Baybayin

283 10 1
                                    




Bago natin simulan ang pag-aaral ng Baybayin, bibigyan ko muna kayo ng kaunting kaalaman tungkol sa Baybayin.

Ano nga ba ang Baybayin? Bakit hindi na ito masyado ginagamit at kilala ngayon?

Ang baybáyin ang sinaunang alpabeto ng mga Filipino bago pa dumating ang mga Español at maituro ang alpabetong Romano. Mula ito sa salitâng "baybáy" ng mga Tagalog na nangangahulugan ng lupaing nása gilid ng dagat at ng "pagbaybáy" na nangangahulugan ng ispeling. Ito ay binubuo ng 18 na letra, 15 na katinig at 3 patinig.

Ginamit ito ng ating mga katutubo noon bago pa dumating ang mga Español at ituro ang alpabetong Romano. Normal lamang na ipatupad ng mga mananakop ang pag-aaral, pagsasalita at pagsulat ng dala nilang alpabeto kung kaya't ito ang naging dahilan kung bakit unti-unting nawala ang paggamit ng Baybayin. Sa mga sumunod na mahigit sa dalawandaang taon pa ay naglaho na ang Baybayin. Pumalit na dito ang Alpabetong Romano.

sources:
https://philippineculturaleducation.com.ph/bayanihan-2/
http://baybayinbuhayin.blogspot.com/p/about-baybayin-buhayin.html

Kung may gusto pa kayong malaman, bisitahin nyo nalang ang mga links na yan.


Salamat sa pagbabasa at sana'y may natutunan kayo.

miss_andy04

Paano magsulat ng Baybayin?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon