Chapter 1 - Notebook
Hollymore Psychiatric Centre
"Hmmmm hmmmm..." Humuhuni si Vanessa habang gumuguhit sa isang papel.Si Vanessa ay nakadamit ng puti, magulo ang buhok at malaki ang eyebags. She's clearly insane. That's right.
Nananatili siya sa isang maputing kwarto na punong puno ng mga litrato ni Juan Karlos. Sa gitna ng paguguhit ni Vanessa, may pumasok sa kwarto niya. Napahinto siya sa ginagawa niya.
"Vanessa, may bisita ka." Bati ng nurse sakanya. Lumingon si Vanessa at nakita niya si Sarah sa likod ng nurse. Si Sarah ang nakatatandang kapatid ni Vanessa na dalawang taon ng nagtatrabaho sa London.
"Pasok ka muna miss." Sabi ng nurse. "Maiwan ko muna kayo." Pumasok si Sarah at tinabihin niya si Vanessa sa kama.
"Vanessa..." Niyakap ni Sarah si Vanessa ng mahigpit.
Naluluha ang mga mata ni Vanessa. "Ate, bakit ako nandito? Hindi naman ako baliw ah.."
"Vanessa, bumalik ako dito sa Pilipinas para makinig sayo." Hinawakan niya yung kamay ni Vanessa. "Sige na, sabihin mo na sakin lahat."
Ngumiti si Vanessa sa kanya.
5 MONTHS AGO
Si Vanessa ay isang suuuuuuuuuper fan ni Juan Karlos Labajo. Simula pa nung blind auditions, madali siyang naging isang parte sa fandom ng mga JKnatics. Crush na crush niya si JK. Halos lahat ng oras, si JK ang pinag-uusapan niya. Basta, JK lang yan ng JK. Walang katapusan ng pag-JK.
"Haaaaay. Super sayang talaga." Nilapag ni Vanessa ang mga gamit niya sa cafeteria table.
"Bakit bes?" Tanong ni Jane, aka best friend niya.
"Eh kasi, hindi ako makapunta ng TVK concert.."
"Sus okay lang yan beeees!"
"Okay? Anong okay? Nandun si Juan Karlos noh! Hindi ako matatahimik kung hindi ko siya makita sa personal."
"OA. Marami pang panahon jan bes."
*Isang linggo ang nakalipas. *
"Class, settle down." Sabi ni ma'am Yen.
Bigla nalang tumahimik ang buong klase.
"Sorry to interrupt. I just have an announcement to make. We have a transfer student."
May isang matangkad na lalaki ang pumasok sa room ng Section C.
Lahat ng mata ay nakadikit sa kanya. Lalo na si Vanessa.
For the first time in forever, naaaaaaaaaaaaapakalakiiiiiiii ng ngiti ni Vanessa. Malakas din ang tibok ng pusong nito.
"I'm Juan Karlos Labajo. Nice to meet you guys."
Lahat ng mga babae sa room naghihiyawan ng sobra. Parang nalalaglag ang mga panty nila. Siyempre, ang bagong kaklase nila ay isang gwapong nilalang.
"Lumipat si Juan Karlos dito dahil gusto niyang ipagpatuloy ang pag-aaral niya habang nag-aartista siya. Hijo, umupo ka doon sa tabi ni Angel." Turo ni ma'am sa isang bakanteng upuan na nasa tabi ni Angel, isang nerd.
Maraming mga babaeng nagbigay ng death glare kay Angel. Lalo na si Vanessa.Kinuha niya ang itim niyang notebook na may butterfly sa harap.
'Angel Louise Castro aka BITCH'
---
Shoutout to those beautiful fans of Juan Karlos ;) lets support him till the end!
Poop chapter tho XD till the next one ladies!
Xoxo @imperfectfriends
BINABASA MO ANG
Obsessive (Juan Karlos Labajo Fanfic)
Teen FictionHe's mine. Only MINE. (C)imperfectfriends