Ikatlong Aralin: Pagpapalit ng mga letrang wala sa Baybayin

278 9 3
                                    



Ikatlong Aralin: Pagpapalit ng mga letrang wala sa Baybayin

Ngayong aralin, ituturo ko naman sa inyo kung paano magpapalit ng mga letrang wala sa Baybayin tulad ng C, F, J, V, Z, Q, at X.

(Kapag English ang salita at pwede namang i-translate ng Tagalog, mas mabuti pang gawing tagalog para mas madali)

Sa letrang C, "K" ang ipapalit na letra.

Halimbawa:
-Cat = Kat
ᜃ ᜆ᜔
Ka  t

-Clay = Klay
ᜃ᜔ ᜎ ᜌ᜔
K  la  y

Pero kapag pa-S ang tunog ng C, "S" ang ipapalit dito.

Halimbawa:
-Cellphone = Sellphone o Selpon
ᜐᜒ ᜎ᜔ ᜎ᜔ ᜉ᜔ ᜑᜓ ᜈᜒ
Se  l   l  p  ho ne
ᜐᜒ ᜎ᜔ ᜉᜓ ᜈ᜔
Se  l  po  n

-Cents = Sents
ᜐᜒ ᜈ᜔ ᜆ᜔ ᜐ᜔
Se  n  t  s

Sa letrang F, "P" ang ipapalit.

Halimbawa:
-Fat = Pat
ᜉᜆ᜔
Pa t

Sa J, gagawin itong "Diy" para makuha ang tunog nitong J.

Halimbawa:

-James = Diyaemes
ᜇᜒ ᜌ ᜁ ᜋᜒ ᜐ᜔
Di  ya  e  me  s

-Jean = Diyean
ᜇᜒ ᜌᜒ ᜀ ᜈ᜔
Di  ye  a  n

Sa V, "B" ang ipapalit. Pero wala namang letrang V na Tagalog kaya para mas madali, i-translate niyo nalang iyon sa Tagalog para di kayo mahirapan. Pero kung walang Tagalog ng salitang iyon, palitan nalang ng "B".

Halimbawa:
-Van = Ban
ᜊ ᜈ᜔
Ba  n

Sa Z, halata namang walang letrang Z sa Tagalog pero kung gusto niyong gumamit ng Z, pwede niyong gamitin ang "S" para ipalit dito.

Halimbawa:
-Zebra = Sebra
ᜐᜒ ᜊ᜔ ᜇ
Se  b  ra

Sa Q, wala ding Tagalog na may letrang Q pero kung gusto niyong gamitin sa English, pwede niyong gawing "Kw" ang Q.

Halimbawa:
-Quarantine = Kwarantine
ᜃ᜔ ᜏ ᜇ ᜈ᜔ ᜆᜒ ᜈᜒ
K  wa  ra  n  ti  ne

At sa X, wala ding Tagalog na may letrang X pero kung gusto niyong gumamit nito, pwedeng "S" ang ipalit dito.

Halimbawa:
-Xerox = Seroks
ᜐᜒ ᜇᜓ ᜃ᜔ ᜐ᜔
Se  ro  k  s

Kung may hindi kayo naiintindihan o kung may katanungan kayo, maari kayong magtanong sa comment section sa baba o pwede niyo akong i-DM(miss_andy04).

Sana'y may natutunan kayo sa araling ito.

Maraming Salamat!

miss_andy04

Paano magsulat ng Baybayin?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon