Chapter 5

23.5K 462 36
                                    

Adriana's POV

Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip, stress na stress na nga ako kung ano ang gagawin, tapos dumagdag pa ang de Villa na it! Saad ko sa sarili.

Yes, i hate him pero kailangan kong maging civil dito, magsasama kami sa iisang bahay at magpapakasal pa! Biglang kumalabog ang dibdib ko. Paano ba ito?!Hindi ko mapigilan ang atraksyon ko sa kanya! Everytime paglalapit ito sa akin parang sinisindihan ang pagkatao ko!

Paano pag nalaman niya ang totoo? He will hate me. Kamumuhian niya ako. Oh god no! Bakit pa ba nagcross ang landas namin ulit?!

Napabuntong hininga ako, the best way ay kaibiganin ko nalang ito, maging civil lang ako rito para iwas stress. Isipin kong this is an arranged marriage! A business marriage! Tama naman diba?! Usal ko sa sarili.

Nagpalit na ako ng pambahay na damit. Short shorts at crop top ang isinuot ko. Most of her clothes na pambahay ay ganito lahat.

Lumabas na ako ng kwarto kaysa magmukmok ako. Naabutan kong nagluluto si Rain pero tila hindi matapos tapos, nilapitan ko na ito at tinulungan.

Hindi ko pinahalata ang epekto ng malalagkit na titig nito sa akin. Nagbibigay ito ng kakaibang kiliti sa damdamin ko! My god! Titig niya pa lang ay natutunaw na ako.

Bigla ako nitong niyakap sa likuran. I tried not to stiffen. Tila libo libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa mga ugat ng katawan ko. Lalo na ng sabihin nito...

"I love your outfit today love..." He said sexily. Kakasabi lang nito kung inaakit ko ba siya pero tila ito yata ang nang aakit sa akin ngayon!

"Uhmmm thanks?" Sabi ko nalang na napapalunok.

"Damn! i love your smell." Sabi ulit nito tsaka isiniksik ang mukha sa batok ko. Napabuntong hininga ako at napahigpit ang hawak ko sa kutsilyo . Shit! Nagpipigil ako na huwag mapaungol.

"Careful babe,baka masaksak mo ako." Maya maya ay sabi nito sabay kuha ng kutsilyong hawak ko at umalis na sa likuran ko, napabuntobg hininga ako. Damn! His presence made me uncomfortable pero bigla akong nilamig ng hindi ko na maramdaman ang init mg katawan niya.

"What do you want for dinner? Baka hindi mo magustuhan ang lulutuin ko." Sabi nito.

"You know how to cook?" Maang kung tanong, hindi halata na marunong itong magluto.

"Of course babe, name it and i'll cook it." Nagwink pa ito sa akin. Bigla akong napabulalas ng tawa, pati ako nabigla rin sa pagtawa ko. Nakakatawa lang ako ng ganito kapag kasama si Kael.

Pati ito natigilan sa biglaan kong pagtawa pero napangisi na rin tila ba may na achieved itong awards.

"Shit! I made you laugh!" Kunwari'y shocked ito. "I hate you pala huh..." Dagdag pa nito na nakangisi.

"Yes, i hate you Mr.de Villa. So, don't assume! Cook whatever you want. Okay lang sa akin." Pagkikibit balikat ko.

"Right away ma'am!" Masiglang sabi nito. Nagpipigil ako ng tawa. Kabaliktaran ang pinapakita nitong ugali sa lahat. She's done her research madaming nagsasabi na isa itong heartless bastard pagdating sa business kaya nagiging top ito sa larangan ng business industry. And a womanizer! Tsk!

Napaupo ako sa kitchen stool, tila nakabantay ako sa kanya habang nagluluto.

"How did you know how to cook?" Tanong ko. Ang awkward kasi sobrang tahimik feeling ko tuloy ang heartbeat lang naming dalawa ang naririnig ko.

"Si Manang Jones, she teach me how to cook. Minsan mamimeet mo yun, siya yung naglilinis dito sa Penthouse ko at the same time nagluluto. Pero kahit noong bata pa ako mahilig na akong magluto. Lagi ko ngang pinapanood ang mommy ko kapag nagluluto." Sabi nito.

Wow..! Madaldal din pala ito. Ang isang powerful business man ay may ganito pa lang character,marunong sa lahat. Well, sabi nga nila huwag maniwala sa lahat ng nababasa sa social media.

"Hmm-mm, dapat pala nagChef ka." Sabi ko,napansin ko na natigilan ito. May nasabi ba akong masama?

"Well, i wanted to, but you know... Sa larangan ng business ako lang ang maasahan ng dad ko, pwede naman yung mga iba kong kapatid. Kaso iba ang hilig nila. As an oldest son instead pursuing my dreams, i'll pleased my father. Kailangan eh." Seryoso nitong sabi na may halong lungkot sa boses.

What the... Parang nakaramdam ako ng awa rito. Hindi halata sa personality nito.

"You sacrificed because of your siblings, right?"

Nagkibit balikat ito. Wow! May puso rin pala ito. He is a good brother hindi nga lang halata.

"You're a great son and a brother to your siblings."  Seryoso kong sabi na humanga sa personalidad nito. "But you really nailed it in the business industry, sinong mag aakalang ang gustong magChef noon ay isa ng powerful business man ngayon?" Masaya kong sabi, pinapagaan ko ang mood nito. Napatawa ito pero saglit lang.

"How about you?" Tanong nito sa akin.

Me? How about me? You broke my heart by taking me away from Kael.

Gusto ko sanang sabihin pero hindi na ako nagsalita. Baka mas lalong madami pa itong itanong.

"Adelaide was a good woman." Usal nito na ikinatigil ko. Kilala niya ang mama ko? Nakaramdam ako ng nalungkot.

"How did you know her?" Mapait akong ngumiti sa kanya.

"Business partners. Well, siya yung una kong naging kaibigan sa business industry noong kakasimula ko pang mag take over sa company namin."

Nangilid ang luha ko sa mga mata, na miss ko bigla ang mommy ko. She's a very good woman indeed.

"Tell me more about her, i only know her as a mother kapag nasa bahay, she's kind,loving, caring and compassionate." Naiiyak kong usal,napatigil naman si Rain sa ginagawa at tinitigan ako.

"Pagdating sa business your mom was very wise, smart and strict specially of it about the rules and regulations. She's full of knowledge in business, she's dedicated to her work. Isa siya sa nagturo sa akin that's why she's my dear friend and mentor"

Napatulo ang luha ko sa sinabi ni Rain. I miss her, napahawak ako sa dibdib ko. At lalong nalungkot. Naiwala ko pala ang kwentas niya. Kapag na mimiss ko siya hinahawakan ko lang ang kuwentas niya.

"And now i'm in front of her daughter na dati dati ay lagi niyang nirereto sa akin, i can't believe it. Kaharap na kita." He said with a faint smile on his face, he wiped my tears at hinayaan ko lang siya.

"Nirereto? " Napakunot ang noo ko.

"Yes, lagi niyang sinasabi na 'sayang ang bata pa kase ng nag iisa kong anak erereto ko sana sayo' napapatawa nalang ako sa jokes niya. So stop crying now love." Malambing nitong sabi.

"My father is a bastard." Usal ko tsaka nag iba ang timpla ng mukha ko.

"I agree with that, buti nalang kamukha mo ang mommy mo, wala kang nakuha ni isang features ng ama mo." Inis na sabi ni Rain at ipinagpatuloy na ang pagluluto.

"Sinayang niya lang ang kompanyang pinaghirapan ni mommy." Malungkot kong usal.

Napabuntong hininga si Rain tila may gusto pang sabihin o itanong.

"I have so many questions to ask but gusto ko munang makapag adjust ka sa akin, I want you to trust me Ana" He said softly.

Hindi ako umimik dahil ngayon pa lang komportable na akong kausap ito. And then he called me Ana.. Si mommy lang ang tumatawag sa akin na Ana.

"Pansin ko lang tanging yung bunsong kapatid mo lang ang close mo sa kanila pati ito ay ganoon sa iyo." Kunot noong tanong ni Rain.

Natigilan ako, ayaw kong pag usapan namin si Kael. Naduduwag pa ako at naunahan ako ng takot.

"I'm starving." Sabi ko nalang.

~•~

De Villa Series 1 : Rain's Eternal Love  [Completed]Where stories live. Discover now