that morning, it was radio silent.Lumipas din ang maghapon na halos hindi niya ito nakita muli. Wala ring indikasyon na may plano ito para sa monthsary nila. Hindi naman siya nage-expect na mamulaklak ang locker niya o ng harana sa kalagitnaan ng nakakabagot na lecture o dinner na iniilawan ng buwan at mga bituin. But she was expecting something. Anything. Napaka-anti-climatic ng araw na iyon. She waited for it and when it finally came, it exploded like a zit on her face.
Para saan pa ang monthsary gayong wala naman palang ipinagkaiba iyon sa Bonifacio Day?
“Uy, daanan mo na lang daw si Will sa office ng student council." Namalayan niya na lang na sabi ng seatmate niya pagkatapos ng last period.
“Sabi nino?” Gusto na lang niyang matapos ang araw na iyon. Clearly ang meeting na iyon sa student council na hindi matapos-tapos ang priority at hindi siya.
“Yong treasurer, pumunta dito kaninang recess---sino nga ba yon?"
Nagkibit-balikat siya. Wala siya sa mood umalala ng pangalan ng kung sino. Wala sa mood para sa kahit na ano. Pero siyempre dumiretso pa rin siya sa opisina ng student council. Sa isang katok niya ay bahagyang naitulak pabukas ang pinto. At nang tuluyan niya iyong buksan ay tumambad sa kanya ang ilang mannequin, all wearing…

BINABASA MO ANG
The Third Will
RomanceSecond book from the The Ex Files series. Unedited version, published under PHR. Can be read as standalone. An ugly duckling falls for the campus hottie. They were young, in love...and in trouble?