III

62 0 0
                                    

Yey! Monday na ngayon naman oh! Ang bilis ng araw. As usual gumising ako ng maaga nagluto at naligo nadin. 10:00 am pa ang duty ko. Gumising lang ako ng maaga ay dahil sa excitement na nadarama ko alam niyo kapag may bagong gamit kayo excited niyo itong gamitin diba? Aminin niyo na kasi hahahaha.

Natatandaan niyo pa ba na lalabhan ko pa yung Bra na binili ko? Diba hindi ko iyon natapos kahapon kasi at napagod na rin ako. Readers excited na akong isukat iyon. Alas 8 na ako natapos sa paglilinis sa room ko.

At ngayong lalabhan ko na yung bra ko kinuha ko na yung balde na nilagyan ko ng mainit na tubig.

Ng biglang! Na shock ako sa nakita ko! Diyosmiyo! Pano nangyari to!? Yung colored red na bra ay naging "BLACK" juicecolored why o why?

Ngunit unting nawala yung pagkagulat ko kasi habang minamasdan ko ito ay mas naging maganda naman pala ang Black lace na bra magandang pag gawa nito parang mamahalin talaga. Hmmmm.

Pagkatapos kung labhan ang bra ay nilunod ko pa sa tubig na may downy passion oh diba sosyal! Ang mahal kaya ng downy 12 pesos !

Dahil poor ako wala akong dryer kaya kumuha ako ng hanger sa kabinet ko para doon isampay ang bra.

Opppps oh nga pala wag kayong magtataka kung POV ko lahat ito kasi wala naman akong friend dito at hindi ko din friend yung mga multo na nakatira dito kaya no choice ako loner forever.

Multo's P.O.V.

(An: marami kasi sila hahahaha)

White lady: bakit ba hindi yan natatakot satin? Kundi tayo ang natatakot sa kanya?

Tiyanak: ewan ko nga ang taas ng confident ng babaeng to!

Pari na pugot ulo: patay siya ngayon nasa kanya ang bra!

Lahat: bra?

Pari na pugot ulo: oo bra. May nakatira sa bra na yan nakita niyo ba kanina na umiba yung color ng bra?

White lady: oo napansin ko nga pero infairness mas gumanda siya.

Black lady: kawawa naman siya type ko kaya siya maging kaibigan hehehehe.

Tiyanak: ako rin ehehehe maganda naman supiya pero laging haggard ang mukha ahaha.

Pari na pugot ulo: walang nakakatawa! Shhhhh.

*pack! (Umalis na siya hindi yung mga multo)

*_*_*_*_**_*_*_*_*

Sorry kung sabaw ang update pero itrtry ko na mataas ang nest update dahil malapit na ito matapos yey!

The Hanging BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon