Noong isang araw, dahil wala akong magawa sa bahay, naisipan kong aralin itong Baybayin. Akala ko talaga nung una mahirap siya pero nung sinimulan ko na itong aralin, nagulat ako kasi madali lang pala siya.Halos isang oras ko lang inaral 'tong Baybayin. Kailangan lang talaga siyang kabisaduhin pero madali lang di naman. Practice lang ng practice hanggang sa makuha mo na.
Kaya ngayon, naisipan kong ibahagi sa inyo yung natutunan ko. Wala naman siguro kayong masyadong ginagawa sa bahay niyo at pwede nyo tong isingit na aralin.
Promise, mag-eenjoy kang aralin to!
So, ano pa ang hinihintay nyo? Kumuha na kayo ng papel at kahit anong panulat at simulan na natin to!
miss_andy04

BINABASA MO ANG
Paano magsulat ng Baybayin?
RandomAng Baybayin ay ang sinaunang alpabeto ng mga Filipino bago pa dumating ang mga Español at maituro ang alpabetong Romano. Gusto niyo bang matutong magsulat ng Baybayin?